Chapter Twenty Five

29.4K 739 53
                                    

"Where have you been?"

Natigilan si Esyang ng kusang bumukas ang pintuan bago pa man niya maitulak pabukas iyon. Mukha ni Onie ang bumungad sa kanya. Salubong ang makakapal nitong kilay at nakakunot ang noo.

"O-Onie!" Bahagya pa siyang nautal ng banggitin niya ang pangalan nito.

"Saan ka galing? Halos maghapon kang wala." Sita pa nito sa kanya. Nagtataka siya sa inaakto nito. Tila ba kailangan niya na ngayong magpaalam dito.

Dumeretso siya sa loob at nilinga ang paligid. Hinahanap ng mga mata niya si Pochi. "Wala dito si Pochi. Isinama ni Badet. Bukas nalang daw niya iuuwi." Lihim siyang naiinis kay Badet. Isinama nito ang bata ng walang pahintulot niya.

"G-Ganoon ba? Pasensya na. N-Naghanap kasi ako ng trabaho---."

"Trabaho? Diba ang sabi ko ako na ang bahala doon. I already talked to my secretary im giving you a permanent job---."

Pinutol niya ang sinasabi nito. Gaya ng ginawa nito sa kanya. "Pero hindi na kailangan. Nakakahiya naman kung pati trabaho ibibigay mo pa."

"No. You will be working with me starting tomorrow." Seryosong saad nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "B-Bukas?"

Sumilay ang isang ngiti sa labi nito bago humakbang papalapit sa kanya. Sa bawat hakbang nito at siya namang pag atras niya. Naramdaman nalang niya ang pagtama ng upuan sa likod ng binti niya. "Yes, babe. You'll be my personal assistant starting tomorrow."

Ano daw? Asistan? Lalong namilog ang mga mata niya. "H-Huh? B-Bakit ako?"

"Why not? You need a job so im giving you one." Napapailing na naguguluhang hinawakan niya ang ulo.

"H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Diba ang sabi mo may sekretarya ka? Edi ba parang ganoon na din ang trabaho niya? Kaya bakit ako? Eh hindi naman ako nakatapos saka---."

Hinawakan nito ang baba niya at bahagyang iniangat. "I personally picked you Ms. De Leon you don't need to submit any requirements dahil hindi ko kailangan ang mga iyon. And besides, hindi sa lahat ng oras ay alam ng sekretarya ko ang lahat ng kailangan ko."

Naguguluhang sinalubong niya ang tingin nito. "P-Pero hindi ko rin naman alam kung ano ang mga kailangan mo."

Halos ipako na niya ang sarili sa pagkakatayo dahil sa distansya nilang dalawa. Bahagya pa itong yumuko, nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito. "But i know what i need."

Alam niyang namumula na ang pisngi niya dahil sa init na nadarama niya. Ang distansya nila ay lalo pang lumiit nang yumuko ito at dumampi sa pisngi niya ang labi nito. "You have no idea how mad i am this morning nang malaman kong wala ka sa tabi ko. Don't do it again. Baka ikulong kita." Sunod sunod ang ginawa niyang paglunok dahil sa sinabi nito.

Dumantay sa dibdib nito ang dalawang palad niya. Para pigilan ito sa paglapit sa kanya. Mali ito. Maling-mali. Pero ang sinasabi ng puso niya ay taliwas sa sinasabi ng isip niya. "P-Pasensya na.. Ang sarap kasi ng tulog mo kaya h-hindi na kita ginising." Totoo 'yon. Nahihiya din naman siyang gisingin ito. Bukod sa hindi niya alam kung paano humarap dito pagkatapos ng lahat ay hindu niya talaga kayang makaharap ito.

Umakyat ang labi nito sa noo niya. Dumampi doon. Kusa nang pumikit ang mga mata niya. "Get dress. Sa labas tayo kakain."





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon