"Onie!"
Bahagya pang nagulat si Esyang nang pagbukas niya ng pintuan ay si Onie ang nakita niya. "Pasok." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan at pinatuloy ito. Kusa na itong naupo sa leather sofa na naroroon at prenteng naupo. Nagtanggal na in ito ng sapatos. "N-Napadaan ka?" Ito ang muli nilang pagkikita mula nang tumakas sila sa ospital dahil kay jojo. Sa tulong nito ay nakapagtago siya. At sa tulong din nito ay nailipat sa maayos na ospital si Edong. Patuloy ang Chemotherapy ni Edong at lahat iyon ay sa tulong ni Onie. Sobrang laki na ng nagagawa nito para sa kanila ng mga bata.
Hindi siya nito sinagot bagkus ay tumingin ito sa gawing kusina na sinundan niya din ng tingin. "Anak ng... May nakasalang ako!" Mabilis niyang tinakbo ang kusina. Inabutan niyang kumukulo na ang nilagang baboy na niluluto niya. Inihulog niya ang mga gulay at saka hininaan ang apoy.
"Nagluto ka?" Napaigtad siya na mula sa bar counter ay nakatayo si Onie. Naka t-shirt na puti nalang ito.
Hinubad niya ang suot na apron. "A-Ah oo. Bago umalis si Manang Cora pabalik ng San Agustin ay nagpasama siyang mamalengke kaya bumili na rin kami ng pang ulam ngayong gabi." Bahagya siyang nailang dahil sa pagtitig na ginawa lang nito. "D-Dito kana maghapunan. Aya niya dito.
Tumango naman ang binata. "Sure."
Si Onie ang naglagay ng kanin sa serving bowl at ulam. Siya naman ang naghanda mg mesa. "Where is Pochi? Hindi ba siya kakain?"
Inilapag niya ang dalawang plato. "Nakatulog na eh. Bukas na 'yon kakain." Aniya. Napagod si Pochi kapapanuod ng TV. Nasabik ang bata kasi wala naman silang TV noon. Nakikinood lang sila sa kapitbahay.
Sabay silang umupo sa mesa. "Ako na." Aniya nang tangkain ni Onie na ipagsandok siya ng kanin. Tila nabuhay ang panaginip niya. Sila ni Onie bilang mag asawa habang sabay na naghahapunan. Kalokohan Esyang! Nababaliw kana.
Lihim niyang kinurot ang sarili. Natural na mapunta si Onie dito dahil kanyang tirahan ang tinitirhan nila. Pero walang ibig sabihin iyon. Bigla ay naalala niya ang mga magulang niya. Ganito sana sila noon, kung hindi lang siraulo ang tatay niya at hindi bungangera ang nanay niya. Sila ni Caloy ang labis na naapektuhan.
"Masarap kang magluto. Ganito din ang timpla ni mommy sa Nilaga." Daig pa niya ang makopa dahil sa pamumula ng pisngi niya.
"S-Salamat." Nahihiyang itinuloy niya ang pagnguya. "S-Siya nga pala. Pwede bang pumunta dito si Badet bukas? Plano ko na kasing maghanap ng trabaho bukas." Hindi na siya babalik sa dating gawain nila. Nangako siya na wala nang pitaka ang madudukot ng dahil sa kanila. Nasa DSWD sina Jopet. Kailangan niya ng matinong trabaho para payagan ng nga social workers na ibalik ang mga bata sa kanya. Kapag nakita kasi na wala siyang kakayanan hindi papayagan na mapunta sila ulit sa kanya.
"I can give you a job."
Nahinto siya sa pagnguya. "O-Onie... " Pati ba naman trabaho ibibigay nito? Ano pa sa susunod?
"I heard from our HR recruitment office na kailangan ng mga extra staff sa cafeteria na nasa loob ng building. I can recommend you since ang sarap mo namang magluto." Tila siya batang kinikilig kahit pa napakaseryoso ng pananalita nito ngayon. "Tatawagan ko ang sekretarya ko para ayusin ang application mo."
Naluluhang tinignan niya ito. "Maraming salamat."
Hindi ito nagsalita. Bagkus nanatili itong tahimik hanggang sa makatapos itong kumain.
Nagpumilit si Onie na ito ang magliligpit ng kinainan nila kaya hindi na siya nagpumilit pa. Naninibago man siya sa kinikilos nito ay hinayaan nalang niya. Iisa lang ang kwarto sa unit nito kaya naglabas siya ng extra mattress na nasa silid nito. Siguro ay bubuhatin nalang niya si pochi sa salas at doon sila matutulog nakakahiya naman kasi kay Onie kung sa sahig niya ito patutulugin.
Naglabas din siya ng extrang kumot. Tahimik at madilim na sa kusina ng lumabas siya. Sinilip niya ang banyo pero patay naman ang ilaw. Mula sa sliding door sa tapat ng salas ay nililipad ng pang gabing hangin ang kurtina. Mula doon ay naaninag niya ang bulto ng isang lalaki. Alam niyang si Onie 'yon kaya lumabas siya. Hindi nga siya nagkamali.
Prenteng nakasandal ito sa pader habang nakaupo sa sahig tanaw ang buong siyudad. "Alam ko may Problema ka." Sabihan na siyang tsismosa pero naaamoy niya kasi eh. Ganyan din kasi siya kapag problemado siya.
Tumingala ito sa kanya at hindi nagsalita. "May solusyon ako d'yan." Hindi na niya hinintay na makasagot ito at mabilis siyang pumasok sa kusina. Kumuha siya ng dalawang baso at isang pitsel ng malamig na tubig. Mula sa groceries na binili nila kanina ay kinuha niya ang kwatro kantos na Gin. Binili niya iyon kasi nagyayakag si Badet na magpainom naman daw siya sa ibang araw. Balak niyanh ibigay nalang iyon doon pero mukhang di na niya maiibigay dahil may mas nangangailangan ng Gin ngayon.
Ganoon pa din ang posisyon ni Onie ng makabalik siya. Gaya ng posisyon nito, ginaya niya naupo siya sa sahig at ibinaba ang mga bitbit. Ilang dangkal lang ang pagitan nila. "Ano yan?" Tanong ni Onie habang binubuksan niya ang Gin.
"Pampatulog lang ito. Tutulungan ka nitong makalimot kahit konti." Inabot niya dito ang baso na tinagayan niya. "Inumin mo."
"No thanks. Sa ibang araw nalang Marie." Sabay iwas nito.
Imbes na ipilit dito. Tinungga na lang niya ang masa baso. Gumuhit sa lalamunan niya ang hapdi niyon. "Alam mo, mayaman ka naman. Pero hindi ko maintindihan kung bakit namomoblema ka pa. Kung tutusmusin pwede ka na nga lang pahila hilata. Mag uutos ka nalang."
"You have no idea. Hindi ako ang mayaman kung di ang daddy ko." Natawa siya.
"Edi ganoon na din yon. Sayo din naman mapupunta ang lahat ng mayroon siya eh." Nagsalin muli siya ngunit inagaw ni Onie 'yon sa kanya at ito ang uminom. Gusto niyang matawa. Akala ko ba ayaw niya? Pero nang aagaw naman.
"Ikakasal na ako."
Nahinto siya sa paglagok ng tubig dahil sa sinabi nito. Lumipad ang mga mata niya dito. Nababasa niya ang katotohanan ng sinabi nito. Tila bumaba ang lahat ng tala at nawalan iyon ng kinang dahil s narinig niya. "C-Congrats." Nagawa niyang sabihin.
"Ikakasal na ko pero hindi ko alam kung paano nga ba maging totoo."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...