Chapter Sixteen

31.4K 795 12
                                    

"This is crazy! And you are crazy!"

VJ pointed his finger to him as he drank his beer. "Pinatira mo sa condo mo ang babaing sabi mo ay tinulungan mo last week." He continue.

"Yeah." Tila balewala naman niyang sagot. He had a very long day today. Yana called him earlier para lang samahan niya ito papunta sa designer nila. Kung ano ano nang alibi ang sinabi niya pero hindi siya nakatakas. Hindi rin niya naiintindihan ang sarili niya. Kung nagkakaganito ba siya dahil sa mga nalaman niya o dahil sa bagong presensya ng babae sa buhay niya.

"You know what will happen kapag nalaman ni Yana ito."

"I know." Tipid na muling sagot ni Onie kay VJ.

"Alam mo naman pala eh bakit hinahayaan mo ang sarili mo na lapit ng lapit sa babaing 'yon?" Si VJ lang ang pinaka naging malapit sa kanya. Bukod kasi sa sabay silang lumaki ay magkaibigang matalik ang daddy nito at ang daddy niya na kuya pala niya.

Nagkibit balikat siya. "I don't know. Basta ang alam ko lang ay kailangan niya ako."

"You're in big trouble buddy. Kilala mo si Yana. She's sweet yet territorial. Alam mong ayaw niyang may kahati." VJ said.

"Wala naman siyang kahati eh!" Onie defensively said.

Tumango si VJ. "Sa ngayon wala pa. Pero paano sa mga susunod na bukas? Baka sa kakalapit mo sa babaing 'yan makalimutan mong ikakasal kana."

Yeah! I'm getting married soon...

He parked his car kasunod ng sasakyan ng daddy niya. Matapos niyag ihatid sa Condo niya si marie ay hindi na muli siyang bumalik doon. At nakipagkita nalang siya kay VJ pero imbes na damayan siya ay sermon ang inabot niya.  Nag iwan nalang siya ng calling card kay Marie kung saan at paano siya nito makokontak.

Bumaba siya ng sasakyan at tumuloy sa loob ng bahay. Mabilis na tumayo ang kanyang ina nang makita siya nito papasok sa loob ng bahay. Mabilis din itong sumalubong sa kanya. "Have you eaten? Ipapaghanda kita ng hapunan." sabi nito.

Nagiguilty siya dahil pilit niyang inilalayo ang sarili niya sa katotohanan gayong nariyan ang ina niya para ipaliwanag nito sa kanya ang lahat. Para magkaroon ng linaw ang isip niya. Pero sa tuwing maaalala niya ang gabi kung kailan sumabog sa kanya ang lahat tila parte iyon ng masamang bangungot niya na ayaw na niyang maalala pa.

He could have at least a courage para harapin ang lahat ng ito. Pero wala. Naduduwag siya. Nahihirapan pa rin siyanh tanggapin ang sarili niya. Paano pa kaya ang ibang tao? "Anak may problema ba tayo?" Tanong ng ina niya.

Umiling siya. "Nothing Mom. I'm just tired."

Sinubukan niyang lampasan ito pero pinigilan siya sa kamay. "I am your mother. Alam ko kung kailan ka masaya at kung kailan hindi? Is it about Dayana? May problema ba kayo? Are you having a second thought about the marriage?"

He released a deep sigh. "Mom wala. Yana and i are really good together. I'm just tired yun lang." And he stormed out of the living room.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan when his mom sobbed quietly. Mula sa gilid ng mga mata niya ay ang kanyang ama na mula yata sa labas.

"Is he okay?"

Narinig niyang tanong ng kanyang ama.

"I don't understand him. Bigla parang naging malamig siya. Hindi ako sanay. Our Son used to be sweet and nice pero bakit parang may iba sa kanya?"

Nakokonsensya siya sa ipinapakita niya sa mga ito. Dahil lang sa natatakot siyang harapin ang pagkatao niya dahil sa hindi niya matanggap ay naapektuhan ang mga taong mahal niya.

"Hayaan na muna natin siya. Maybe nagkakaproblema lang sila ni Dayana. But i believe na maaayos din nila kung ano man ang problema nila. I believe in our son."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Once na malaman ito ni Yana. Naniniwala siyang una itong uurong sa kasal. Pero paano siya?

Inihakbang niya ang mga paa para tuluyang makaakyat nang magvibrate naman ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha sa bulsa at binuksan. Ang lahat ng nararamdaman niyang bigat ay sandaling tila hinipan nang hangin matapos mabasa ang mensahe galing sa babaing nagpapagulo ng isip niya.

Salamat sa lahat ng tulong mo sakin.

A sweet little smile appeared on his face.



To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon