Chapter Forty Seven

27.5K 705 32
                                    

"Aalis ka?"

Mula sa kusina ay lumabas ang ina ni Tessmarie. Pinunasan nito ang kamay sa apron na suot. Naglakad siya papalapit dito at humalik sa pisngi. "Opo 'nay. May pupuntahan lang ako."

"Wala kabang clinic ngayon? Di kaba nakaduty?" Niyuko nito ang hitsura niya. Simpleng bestida lang ang suot niya.

Umiling siya. "I need to see someone. May sasabihin lang ako." Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa bag at muling humalik dito. "Si mando na ang bahalang sumundo kay Lance." She was talking about the driver.

Lumabas na siya ng bahay at di na pinakinggan ang ibang sinasabi ng ina. Last night was a terrible night. Sunod sunod ang pagpapakita ng mga bangungot niya. It's like, that it was pushing her to get through with all of these things that happened to her for the past eight long years. And she realized, tamang harapin na niya ang takot niya.

Tumingin siya sa wedding ring na nasa palasingsingan niya. Maurice was been very good to her. Kung may tao man siyang hindi niya gustong masaktan ay si Maurice 'yon. He'd done so much for her. Sacrifice everything for her. Kaya mali na gagawa siya ng desisyong ito ang masisira at masasaktan. Tama na ang ginawa niya noon. She wouldn't want to repeat the same story she'd written before.

Pinahid niya ang luha at huminga ng malalim bago lumabas ng sasakyan bago iyon iginarahe sa harapan ng matayog na gusali. "You can do this, Tessmarie." Pagpapalakas niya ng loob. Para kay Maurice at para kay Lance. Para sa sa pamilya niyo.

Nothing has changed. Same old faces that she remembered eight years ago. Maliban sa mga tila baguhan na nakikita niya. They're all glaring at her. As if they're seen a ghost from the last series they'd watched last night.

Sumabay siya sa ilang tao sa elevator. Ilan sa kanila ay nakatingin sa kanya. Ang ilan naman ay nakayuko lang sa mga kanya kanyang ginagawa. Nanahimik nalang siya. She was still contemplating. Iniisip niya kung kaya ba niya itong gagawin niya.

When the elevator door get opened. Mabilis siyang lumabas. Pero nabigla siya ng may makita na siyang reception desk doon. Walang ganito dito noon...

"Good morning ma'am. How may i help you?"

Natitilihanh lumapit siya sa receptionist. "Ahm.. I'm l-looking for M-Mr. Cortez... Can i see h-him?"

Hindi nakatakas sa mga paningin niya ang ginawang pagsilip nito sa hitsura niya. "Why?" Hindi na niya naiwasang tumaas ang kilay.

Mabilis itong umiling. "Okay ma'am. But do you have an appointment with him? Mr. Cortez is kinda busy today."

Pinaglapat niya ang labi. Saka muling nagsalita. "Wala. But i think he wouldn't mind if i visit him. At saka kilala niya ako."

Nakangiting umiling ang babae. "I'm sorry ma'am. Its a protocol. And we do not want to lose our job just because kilala niya kayo. Hindi po mahilig magpapunta si Sir ng bisita dito."

She's getting impatient. Naiinis siya sa babaing kaharap niya. Hindi niya pwedeng ipagpaliban ang gagawin niya dahil baka wala na siyang lakas ng loob sa mga susunod na araw. "Alright Miss.. Call his secretary and tell her that Tessmarie De---" She paused. And continue. "I mean Mrs. Tessmarie Gabriel wants to see her boss."

Alam niyang makikilala siya ni Onie. Wala namang saysay kung ang maiden name niya ang sasabihin niya. Hindi alam ni Onie na hindi na De Leon ang apilyido niya. Before she get wed. Napalitan na iyon ng Tessmarie Castellano alin sunod na rin sa sinabi ng ama niya noong nabubuhay pa ito.

Tila nabakasan ng pagkataranta ang babae at mabilis itong sumunod. A few seconds when the intercom rang again. "Straight the hallway then turn left last door at the balcony. That's Mr. Cortez executive office."

She politely smile. "Thank you."

She pulled out her handkerchief from her bag at pinunasan ang namumuong pawis sa noo niya. Calm down Tessmarie... Nothing will happen to you.

Tanging ang tunog lang ng takong ng kanyang sapatos ang naririnig niya. Isama pa ang kinakabog niyang dibdib.

Two deep breath bago niya pinakawalan ang mabigat na hangin sa dibdib. Bumungad sa kanya ang isang separate table na nasa gawng kanan. Nakayuko doon ang isang babaing di pamilyar sa kanya. She must be the secretary. But where's Beverly?

Kinalog niya ang utak. Stupid! Walong taon na. Baka nagresign na 'yon.

"Good morning Ma'am." Natauhan siya ng bumati ang babae sa kanya.

"H-Hi." Tumayo ang babae at nilapitan siya.

"This way ma'am. Mr. Cortez is waiting for you." Inalalayan siya ng babae.

Yes. He's waiting for me. He's waiting for a long time.




To be continued...




-----

Gracias amigas!
Malapit ko na pong iunpub ang GS#1 Cain Sandoval. Kaya sa hindi pa siya nababasa? ----wag niyo muna pong basahin baka maligaw kayo. Hihihi.

Happy #12 in General Fiction. Hindi po mangyayari 'yan kung di dahil sa inyo.

Mucho's gracias Señoritas.
Thanks for the reads.
Ai:)

Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon