Nang bumalik sya sa school after na umabsent ng isang linggo kinausap nya ang dalawa ng kaibigan na wag na nilang babanggitin ang pangalan ni Thunder o kahit may marinig silang balita tungkol dito.
Di na sya tinanong ng dalawa kung anong nangyari.Bumalik lang ulet sya sa dating sya.At kahit sa isa-isang paaralan lang sila nag-aaral ni Thunder naiwasan nya pa rin eto.
Hanggang natapos ang school year nila.Nung bakasyon naman siya sa kanyang tiya sa kabilang bayan bumalik na lang sya nung araw na ng pasukan.Ganun pa rin ang ginawa nya,umiwas pa rin sya.Wala rin syang naging reaksyon ng marinig nya sa dalawa nyang kaibigan na hiwalay na daw si Thunder kay Sherie.
At kahit nasa last section nya nag-aral sya ng mabuti.Sya ang naging top 1 sa classroom nila.
At nang dumating ang senior from nila hindi rin sya umattend kahit anong pilit ng parents nya at dalawa nyan kaibigan.Nang dumating naman ang araw ng graduation nya.Naisip nya rin na hindi na lang sana pupunta pero alam naman nya na di yun pwede mangyari.
Pinarebond ng mami nya ang buhok nyang hanggang beywang pina ayusan din sya para magmukha na talaga syang babae.Wala naman syang magawa dahil nagustuhan nya rin ang naging itsura nya after ng maayusan.Binilhan din sya ng dress na bumagay sa kanya.
Marami ang nagulat lalong lalo na ang dalawa nyan kaibigan ng makita sya sa araw ng graduation nila."Ang ganda ganda nya daw" ang palagi nyan naririnig ng araw na yun.
Natatawa na lang sya at sinasagot na may nakasalubong syang fairy Godmother habang papunta sya sa school.Nang marinig nya ang pangalan ni Thunder ng tinawag eto sa stage ay di sya nag abalang tingnan eto.At kahit nung sya na ang tinawag iniwasan nya rin makita eto mula sa audience.
Uuwi na sana sya ng makita sila ni Macoy iiwasan pa sana sya pero huli na naharang na sya nito
"Wow as in wow !!! exaggerated nitong sabi ng makita si Anya na babaeng babae na sa suot nitong puting damit.
"Ang OA mo Macoy ha si Anya pa din ako..
"Naku Macoy ganyan na ganyan din ang rection namin ng makita namin sya kanina.- joy
"Ano nga palang balak nyong kuhaing kurso sa college..ikaw Anya?
"Gusto ko sanang mag flight attendant kasi gusto kung makapunta sa ibat ibang lugar.Pero sabi ni dadi ako daw ang magmamana ng clinic namin at gusto ko rin namang maging beterinaryo.Kaya naisip ko mag aasaw na lang ako ng Pilot..tumatawang sagot ni Anya kay macoy
"Macoy tara na inaantay na tayo ni Lolo..
Nanigas sa kinatatayuan nya si Anya,dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses iyon.Hindi sya handang makausap eto ngayon o kahit kailan pa.Mananatili lang sana syang nakatalikod ngunit tinawag na rin sya ng mga magulang nya.
Kaya wala na syang nagawa.
Paglingon nya nakita nyang nakatulala lang sa kanya si Thunder habang nasa tabi nito si Don Ronaldo."Anak halika na..tawag ng mami nya
"Aba Anya ikaw pala yan .Mas lalo kang gumanda iha.Halos di na kita nakilala
"Naku lolo kaya talaga palabiro..
"Abay di pa malabo ang mga mata ng lolo Onald mo at di rin ako nagbibiro apo baka etong apo kong si Thunder ang palabiro..
Hindi na hinayaang makapagsalita pa ni Anya si Thunder agad na syang nagpaalam sa matanda at inaya nya na ang mga magulang nya para makaiwas sa kaharap.
Yung na ang huling pagkikita nila ni thunder dahil nabalitaan nya nalang sa dadi nya na bumalik na daw eto sa maynila dahil nagkaayos na ang mga magulang nito.At doon na rin eto magpapatuloy ng college.
BINABASA MO ANG
The Girl From Last Section (completed)
Cerita PendekDi ibig sabihin na porke nasa last section ako at ikaw ay nasa first section di na ako pwedeng magka-crush sayo.. -Anya