Prologue

67.6K 1.3K 34
                                    

"Ate Esyang!"

Mabilis na lumabas sa barung-barong si Tessmarie. Sinalubong si Jopet na humahagos papasok.

"Oh! Jopet! Anong balita?" Nakakunot tanong niya sa bata. Katorse anyos palang ito. Hindi niya kaano ano. "Kamusta ang raket?"

Yumuko ito at humawak sa magkabilang tuhod. May inabot na pitaka sa kanya. "Ate yan lang nakuha ko. Na dekwat ko dun sa lalaking may magarang tsikot. " Binuklat niya ang pitaka. Namumutok sa lilibuhing papel ang laman niyon. Isama pa ang ilang dadaanin. Palagay niya'y nasa kwarenta'y mil ang laman niyon. "Mahusay bata!" Ginulo niya ang buhok nito. "Wala bang dikit ito? Baka jinajumbo mo na ako ha! Yari ka sakin."

Matinding pag iling ang ginawa ng bata. "Nako ate hindi ah! Hindi ko nga tinigna ang laman nan kasi nagmamadali akong tumakbo palayo." Nakangiting dumukot siya ng isang libong papel.

"Oh! Ayan! Ipambili mo ng gusto mong kainin ha! Basta yung mabubusog ka. At ito naman iba ay pang bili nyo ng gamit sa susunod napasukan." Nakangiting tinanggap ng bata ang binigay niya.

" Da best ka talaga ate esyang!" Kumaripas na ito ng takbo palayo. Siya naman ay bumalik sa loob ng bahay.

Bahay na yari sa tagpi-tagping yero ay manipis na lawanet. Ito ang buhay niya. Ang buhay na ipinagpalit niya ng tumakas siya sa Hermosa kung saan inampon siya ng matandang biyuda. Tumakas siya dahil hindi doon ang buhay niya. Hindi sa loob ng ampunan kung saan de-numero ang lahat.

Masama man ang gawain niya. Pero ginagawa niya ito para matulungan ang mga batang nasa pagkalinga niya. Si jopet ay isa lamang sa limang batang tinutulungan niyang mag aral. Pero kasabay 'niyon ay tinutulungan din siya ng mga ito na maghanap buhay.

Nasa maliit na kusina siya ng pumasok naman si Pochi. Ibinaba nito ang latang may kumakalansing na barya. "Kamusta ang raket?"

Nakita niyang lumagok ito ng tubig na nasa baso. Tulala at di nagsasalita. "Hoy! Kinakausap kita! Kamusta ang raket?"

Tila natauhan naman ang bata. "S-Si kuya jojo.. "

Naningkit ang singkit niyang mga mata. "Anong ginawa sayo ng ungas na 'yon?" May bahid na galit na sabi niya.

"Sabi niya dapat sa kanya ko na ibinibigay ang kinikita ko. Kasi kapag daw mag asawa na kayo pera na niya ang pera natin." Mangiyak ngiyak na sumbong nito.

Naikuyom niya ang kamao. "Ang kapal naman ng mukha ng dugong na 'yon! Anong tingin niya sa sarili niya? Kagwapuhan? Lintek! Eh mukhang isang bulate nalang ang pipirma sa kanya at pwede na siyang ma tsugi eh!"

Napangiwi ang bata. "Type na type ka talaga ni kuya jojo ate."

"Pwe!" Napadura siya sa lupa. "Anong tingin mo sakin? Type din siya? Mamamatay muna ang huling kuko ko sa paa bago mahawakan ng manyakis na 'yon ang dulo ng buhok ko!" Noon pa man alam na niyang gusto talaga siyang manyakin ng jojo na 'yon. Pero alam nitong hindi yon uubra sa kanya. "Oh! Siya lakad na. Labasan na ng nga nagsimba sa Nazareno. Lumakad kana. Maraming bigating tao doon." Inabot niya dito ang lata at sinundan ito ng tingin. Nang makalabas ang bata ay muli niyang binuklat ang pitaka.

Tumambad sa kanya ang wallet size picture ng isang lalaki doon. Mabilis na tumahip ang dibdib niya pagkakita pa lamang niya.

Ang makakapal nitong kilay na kapag nagsalubong ay iisipin mong may matindi itong galit. Ang mga matang hindi mo alm kung masaya ba o malungkot. Isama pa ang matangos na ilong at natural na mapulang labi na tila kay sarap halikan. Ano ba? Esyang! Litrato lang 'yan!

Pero hindi niya napigilan ang sarili. Pinakatitigan pa niya iyon. Sandaling natigilan siya bago kumaripas ng takbo papasok sa kawayan nilang silid. Kinuha niya sa ilalim ng banig ang lumang diyaryo na nabili niya sa may tulay noong isang araw. At sa likod ng diyaryo ay nakalatha ang isang mukha. Mabilis niyang pinagkumpara 'yon.
Onie... Onie Victorio-Cortez.

Packing Tape! Milyonaryo pala ang nadekwatan ni Jopet! At hindi lang basta milyonaryo! Batang batang mayaman!





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon