Dahan-dahang iminulat ni Esyang ang mga mata. Abuhing kisame ang kinamulatan niya. Rumagasa ang takot sa kanya nang maalala ang ginawang pagdukot ni Jojo at ng mga grupo nito sa kanya. Diyos ko! Mabilis niyang kinapa ang sarili. May damit pa rin siya. Pero hindi na niya suot ang suot niya kanina. Doon mas lalong lumabo ang isip niya. Nagtatanong ng mga tanong na hindi niya alam ang kasagutan. Paano?
Doon bumukas ang pinto at pumasok ang may edad na babae. "Gising ka na pala." Aniya saka inilapag ang isang tray na may umuusok na sabaw. "Kagabi ka pa tulog. Pasado alas otso na ng umaga. Kamusta ang pakiramdam mo?" Nawala ang alinlangan sa kanya dahil sa init na nadarama niya dito. Tila mabait ang kaharap niya.
"N-Nasaan po a-ako? T-Tauhan po ba kayo ni buwayang-dragon?" Sa halip ay tipid na natawa ang ginang.
"Kung buwayang-dragon ang tingin mo sa lalaking makisig, gwapo at mestiso. Oo tauhan niya ako." Inalalayan siya nitong sumandal sa kama. Doon niya mas napagmasdan ang paligid. Sa gawing kanan niya ay isang malaking salaming bintana na mula kisame hanggang sahig ang haba. Tanaw ang luntiang paligid at mangasul ngasul na dagat. Sa loob naman ng marangyang silid ay mga modernong kagamitan. Tila siya prinsesa sa mga lumang pelikula. "Ako nga pala si Aling Cora. Dinala ka ni Onie dito kaninang madaling araw. Walang malay."
Onie? Saan nga ba niya narinig ang pangalang iyon? Hindi pala panaginip ang nangyari sa kanya. Totoong may nagligtas sa kanya. Pero nasaan siya? At siya? Nasaan siya?
Inilapit ng Ginang sa kanya ang tasang may mainit na sopas. "A-Ako na po." Inagaw niya dito iyon at sinimulang sumalok ng sabaw at higupin. Gumuhit sa lalamunan niya ang init niyon. Tila may mga nagrariot na gagamba sa tiyan niya at nabuhay dahil sa mainit na likidong dumaloy sa lalamunan patungo sa tiyan niya.
Tumayo ang Ginang at hinawi pa ang makapa na kurtina. Akala niya'y dingding iyon ngunit nagkakamali pala. Kagaya ng isnag bintana ay binatana din pala iyon. Nappalibutan siya ng mga bintana! Para tuloy siyang nasa labas at walang dingding ang paligid. Ang ganda... Bulong niya sa isip.
"Lalabas na muna ako. Kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang ako." Tumango siya. Tuluyang lumabas ang Ginang.
Mabilis niyang inubos ang sopas at bumaba ng kama. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagandang lugar. Nais tuloy niyang makilala ang taga pagligtas niya. Madilim ang paligid kaya hindi nakita ang mga mukha nito habang nakikipaglaban sa grupo ni Jojo.
Nang maalala si jojo ay biglang sumindi ang takot niya para sa mga batang naiwan sa bahay nila. Paano kung sila ang balikan ng baliw na gorilyang iyon? Si Edong? Kamusta na kaya siya? Ang daming mga tanong sa isip niya. Walang sapi sa paang lumabas siya ng silid. Miski ang dinadaanan niya ay yari sa salamin. Kitang kita ang unang palapag ng bahay. Pagbaba niya ay salas ang bumungad sa kanya. May abuhing upuan na tingin niya'y sing lambot ng kamang kinahihigaan niya kanina.
"Hala! Bakit ka bumangon hija? Dapat nagpapahinga ka." Nagulat pa siya nang sumulpot si Aling cora mula sa kanan niya.
Nagyuko siya ng ulo. "G-Gusto ko na po sanang umuwi." Aniya. Wala siyang ideya kung nasaan nga ba siya. Kahit pa ganito kaganda ang paligid niya. Kung may mga tao namang nanganganib ang buhay nang dahil sa kanya wala ding saysay.
"Teka hija wala pa si Onie. Siya ang nagdala sayo dito kaya siya din ang maghahatid sayo. Hindi naman kita maaaring paalisin agad." Pero hindi din naman siya maaaring magtagal dito. Baka mapahamak ang mga bata kung magtatago siya.
"N-Nasaan po ba ako?"
Bumugtong hininga siya. "Nasa San Agustin ka hija."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...