Inabutan si onie ni Esyang ng Tissue.
"Ang daya, umulan nabasa tuloy ang kwek-kwek. " He smiled again. Marie keep on murmuring. Nanghihinayang ito na hindi na nila naabutan ang cart na nagtitinda ng itlog na gusto nito.
Muli siyang natawa nang umangat ang kamay ng dalaga para punasan ang basa niyang mukha. "Baka magkasakit kapa masisi mo pa ako kasi ako ang nagyaya sayo dito." Nakangusong sabi nito. He find it cute and lovely. Kapag nakatikwas ang nguso niya.
Ngumiti siya. "Why would i do that? Eh ang sarap kayang magpaulan." Hinayaan niyang punasan nito ang mukha at braso niya habang kinakalas naman niya ang butones ng suot na polo.
Di pa man niya nahuhubad iyon ay nakita na niyang natigilan ang dalaga at napatulala. Nanunuksong tinignan niya ito. Binawi ni Marie ang kamay na nakalapat sa braso niya at saka tila napapahiyang tumalikod. "S-Sige alisin mo na 'yan. B-Baka ubuhin ka pa."
Hinubad niya ang polo at inilagay iyon sa backseat. "Hey!" Hinawakan niya ito sa balikat. "Basa ka rin. Baka magkasakit ka."
"O-Okay lang ako. Sanay akong mabasa ng ulan." Nanatili itong nakatalikod sa kanya. Alam niyang nahihiya sa kanya ang dalaga. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang nangyari sa kanila. Alam niyang mahalaga iyon sa isang babae. Hindi ba't iyon din ang naging dahilan kung bakit mas minadali nila ni Yana ang sana'y pagpapakasal.
Because they're good partners in bed. Bukod pa sa talagang mahal nila ang isa't isa. Iniwaksi niya sa isip si Dayana at muling isinuot ang polo kahit basa pa. "I'm dressed up. Humarap kana." Tila naniniguro pa ang dalaga bago ito umayos ng pagkakaupo.
"B-Bakit sinuot mo ulit? Baka magkasakit ka." Bakas sa tinig nito ang labis na pag aalala. Ang sarap sa pakiramdam na may isang babaeng labis na mag aalala sayo kahit okay kalang.
Ini-start niya ang sasakyan. "Okay lang ako. Kesa naman sa labas ka humarap at wag akong kausapin."
Pinamulahan ito ng pisngi. Seeing a blushing woman is like sweet cherry. He had a good good night with her. At aaminin niya, baka maadik na siya sa presensya nito. At tuluyan na siyang mahulog. And he's afraid that no one might rescue him.
Nakatanggap si Esyang ng text galing kay Onie. Hindi daw siya nito masusundo dahil may early meeting ito. Binigyan siya nito ng instruction kung paano pupunta sa opisina. Maraming itinuro si Onie sa kanya. May ipinahiram pa ito sa kanyang cellphone na may mansanas sa likod. Noong una ay nahihirapan siyang gamitin. Sanay naman siyang makakita ng ganoon dahil kapag sinuswerte silang makakuha ng mga gadgets sa raket nila ay nakakapagsanla sila ng mga ganoon.
Pagkababa ng taxi ay lihim niyang sinuri ang sarili. Wala siyang pagpilian kung di ang manghiram ng pantalon kay badet dahil medyo luma at kupas na ang kanya. Naisip niya, bibili nalang siya sa unang sweldo niya.
Dalawang unipormeng gwardiya ang sumalubong sa kanya. Labis siyang namamangha sa mga nakikita niya. Unang beses siyang nakatapak sa ganito kagandang lugar. Sobrang yaman pala talaga niya.
Iminuwestra ng gwardiya sa kanya ang elevator pagkatapos niyang magpakilala. Nasa twentieth floor daw ang opisina ni Onie. Ngayon palang ay kinakabahan na siya. Papasukin niya ang mundo ni Onie. Ang tanong kaya ba niya? Pumasok sa isip niya si Edong, ang kalagayan nito. Si Pochi at sina Jopet na nasa DSWD? Kapag naiisip niya ang kalagayan ng mga bata nagkakaroon siya lakas para kayanin anuman ang dumating sa kanya.
Ting. Dumeretso ang tayo niya nang sa wakas ay bumukas ang elevator. Bumungad sa kanya ang mga mata ng mga nakayukong empleyado. Nakaramdam siya ng pagkailang. Sinilip niya ang sarili. Itim na maong pantalon ang suot niya at simpleng puting V-neck shirt.
Nagpalinga linga siya sa paligid. Nalilito na siya kung anong pasilyo ang una niyang pupuntahan. Kung kanino siya unang magtatanong.
Mahigpit niyang hinila ang strap ng shoulder bag na dala niya at sinulang ihakbang ang mga paa. Hindi niya maiwasang lumingon sa paligid niya. Nakatitig at nakasunod ng tingin ang mga taong naroroon.
Nanlalamig ang mga daliring yumuko siya at pinilit ihakbang ang mga paa. Tatlong abante bago niya naramdaman ang pagbuhos ng malamig na bagay sa damit niya na tumagos hanggang sa balat niya.
Nanlalaking mga matang tinignan niya ang pares ng puting sapatos na may takong. Umakyat ang mga mata niya sa pares ng malagatas na binti paakyat sa mukha ng babaing nasa harapan niya.
Ang galit at nanlilisik nitong mga mata ang sumalubong sa kanya. "Damn you! Stupid woman!"
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...