Fuck! Shit! Shit! Shit!
Matulin niyang pinatakbo ang sasakyan. Wala siyang pakialam kung over speeding na siya o kung ano man ang nilalabag niyang batas trapiko. All he want is--- makatakas sa lahat ng ito.
"Hindi na kailangan pang malaman ni Onie na magkapatid kami. Para sakin ay anak ko siya. Anak natin."
What should he call to his dad ? Kuya-daddy ? Mapakla siyang natawa. Anong klaseng biro ito sa kanya? Sa pamilya nila?
Mabilis niyang inihakbang paatras ang mga paa. Tila siya inaanod ng tubig at hangin. Walang ingay na bumalik siya sa kanyang silid at binitbit ang laptop papasok sa library. Inisa-isa niya ang mga balitang nalatha noon. Bumasag sa natutuog niyang pagkatao ang nangyari noong hostage situation. When his mom was being kidnapped and hostage. Magkapatid na Martin at Cesar Andres. Sa bawat pahinang binabasa niya. Tila sumisikip ang daluyan ng hangin niya. Wala mang lantarang pagkakasaad doon ng pangalan niya bilang anak ng isang---kriminal. Malinaw sa kanya ang koneksyon ng balita sa katotohanang sinambit ng ina niya. Pero bakit? Bakit nila itinago sa kanya? All this time nabuhay siya na akala niya ay perpekto ang lahat sa paligid niya. Akala niya ay wala nang mantsa na maaaring sumira sa kanila.
Nanlulumong bumalik siya sa kanyang silid at nagbihis. Kinuha ang susi ng sasakyan. Ngunit bago siya lumabas ay mukha ni Yana ang nakita niya. Ang nakangiting mga labi nito sa litrato at ang masayang kinang sa mga mata nito. Paano si Yana? Paano sila?
Itinabi niya sa gilid ng tahimik na kalsada ang kanyang sasakyan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at saka tahimik na napaluha. All his life, buong buhay niya ay hindi niya akalaing may mali parin sa kanya.
How can Dayana accept the truth about him kung miski siya ay hindi rin niya matanggap? Two months from now at magpapakasal na sila. Ihaharap niya sa dambana ang babaing sisimbolo ng buhay niya. Papakasalan niya ang babaing kabuuan ng mga pangarap niya. But here he is, asking his self kung paanong nangyaring madudungisan ang relasyong perpekto sa paningin ng lahat.
Pinawi niya ang luha. Lumaki siyang may kompleto at masayang pamilya. Lumaki siyang busog sa pagmamahal. Pero paano nila nagawang itago sa kanya ang bagay na alam nilang malahagang malaman niya?
Maraming nagsasabing bagay na bagay sila ni Dayana. Siya na tinatawag na Mr. Right at si Dayana na Ms. Right. Flaws and imperfections are out of the ideas and questions. Pero heto, ano itong nangyayari? Paano pa siya ipapagmalaki ni Dayana kung napakalaking mali ng buhay niya?
Pinawi niya ang tumulong luha mula sa mga mata niya. Masakit. Sobrang masakit. Sumandal siya sa upuan at hinayaang nakapatay ang headlights ng sasakyan niya. All he need now is peace. Silence that will temporarily cover his misery.
Nasa ganoon siyang pag iisip ng isang puting Van ang huminto di kalayuan sa kanya. Matalahib ang kalsadang kinahihintuan niya. Bilang lamang ang mga light post sa kalsada. At dahil itim ang sasakyan niya, hindi iyon madaling makikita. Tumitig siya sa Van. Matagal bago may bumaba doon.
Nawala ang isipin niya at sandaling nagpokus sa harapan. Kinalas niya ang seatbelt at saka may inilapit pa ang mga mata sa salamin. Maya maya'y may bumabang dalawang lalaking may katamtamang pangangatawan at hila hila ang isang nagwawalang babae.
"T-Tulong! Tulong!" Naririnig niya ang namamaos na hiyaw ng babaing hawak sa magkabilang kamay. Nagtawanan ang may apat na lalaki sa labas.
Naalala niya ang nalaman niya. Paano kubg gaya ng kanyang ina ay mangyari din sa babaing iyon ang ganoon? Na hindi malabong mangyari dahil nasasaksihan niya kung paano ito pwersahang ibaba ng Van.
Binuksan niya ang gloves compartment at kinuha niya doon ang sariling baril. Ayaw na ayaw ng mommy niya na may dala siya nito pero regalo ito ni Ciara sa kanya. Pero nalaman niyang ang tito Jeremy pala niya ang bumili nito para sa kanya. Mukhang magagamit niya ito kung sakali.
Isinuksok niya ito sa likurang baywang at saka tahimik na lumabas ng sariling sasakyan. Mukhang mga bagito naman ang mga lalaking namumuwersa ng babae.
"Mga 'Tol.. Hindi kaya napakabata naman nang chicks niyo?" Agad na tanong niya. Nakapamulsa siya habang sabay sabay na nagtinginan sa kanya ang apat na lalaki.
"Sino ka ba? At saka anong pakialam mo?" Tanong ng lalaking may bigote.
Napailing iling siya. "Tingin ko magagalit si Governor Cortez kapag nalaman niya na dito sa lugar niya'y may mga gaya niyo. Alam niyo ba ang ginagawa sa mga lalaking namamanyak ng babae?" Gobernador na ang tito niya at isa sa batas sa San Agustin ang pagbabawal ng karahasan.
Sabay sabay na nagtawanan ang mga lalaki. May isang lalaking pasimpleng lumapit sa kanya. Pero dahil mabilis ang kilos niya, alam niya agad ang gagawin nito. Bukod sa naaninag na niya ang patalim na hawak nito.
Nakipambuno siya sa mga ito. Nakikita pa niya ang pagsiksik ng babae sa isang sulok at ang pagtitili nito. Nagtatangis ang bagang niya na binunot ang baril sa likuran niya at itinutok sa mga ito. Nagtabi tabi sila at tila natigilan sa ginawa niya. "Bibilangan ko kayo ng tatlo. Kapag hindi kayo umalis ngayon din. Ako mismo ang bibitay sa inyo sa Plaza sa harap ng maraming tao." Mapanganib niyang sabi. Tila mga tutang takot na takot ang mga ito. Mabilis silang sumakay sa Van at pinaharurot iyon palayo.
Siya naman ay nilapitan ang babae. Bago pa man ito matumba dala ng takot at marahil ay pagod. Nakapitan na niya ito. Wala namang nasira o napunit sa damit nito. Mukhang hindi pa ito nagagawan ng masama bago pa niya nakita. "Miss.. Miss.." Tinapik niya ang pisngi nito.
Ngayon niya mas nabistahan ang mukha nito. Sino nga ba ang hindi aasaming tikman ang ganitong babae. Kung ubod naman pala ng ganda. May makakapal at malalantik itong pilik mata. May matangos na ilong at mapupulang labi.
Mga labing tila kay sarap halikan. Fuck! What happening to you Onie? Ikakasal kana.
nang maisip iyon. inilayo niya ang mga mata sa babaing walang malay at pinangko nalang ito patungo sa kanyang sasakyan.
To be continued...
----
"Hindi lahat nang nagsisinungaling---Masama. Nagsisinungaling sila para hindi tayo masaktan at maging kawawa."
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...