Chapter Thirty Five

29.1K 824 66
                                    

Tila may pakpak ang mga paang tinakbo ni Esyang ang entrance ng building. Pagkababa palang niya ng taxi ay para na siyang baliw na ngiti ng ngiti. Nililingon na nga siya ng driver ng taxi, akala yata sa kanya ay nababaliwna siya.

Binati siya ng gwardiya pagkakita palang sa kanya. Alam na niya ang destinasyon niya kaya kusa na niyang inihakbang ang mga paa papasok sa elevator.

Huminto ang elevator sa eleventh floor at pumasok ang dalawang babae. Hindi niya kilala ang mga ito pero alam niyang empleyado din ang mga ito sa building na ito. Sumandal siya sa elevator wall at tinitigan ang sobreng hawak niya. Laman niyon ang clinical test results niya. Laman niyon ang katibayang buntis siya. Pagkaisip sa batang nasa sinapupunan niya ay mabilis siyang napangiti. Siyam na buwan lang anak. Siyam lang at magkikita na tayo.

Hinaplos niya ang tiyan. Kahit di pa maumbok iyon. Nararamdaman na niya ang pintig ng buhay doon. Buhay na makakasalo niya sa mga darating na buwan.

"Alam mo, di naman yata totoo 'yung balitang kumalat diba?" Narinig niyang sabi ng babaing nasa unahan niya.

Kausap nito ang kasama nitong babae. Hinayaan lang niya ang dalawa sa paguusap. "Yan din ang balitang kumalat eh. Na pumunta lang si Ms. Dayana sa Madrid para sa trabaho. At saka mukha namang tuloy na tuloy na ang kasal nila ni Sir Cortez."

Natigilan siya dahil sa pinaguusapan ng mga ito. Na kung hindi pa niya narinig ang pangalan ni Dayana at Mr. Cortez hindi pa siya magkakainteres at maiintriga kung tama nga ang pinaguusapan ng dalawa.

"At saka ang sabi sa front desk. Nandito daw si Ms. Dayana. Kinikilig talaga ako sa kanila ni sir bagay na bagay sila. At saka nakita mo ba si Ms. Dayana ngayon? Sobrang ganda niya lalo, ano pa bang hahanapin ni sir sa kanya?"

Tila nagkaroon ng bara ang dibdib niya at hindi siya makahinga. Nandito si Dayana? Nandito siya? Ulit ng isip niya.

Naalala niya ang huling sinabi ni Onie kanina sa kanya.

"Babe.. I have a very important meeting today. By nine actually."

Tinignan niya ang relong pambisig. Regalo ni onie iyon sa kanya noong lumuwas sila galing Palawan. Trenta minutos pagkatapos ng alas nuwebe. May mga namuong tanong sa isip niya. Si dayana ba ang kameeting niya?

Tila nagbara ang lalamunan niya. Excited siya sa balitang dala niya pero siya kaya? Kumapit siya sa handle na nasa gilid ng wall steel. "Miss..."

Lumingon ang dalawang babae sa kanya at nahinto sa pag uusap. "Yes?"

"T-Totoo ba 'yong sinasabi niyo? Nandito si D-Daya---Ang ibig kong sabihin si M-Ms. Dayana."

Tinignan siya ng dalawa mula ulo hanggang paa. "Hindi ba't assistant ka ni sir? Diba daoat alam mo na ngayon ang dating ni ms. Dayana? At saka anong pakialam mo?"

Pinigil niya ang sariling wag maiyak. Totoo nga.

Mabagal ang mga hakbang na lumabas siya ng elevator kasabay ang dalawang babae. Pinilit niya ang sariling maglakad hanggang sa mismong pinto ng opisina ni onie. Pinagkakatiwalaan ko siya. Sa kanya lang ako maniniwala. Konsola niya sa sarili. Ano man ang mga narinig niya si Onie lang ang makakapagsabi kung totoo 'yono hindi.

Wala si Beverly sa lamesa nito kaya tumuloy siya sa pagpasok. Mula sa glass partition ay kita niya ang pagpapabalik balik ng lakad ni Onie. Nag aalalang sinusundan niya ito ng tingin.

Hinawakan niya ang door handle at akmang itutulak iyon pabukas ng may tumayong babae at umiiyak na niyakap ang binata.

Kilala ko siya. Nanlalaking mga matang bulong niya.

"Your brother tried to Carnap my car. Ano sa tingin mo ang dapat gawin sa kanya? And why did you begged for him? Hindi ba't siya dapata ang nahingi ng despensa sakin?"

Lumunok si Esyang. Ito ang babaing may ari ng sasakyang binalak nakawin ni Caloy mula sa parking lot ng isang sikat na bar. "Ma'am pasensya na po talaga. Hindi na uulitin ni Caloy. Tuturuan ko na siya ng leksyon. Mabait naman siya kai---."

"Walang mabait na kriminal. And here, kung makukulong siya matututo siya ng tama. Hindi na niya uulitin ang ginawa niya."

Anong klaseng biro ng ba ito ng tadhana? Mula sa siwang ng pinto ay maririnig niya ang hikbi ng babae.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Ano nga ba ang aasahan niya? Walang opisyal na sila. Walang binabanggit si onie sa kanya maliban sa mga pag aalalang ipinapakita nito. Ni hindi nga niya alam kung ano siya sa buhay nito. Yumuko siya. Pinilit niya lang ang sariling papaniwalain na pwede sila. Na hindi hadlang kung nasaan siya at saan ito nararapat.

"I want a complete family, Onie. Ibigay natin 'yon sa magiging anak natin." Mas lalong nagmalibis ang luha samga mata niya ng kunin ni dayana ang palad ni Onie at idantay sa tiyan nito. "Magkakaanak na tayo. Nagbunga na ang pagmamahalan natin."

Pero mag kakaanak na rin tayo...

Tila may malaking kamay ang dumakot sa puso niya at piniga iyon ng ubod diin. Ni hindi siya makahinga. Paano niya sasabihin sa binata ang kalagayan niya? Hindi niya namalayang nahulog na ang sobreng puti mula sa mga kamay niya. Nanginginig ang tuhod niya at nanlalamig ang mga palad. Tila siya pangangapusan ng hininga. Bakit hindi niya naisip na posibleng balewala lang siya.

Hindi sa kagaya niya gugustuhin ni Onie n magkapamilya. Ano nga bang ipapagmalaki niya? Kumalma ang babae ng yakapin ito ni onie pabalik. Kita niya ang pagningning ng mga mata ng binata. Halatang masaya ito.

Idinantay niya ang palad sa tiyan. Anak, saka na kayo magkakakilala ni tatay ha. Wag muna ngayon, busy pa siya eh. Ako na muna ang nanay at tatay mo.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon