Chapter Four

42K 870 31
                                    

"Ano? Nababaliw kana ba?"

Halos lumuwa ang mga mata ni badet habang tinatanong siya. Tumingin siya sa orasan na nasa loob ng ward. Pagkatapos ay hinila niya sa isang gilid si Badet. Katutulog lang muli ni Edong.

"Iyon lang ang naisip kong paraan para tustusan ang pagpapagamot ni Edong." Pabulong niyang sabi. Napahilamos naman sa mukha si Badet.

"Kung bakit naman kasi hindi ka nalang nakiusap doon sa babae na wag nang magdemanda laban sa kapatid mo?"

"Ginawa ko na. Kaya lang nasampulan ako ng katarayan. Kung hindi ko nga lang naisip na nakakulong si Caloy at nasa ospital itong si Edong gustong gusto ko nang basagin ang mukha ng mestisang tawilis na 'yon!" Gigil na gigil na sabi niya habang inaalala ang mukha ng Ms. Lorenzana na may ari ng sasakyang binalak ni Caloy nakawin. Lalo na ang ginawang pagtingin niyon sa kanya na animo'y isa siyang langaw na nasa ibabaw ng tae ng kalabaw.

"Sana kasi sinama mo ako pala nasampulan ko rin ang babaing 'yon. Akala mo kung sinong mayaman at maganda!" Huminga nalang siya ng malalim. "Wag mo nang ituloy yan. Marami namang raket na makukuha ka d'yan e." Pigil muli ni Badet sa kanya. "Pwede kong pakiusapan si Inay marta na isama ka sa pwesto ni Mayora. Pwede ka naman doon."

Kahit naaawa siya sa sitwasyon nila. Nakuha pa niyang irapan si Badet. "Hindi pang tinda ng tinapa at tuyo ang biyuti ko." Pinilit niyang matawa ngunit nanatiling makipot ang bibig niya.

"Ewan ko sayong babae ka. Kilala ko si jessa. Tuso ang babaing iyon."

"Nangako siya sakin na hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakagalit ko sa kanya. At saka maayos ang usapan namin na taga bukas lang ako ng alak." Pinatos na niya ang trabahong iniaaalok ni jessa sa kanya. Kilalang bugaw sa lugar nila ang babae. Nagtatrabaho ito sa isang night club. Manager ng mga babaing bayaran. Pero nang magkausap sila ay sinabi nito na naghahanap sila ng bagong crew. Maayos naman ang deskripyon na sinabi nito sa kanya at pumayag na siya. Minimum ang sahod. Mamaya na siya maguumpisa kaya nakikiusap siya kay Badet na magbantay muli sa ospital lalo pa't sa kalagayan ni Edong ngayon.

Tinamaan ang bata ng kanser sa bituka. Ang sabi ng mga doktor na tumingin at sumuri sa bata ay hindi na basta pagsakit ng tiyan na lamang iyon. Nakuha marahil ng bata sa pagpapagutom o pagpapalipas. Ang simpleng ulcer ay lumala.

Humawak sa sentido si Badet. "Kilala nating pareho si Jessa. Matagal ka nang kursunadang ipasok niyon sa klab. At dahil pumatol kana sa pain niya nasisiguro kong mauuto ka 'non."

Ngumiti siya ng matipid sa kaibigan. Alam naman niyang nagmamalasakit lang sa kanila si Badet. "Gusto kong magpasalamat na naging kaibigan kita. Pero ito lang ang alam kong paraan para kumita ng pera at matustusan ang gamot ni Edong."

"Alam ko naman 'yon. Alam kong gagawin mo ang lahat. Pero wag naman sanang humantong na pati raket ni Jessa papatusin mo." Sermon pa nito.

Bumugtong hininga nalang siya. "Hayaan mo na muna ako. Nasisiguro ko naman na hindi ako gagaguhin ni jessa. Dahil kapag nagkataon, kakalbuhin ko siya."

Gusto niyang magsisi na hindi niya pinagbuti ang pag aaral noon. Disin'sana'y may maganda siyang hanapbuhay ngayon. Third year highschool lang ang natapos niya. Noong mapadpad siya sa Hermosa ay pag aarali sana siya kung hindi lamang siya tumakas sa shelter. Hindi niya gusto doon. May sarili siyang isip para manduhan ng ibang tao.

Pero ngayon, wala siyang matinong trabaho na makuha. Sino nga ba naman ang tatanggap sa isang gaya niya? Hindi nakatapos at isang batik sa lipunan. Mandurukot at mang gagantso. Anong buhay ang pwedeng magbigay sa kanya ng bagong simula? "Ang sakin lang naman isipin mo naman ang sarili mo. Alam kong ginagawa mo ito para sa mga bata pero paano ka?"

May kusang luha ang pumatak sa mga mata niya. Ang mga batang iyan ang pamilya niya. Nang matulog siya sa bangketa ay sila ang kasa-kasama niya. Binuhay nila ang isa't isa. Kaya paanong titiisin niya ang mga ito para sa sarili niyang kapakanan?

"Kapag nagmahal ka ng mga gaya nila. Maiintindihan mo ang lahat ng ginagawa ko."




To be continued...




--------

Sabi ko na nga ba at may huhusga sa identity ni Onie eh. Kesyo ang gulo daw kasi ung nanay niya ay asawa ng kapatid niya. Naalala ko may nagtanong pa sakin. She qoute, Ms. Ai paano 'yon kung kapatid ni Onie si Jorge at anak ni Jorge at Dioann sina Taurus, Aries, pieces at Virgo. Kaano ano nila si onie? Tito-kuya? Paano kapag nagkaanak si onie? Kaano ano ng mga anak ni jorge ang anak ni onieSobrang natawa talaga ako. Alam kong komplikado ang buhay ni Onie pero may tanong lang ako.. Sa mga cases ba na ganyan hindi na pwede ang happy ending? Hindi naman mahalaga kung saan ka nagmula at sino ka hindi ba? Ang mahalaga naman ay kontento ka sa kung nasaan ka at ano kana ngayon. Hindi normal ang ganyang family tree. Medyo disgusting nga para sa iba.


Happy reading.
Ai:)

Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon