Nakakainis!! pasukan na naman bukas.Ayoko ng monday...
Bakit kasi kailangan ko pang pumasok ng maaga.Ang dami
pa namang magagandang palabas sa Tv pag ganitong linggo."Anak anong oras na!! may pasok ka pa bukas ,dapat natutulog ka na ngayon.Ang hirap mo pa namang gisingin..sigaw ng mami Debra nya mula sa kusina nila.
"Opo mami eto na po patulog na!!sagot ni Anya mula kwarto nya sabay patay ng ilaw.Then binuksan nya ang laptop nya at nanood.
Kinaumagahan nahirapan syang gumising dahil nga nanood pa sya ng pelikula ni jackie chan kaya ngayon nanakit na ang taenga nya dahil sa kakasigaw ng mami nya mula sa baba ng bahay nila.
Habang nag-aamusal silang mag-anak patuloy pa din ang sermon ng mami ni Anya dahil nakapikit sya habang kumakain.
"Ano ba kayong mag-ina,ganyan na lang kayo palagi tuwing umaga..
"Hon,eto naman kasing anak mo puyat ng puyat ang hirap tuloy gisingin..
"Oh sya sige ikaw na munang bahala dyan sa batang yan at maaga ako ngayon magbubukas ng clinic ko..aalis na ako Hon...Anya..sabay halik sa mga pisingi nila Anya at Asawa nya
"Bye dadi,ingat po kumusta nyo nalang po ako sa mga aso at pusa sa clinic nyo..
"Okay sige..ikaw din.
Behave sa school ha..wag pasaway di ka lalaki..dalaga ka na dapat kumilos ka naman ng mahinhin.."Dadi naman!!
Pagkatapos nyang mag-almusal sumabay na sya sa mami nya.Pagmay pasok kasi sya eto ang nagbabantay sa grocery nila sa bayan.Maaga tuloy syang nakarating sa school nila.
"Anya!! buti dumating ka na.Kanina ka pa namin inaantay..
"Bakit late na ba ako?
"Hindi pa !! ang aga kaya natin.
"Nabalitaan mo na ba?May bago daw estudyante.Galing daw etong maynila..balita ni Elena kay Anya
"Anong bago dun eh taon taon naman may estudyanteng lumilipat dito sa school natin
"Oo nga pero Anya..apo sya ni Don Ronaldo at gwapo daw eto.. sabi naman ni Joy
"Alam nyo kayong dalawa.Imbes na pag-aaral at yang mga kuto nyo sa ulo ang inaatupag nyo lalaking gwapo yang pinagtutuunan nyo ng pansin..
"Ay grabe ka naman Anya,wala na kaya..li'sa na lang..sabi ni Elena
"Wow ha!! at pinagmalaki mo pa..tara na nga at baka malate pa tayo
Paakyat na sana sila patungong 2nd floor ng may mahagip ang mga mata ni Anya sa canteen.
Naka side view eto at may kausap.Pero kahit ganun alam nya na gwapo eto.Nakasuot ito ng salamin at may hawak na libro..
Di nya napansin na nakatitig na pala sya dito.Bumangga tuloy sa kanya ang dalawa dahil di eto nakatingin sa harapan nila."Ayy!! Anya ano ba!!Bakit ka huminto bumangga tuloy kami sayo?sigaw ni joy
"Ano rin ba kayo?kasalanan ko ba kung tatanga tanga kayong dalawa..
"Sino ba kasi tinitingnan mo dyan?..sabi ni Elena habang sinusundan nya si Anya kung saan eto nakatingin..
"Ano Anya gwapo ba ang nakikita mo?
"Anong gwapo?
"Kunwari ka pa eh halos tumulo na laway mo kakatitig dun sa bagong estudyante.
"Hindi no! Napansin ko lang bagong pintura pala ang canteen natin.
"Talaga ba Anya? Eh bago tayo pumasok ganyan na kulay nyan..palusot ka pa..
"Palusot eh kung sabunutan ko kaya kayong dalawa ng mahilo yang mga kuto nyo sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Girl From Last Section (completed)
Short StoryDi ibig sabihin na porke nasa last section ako at ikaw ay nasa first section di na ako pwedeng magka-crush sayo.. -Anya