"Goodbye and goodnight."
Kusang kumapit sa batok ni Onie ang mga braso ni Yana at kusang yumuko naman ang ulo niya para bigyan ito ng halik sa mga labi. "I love you." He whispered.
Ngumiti ito. "I love you too." Nanatiling magkapatong ang mga noo nila. They had a very beautiful dinner together. Kasama ang mga magulang nito at ang buong pamilya nila. "I can't wait to be Mrs. Dayana Lorenzana-Cortez." She beamed.
Nakakahawa ang sayang nababasa niya sa mga mata nito. Yana is much more different than other girls. Marahil ay namimisinterpret ito ng ibang tao pero hindi nila nakikita ang mga bagay na nakikita niya dito. Nakikita ng mga mata't puso niya.
"In two months time, ikakasal na tayo. It's like yesterday." Sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Yeah, kung saan nagkabanggaan tayo sa corridor at pinagsalitaan kita ng masasama." Kahit siya ay natawa nang maalala ang una nilang pagkikita sa College School nila kung saan ginanap ang Alumni party. He attended the party dahil na rin sa napilit siya ng mga kaibigan niya from college. And from there ay nakilala niya si Yana. "Anyways, Goodnight babe. Naghihintay na sina mommy sa sasakyan." Kumalas ito sa pagkakayakap niya at muling dumampi ang mga labi sa kanya.
Nakatayo sila sa harapan ng bahay nila. "Goodnight. Itext mo ako kapag nakauwi na kayo." Tumango ang dalaga.
"I love you."
"I love you too." Kumaway siya bago hinatid ng mga mata ng tanaw ang papalayong sasakyan. May ngiti sa mga labing pumasok siya sa loob ng bahay. Naabutan niya sa salas si Pisces na abala sa ginagawa nito. "Hey! Kuya's pet." Nilapitan niya ito. Tumingin lang ito sa kanya. Hindi man lang ngumiti. "What happened?"
"Inilagay lang naman ni Virgo sa loob ng Tub ang iPod ko." He said. "That brat!" He continue.
He ruffled his hair. "It's okay. We'll buy one tomorrow. Wag ka nang sumimangot." Nginitian niya ang kapatid. Si Pisces lang kasi ang tahimik at medyo mabait sa mgakapatid niya. When he say medyo. Ito ang hindi naspoil kahit minsan. He is not a materialistic person. Kung ano ang nasa harapan niya iyon ang pagtitiyagaan niya.
"It's okay kuya. Dadalhin ko nalang ito sa repair shop bukas. Dito kasi nakasave yung mga docs na kailangan ko para sa last presentation ng thesis ko." Unlike Taurus. Si Pisces ang marunong makuntento. Si Aries naman ay halos hindi nalalayo dito. Pareho kasi silang masipag. At si Virgo? Ang bunso nilang kapatid ang siyang sumambot ng lahat ng kamalditahan sa mundo.
"Alright." Huminga siya ng malalim. Maaga pa ang trabaho bukas. Kailangan na niyang magpahinga. "But don't you need anything else?"
Sandaling tila nag isip ito."Can i use your car? Absent kasi si Mang nestor. And i can't drive automatic car." Tumango siya. Dalawa naman ang ginagamit niyang sasakyan. Ipapahiram niya dito ang isa.
"Okay. But please, drive safely. Di bale nang magasgasan ang sasakyan wag ka lang." Aniya saka ngumiti at iniwan ito.
"Thanks kuya!" Sigaw pa nito habang paakyat siya ng hagdan. Natatawang tinignan nalang niya ito at saka nagpatuloy sa lag akyat.
Pagdating sa silid niya. He took a very quick shower at inihiga ang katawan sa kama. He had a very long day. Kumaliwa ang mga mata niya sa side table kung saan nakapatong ang dalawang 5r frame. Isang photograph na magkasama sila ni Yana kuha iyon noong sabay silang nagbakasyon sa Bali. At picture naman ng kasintahan ang isa. Her first picture on the day she had an oath taking. Her hair was long and straight. Silky and shiny. Totoong ang bilis makaakit ng mga ganoong buhok. It was done perfectly.
Gumawi naman ang mga mata niya sa pintuan ng silid niya. Naaninag niya doon ang dalawang bulto na magkasunod na naglakad. Nakalimutan pala niyang isara ang pintuan at bahagyang nakapinid iyon. Ang kasunod ng silid niya ay ang Master's bedroom bago ang silid ni Virgo at ang kwarto ni Pisces at Aries. Si Taurus lang ang nakahiwalay dahil maingay lagi siya sa loob ng silid niya. Their parents had to sound proof his bedroom para hindi makaabala ng ibang tao. Kapag nagbuhay kasi ng stereo si Taurus ay akala mo palaging may Disco party.
