Everyone's life is driven by something. Doing with someone. Sometimes, you may be driven by a painfully memories, a haunting fear, or an unconscious beliefs. That you driven yourself to move on, to cope up and to live again.
People has different ideas and mechanism to how to ease the pain and forget the bad memories. Pero naniniwala si Onie na ang lahat ng pangit na bagay na nangyari sa kanya ay dahilan lang para magkaroon ng bago at mas makakabuluhang alaala.
"Baka naman mapunit na ang labi mo sa kakangiti." Gumawi ang mga mata ni Onie sa inang nakatayo na pala sa pintuan. Hawak nito sa kamay si Kimchi na nakasuot ng pink na bestida. "I wish you can bring my grandson here." Napangiti siya. Ngayon na niya makikilala ang anak niya. Ang tagal niyang hinintay ito. Ang tagal niyang ipinagdasal na mangyari na ito. "Your dad and i are so excited to meet him."
Humalik muna siya sa noo ni kimchi. "Ako din mom... Pero hindi pa namn napapagusapan ni Marie kung anong gagawin namin sa sitwasyon ngayon. Ang importante, nabigyan ako ng pagkakataon na makita sila at makasama ang anak ko." Kapag isa kang magulang, isang magulang na matagal na nangulila. Mahirap isipin kung paano ka nga ba. In his case, sabik na sabik siya sa anak niya. Ang akala lang ng lahat, kapag ang ina ang nawalay sa kanyang anak ay wala nang kasing sakit. Paano naman ang mga ama na hindi nakilala ang kanilang mga anak? Hindi nasubaybayan ang paglaki. "Masaya ako para sayo anak..."
Hindi muna isinama ni Onie sina kimchi at sushi. Hindi pa kasi niya nasasabi sa mga bata ang tungkol sa kapatid ng mga ito. Ayaw lang niyang mabigla ang kambal. Alas dyes eksakto ng dumating siya sa clubhouse. Dito nila napagkasunduan ni Marie na magkikita.
Umupo siya sa isang bench. May mga batang nakakalat doon at may kanya kanyang laro. Sa bandang kanan niya ay may nagtitinda ng dirty ice cream. Naalala niya si Marie. Gustong gusto nito ang dirty Ice cream.
Until he found his self in front of the vendor. "Do you have a strawberry flavored ice cream?"
"Do you have a strawberry flavored ice cream?"
Napalingon siya sa batang bigla nalang sumulpot sa tabi niya. Nagpalipat lipat ang tingin ng vendor sa kanilang dalawa. "It's you again!" Saka lang siya napatitig sa batang lalaking nasa tabi niya. Nakasuot kasi ito ng red cap kaya hindi niyanamukhaan agad.
Ito 'yung batang nakita niya sa clinic ng dentistang pinuntahan nilang mag aama. "H-Hi." He's trying to be friendly. Kakaiba ang batang ito sa lahat ng batang nakilala niya. He has the look that you might get intimidated.
"Do you live here too?" He said, instead.
Tumingin siya sa vendor ng iabot nito sa kanya ang isang cup ng strawberry ice cream. Inabot niya iyon sa bata at tinanggap naman nito. "N-No.. May imemeet lang ako dito." Tila lumukso ang puso niya dahil sa biglang pagngiti nito. Even his eyes are smiling too.
"My mama also favorite this ice cream. Siya nga po ang nagturo sakin kumain nito." Parang isang mamahaling ice cream ang kinakain nito dahil nakapikit pa siya.
Just like Marie. Bigla niyang naalala ang anak niya. Ganito din kaya ang anak nila ni Marie? Kamukha kaya niya? "I'm meeting with someone too. Sabi ni mama dito daw kami magkikita ng tatay ko." Niyuko niya ang ice cream na hawak niya at tumikim niyon.
Nakangiting tumitig ulit siya dito. "I'm meeting with my Son here. Kaya lang wala pa sila eh. What's your name, anyway?"
Nilahad nito ang palad sa kanya. "My name is Lance."
Tinanggap niya iyon at ngumiti. Ang saya ng pakiramdam niya. Ganito rin kaya ang mararamdaman niya kapag nagkaharap na silang mag ama? "Call me Onie."
"I preferred to call you, tito Onie. Okay lang po ba?" Ang sarap sa pakiramdam ng banggitin nito ang pangalan niya. Hindi niya alam kung bakit ganito. Maybe he's just so much excited to meet his son kaya pakiramdam niya ay kinakabahan na masaya siya.
"It's okay buddy, it's my pleasure. And besides---."
"Lance! I've been looking for you. Kung saan sana ka nagsusuot." Naputol ang pagsasalita niya ng lumingon ang bata sa babaing tumawag dito.
"Mama!"
Kung kanina ay kinakabahan siya. Ngayon naman ay naghalo halo na ang nararamdaman niya. Right in front of him is no other than, Marie---the mother of his child.
"O-Onie... Magkakilala na kayo?"
Ang pagkamangha niya ay gayon nalang ng magpalipat lipat ang tingin niya dito at kay Lance na hawak nito sa kamay. Sapat na ang nakikita niya para mabuo sa isip niya na si Lance ay ang anak niya!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomantizmHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...