"And where do you think you going?"
Sita ni Onie kay Taurus na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Huminto ang kapatid niya at tiningala siya. He is about to go in the office pero nakasabay niya si Taurus pababa. Nakasandong puti at Jersey short ito na may pangalan nito sa gilid. Suot naman nito sa paa ang paborito nitong basketball shoes na kyrie 3 Nike. Mukhang may ideya na siya kung saan pupunta ang kapatid niya. Pero Monday ngayon.
He just give him a wink. "See you tonight, brother!"
Bago pa ito tuluyang makalampas ay inilang hakbang niya ang pagitan nila. "You are supposed to be in school and taking your first class by now. Kaya saan ka na naman pupunta?"
Nakita niya ang pagkayamot sa mukha nito. "Okay, dad was been in your body now." Bulong nito. Pagkatapos ay tinitigan siya. "I made a promise to MB na magbabasketball kami. And I don't want to go to school today. Bukas nalang."
Gusto niyang mamangha sa mga pinagsasabi nito. Taurus is already twenty si Pisces at Aries ay Graduating na this year at itong si Taurus ay naiwan na sa freshmen. "What are you doing in your life? Kailan ka pa gagraduate? Kapag maputi na ang buhok mo. You taking a very simple course Taurus! Psychology my Ass! Kailan mo balak ha?"
Inikutan lang siya nito ng mga mata. "You talking like you are mom and dad. I know what i am doing. So stop meddling my life."
Nagtangis ang bagang niya. "You brat!" Taurus run out of the house while dribbling his Spalding basketball. Napabuga siya ng hangin. Simula ng lumipat sila dito sa Maynila ay naging malapit na si Taurus kay MB anak na dalagita ng tito simmy niya ninong ni Virgo. Sa katunayan, naabutan na mi MB sa college si Taurus samantalang bata ng apat na taon si MB sa kapatid niya. Hindi tuloy nila malaman kung maganda nga bang impluwensya si MB sa kapatid niya.
Mabait naman ang dalagita, kababata din niya ang kuya nitong si VJ. At parehong mabait ang magkapatid. Siguro sadyang matigas lang talaga ang ulo ni Taurus. Unlike the two other twin, mabait at masunurin si Aries at Pisces.
Bumuga siya ng hangin at nagtuloy sa garahe. Maaga siya dapat ngayon sa opisina. Nasa business trip pa ang daddy nila at mamaya ang uwi niyon. Ang mommy naman nila ay nasa foundation na. Three years ago nang itayo ng ina nila ang Mary's shelter kung saan daang mga kababaihan ang naandun at kinukupkop. Mga battered women and Rape survivor and victims.
Naging libangan na iyon ng kanilang ina. Pagkatapos nitong manganak kay Virgo na bunsong babae nila ay hindi na muli itong nagbuntis. Tama na daw silang lima.
Pinatakbo na niya ang sasakyan. Kailangang matapos niya ang trabaho niya ng maaga. May Dinner mamaya sa bahay nila. Darating kasi ang mga magulang ni dayana. His fiance. Napagkasunduan kasi nilang magpakasal na sa susunod na summer. And that's two months from now.
Nasa kolehiyo pa lamang sila ni Dayana nang magkakilala at doon nag umpisa ang kwento nila. Dayana is a kind of woman na papangarapin ng lahat ng kalalakihan. Ano pa nga ba ang hihilingin ng isang lalaki sa isang babaing; Maganda, sopistikada, galing sa buena familia, mabait at matalino.
Mamaya nila paguusapan ang iba pang detalye sa kasal nila. Ang balak sana nila ni Yana ay simpleng church wedding lang. Solemn and private. Pero nang makausap niya noong nakaraang araw ang ina ni Yana. Ayaw nito pumayag sa isang simpleng kasal. Nag iisang anak lang kasi si Yana. Pero sila naman ang magpapakasal kaya dapat sila ang nagdedesisyon.
He picked up his phone pagkatapos ihinto ang sasakyan sa mismong garahe ng building. "Yes, Ciara?"
Narinig niya ang paghikbi ng pinsan. "Talagang papakasalan mo ang Dayana na 'yon?" Ayaw man niya aminin pero kasalanan yata niya kung bakit lumaking ganoon si Ciara. He spoiled her so much. Kung paano niya ii-spoiled si Virgo ay ganoon din ang ginagawa niya dito. Minsan na nga siyang napagalitan ng Tito Jeremy niya ang tatay ni Ciara.
"Akala ko ba okay na kayo ni Yana? You said, you hangout with her last time." Nagpaalam si Yana sa kanya noong nakaraang linggo na lalabas kasama si Ciara. Dating magbest friends ang dalawa pero nagkaroon yata sila ng tampuhan na hanggang ngayon ay hindi pa nila naaayos.
"Tell her na inis na inis ako sa kanya. Yang magaling mong fiancé iniwan ako sa club dahil alam niyang wala akong dalang sasakyan and i don't know how to commute!" Natatawang napapailing nalang siya.
"Sweetheart, sinabi sakin ni Yana na binalikan ka niya sa club. Haven't you ask her kung bakit bigla siyang nawala? Her car was about to carnap kung hindi lang siya nakabalik agad." Narinig pa niya ang pagpapadyak ni Ciara sa kabilang linya.
"Kahit na! Hindi niya dapat ako iniwan." Kung kaharap lang niya siguro ang dalaga. Salubong ang kilay nito at nanlilisik ang mga mata.
"He went to the police station and she reported the incident. Kilala mo naman ang best friend mo. Hindi 'yon titigil hangga't di nakukuha ang gusto."
"Correction, my dear Cousin. She is my Ex. Ex-best friend."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...