Akma niyang isasara ang pintuan nang maulingan ang pagiyak ng ina. Bata palang siya ay may trauma na siya sa tuwing iiyak ang mommy niya. Kinakabahan palagi siya at nakakaramdam ng galit para sa mga taong nagpapaiyak dito. Mabilis siyang lumabas ng silid niya at pumunta sa kwarto ng mga magulang.
Mula sa maliit na siwang ng pinto. Nakita niyang yakap yakap ng daddy niya ang mommy niya. Kahit kailan ay hindi pa niya nakikitang mag away ang mga magulang niya. Mahal na mahal ng daddy niya ang mommy niya.
"Ssshhh.. Tahan na.. Just relax." His dad soothing voice calm his mom. Pero maya maya'y humiwalay ito ng yakap at hinarap ang dad niya.
"Paano ako magrerelax? Nakatakas Si Martin!" Dioann his mom hysterically said.
Jorge his dad pulled her again.
Martin? Minsan na niyang narinig ang pangalan nito noong bata pa siya. Bago kinasal ang mommy at daddy niya ay narinig niyang pinaguusapan ng mga ito iyon. Ang naintindihan pang niya ay stepfather ng mommy niya si Martin. Pero para saan ang paghihisterya ng mommy niya? "Walang pwedeng gawin si Martin para sirain ang pamilya natin. Mahuhuli din siya ng mga pulis at maiibalik sa kulungan." Hindi na dapat niya pinakikinggan ang ganitong mga bagay dahil usapang mag asawa iyon. Pero tila may malakas na pwersa ang humahatak sa kanya at pinananatili siya sa kung saan siya nakatayo ngayon.
"Hindi ko alam. Masyado nang maraming nangyari. Ayoko nang dahil sa kanya ay masira ang pamilya natin. Our children. Paano sila? Si Onie?"
Doon mas tumindi ang curiosity niya. "He is not a threat. Mahuhuli din siya." Sabi ng ama niya.
Nagpalakad lakad ang kanyang ina sa loob ng silid. Wala na ang bakas ng masayang dinner sa mukha nito dahil napalitan na ng pangamba at takot iyon. Larawan ng pagkabalisa ang maganda nitong mukha. "Hindi mo naiintindihan! Ngayong malaya na si Martin paano si Onie? Paano kung lumapit siya sa anak ko at sabihin ang lahat ng nalalaman niya? Paano kung magpakilala siya kay Onie at sabihin niyang kapatid niya ang tatay nito? Paano?" Sumubsob ito sa dalawang palad at umiyak.
Nagsalubong ang kilay niya. Ang sabi ng Mommy niya matagal nang patay ang totoo niyang ama. Nabaril daw ito noon. At wala nang isa mang kamag anak na nakikilala angkanyang ina. Kaya paanong kapatid ng kanyang tunay na ama ang dating asawa ng lola niya?
"Ang sabi ko, mamamatay ako na dala dala ang sekreto ng pagkatao ni Onie. Mas mamatamisin kong mamatay na hindi iyon sinasabi sa kanya kaysa malaman niya na ang lalaking gumahasa sa ina mo at ang lalaking gumahasa sakin ay iisa! Ayokong dumating ang araw na kamunghian niya ang sarili niya. Ayokong malaman niya na ang dugong dumadalow sayo at sa kanya ay iisa."
Doon tila lumulobo ang utak niya. Matagal bago iyon maproseso. "He may not my real son pero anak ko siya! Anak natin! Tayo ang mga magulang ni Onie. Mas pipiliin ko pang mamatay na hindi niya nalalaman ang ugnayan namin kaysa ang malaman niyang magkapatid pala kami."
Umawang ang nga labi niya.
Magkapatid? Pinagpapawisan siya ng malapot at sobrang lamig. Tila umiikot ang lahat ng bagay sa paligid niya. Pilit niyang hinihimay ang mga katagang sinabi nang mag asawa patungkol sa pagkatao niya.
"P-Paano?" Halos pabulong niyang sambit.
To be continued...
------
Waahh! Sabi ko na nga ba may naguguluhan pa rin. *face palm
Si Onie ay anak ni Dioann sa gumahasa sa kanya. Nang pakasalan ni Jorge si Dioann malinaw na alam ni Dioann kung sino si Jorge sa buhay nilang mag ina.
Napalitan ng Cortez ang apelyido ni Onie dahil kay Jorge. Jorge Felipe Cortez ang buo niyang pangalan. Apelyido ng nanay ni Jorge ang felipe at Cortez mula sa apelyido ng kinilalang ama ni Jorge( dad of Jeremy Cortez). ----See Jorge Felipe's story para mahimay ang family tree nila.
Sana medyo naipaliwanag ko ng maayos. Magulo talaga kasi eh.
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...