Maagang umalis si Esyang sa Condo ni Onie. Tulog pa ito nang makaalis siya. Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap sa binata matapos ng mga nangyari kagabi.
Nakaupo siya sa Roxas boulevard. Nakatingin siya sa mga taong naglalakad sa harapan niya. May mga nag aabang ng taxi at may mga nagbibisekleta. Nang sabihin ni Onie kagabi na hindi na niya kailangang maghanap ng trabaho dahil mayroon na. Okay na sana 'yon sa kanya. Pero dahil sa nangyari sa kanila. Nagbago ang isip niya.
May butil nang luha ang tumulo sa mga mata niya. Akala niya kapag nagpaubaya siya ay pansamantala nitong makakalimutan ang nobya nito pero nagkamali pala siya. Dahil habang inaangkin siya ng binata ay ang nobya pa rin pala nito ang nasa isip niya.
"Yana..."
Tila nawalan na siya ng sigla. Tulog na tulog na ang binata habang nakasiksik sa kanya. Hindi pala siya ang nasa isip nito.
Tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa. "B-Badet..."
Hindi na niya nahintay si Badet na dumating sa condo. "Bruha kang babae ka! Kanina pa ako dito sa labas ng bahay niyo. Bakit di mo sinabi na nandito si Mr. Cortez?"
"N-Nandyan pa siya?" Mabilis na tanong niya. Pasado alas nuwebe na kasi eh. Akala niya aalis ng maaga ang binata.
"Ay hindi. Kakasabi ko lang diba?" Sarkastikong sagot ni Badet. "Nasaan ka na bang babae ka? Ang aga mo naman palang umalis. Akala ko ba hihintayin mo ako? At saka bakit dito natulog si Mr. Cortez? Akala ko ba ipinahiram niya sayo itong condo niya?"
Mas lalong sumakit ang ulo niya sa dami ng tanong ni Badet. "Mamaya nalang tayo magusap pagdating ko. Maghahanap pa kasi ako ng tra---."
"May mantsa ng dugo dun sa niligpit kong higaan. Sayo ba 'yon?" Tila tinakasan siya ng kulay dahil sa tanong ni Badet. Mukhang di na siya makakaligtas sa kaibigan niya. Kahit hindi niya nakikita ang hitsura nito ngayon alam niyang salubong ang kilay nito. "Sabi ko na nga ba. Sign lent mins yes."
Bumugtong hininga siya. "Isang malaking pagkakamali 'yon. S-Saka lasing kami kaya n-nangyari 'yon. Di na 'yon mauulit. Isa pa i-ikakasal na siya." Tila may pako sa loob ng lalamunan niya at gusto niya iyong isuka sa sobrang hapdi. Tila may sugat na ang lalamunan niya dahil sa pinipigil na pag iyak. Anong tanga niya at ginawa niya iyon?
"Ano? Nagiisip ka ba talagang babae ka? Bumukaka ka sa lalaking ikakasal na? Gusto mo ba talagang gayahin ang kapalaran ng nanay mo?" Nanggigigil na sabi ni Badet.
"Hindi ko sinasadya." Depensa niya. "Malungkot siya. Nag away sila ng nobya niya at nandoon siya sa bahay. Alangan namang balewalain ko 'yon. Pinakinggan ko siya. P-Pero hindi ko naman alam na---."
"Bes, nag away lang sila bumukaka ka na agad. Ilang tableta ba ng katangahan ang iinumin mo? Ang hirap kasi sayo nagpakita lang ng kabaitan sayo umasa ka na agad. Ano bang sabi ko sayo noon? Na baka may jowa na 'yon pero nakinig ka ba? Eh halos araw araw bukambibig mo siya eh!" Halata na ang iritasyon sa tinig ni Badet.
"Oo na! Kasalanan ko na! Masama bang magambisyon? Masama bang umasa?"
"Bes, si Mr. Cortez 'yon. Iba ang mundo niya sa mundo mo. Magkaiba kayo. Langit at lupa ang agwat niyo. Sa tingin mo? Anong gagawin ng jowa niya kapag nalaman niyang tinikman ka na pala ni Mr. Cortez? Baka giyerahin ka 'non." Alam naman niya ang mga iyon. Malinaw sa kanya kung sino si Onie at sino siya.
Sino nga namang lalaking hahangarin na gustuhin siya? Si Jojo oo. Manyakis 'yon eh. Alam naman niya mula't umpisa kung ano ang pakay niyon sa kanya. Nagpapasalamat lang talaga siya na kay Onie niya unang naibigay ang bagay na pinakaiingatan niya. At wala siyang pinagsisihan. "Eh anong plano mo ngayon?"
"Maghahanap ako ng trabaho. Tapos lilipat na kami ni Pochi sa ibang maliiy na paupahan.! Nakakahiyang dyan pa rin kami nakatira pagkatapos ng lahat."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...