chapter 6: Band-aid

1.4K 55 0
                                    

Lumipas ang mga araw at buwan patuloy pa ring sinusuyo ni Anya si Thunder.At kahit di sya pinapansin nito present pa rin sya pag may praktis game ng basketball si Thunder.

Di rin nya pinapalampas ang bawat laro nito.Super cheer pa rin sya dito kahit kadalasan nagagalit na eto sa kanya.
Minsan tinataguan pa sya nito.

Nang mga sumunod na buwan madalang nya na lang makita si Thunder.Talagang iniwasan na sya nito ng tuluyan.

Hanggang isang araw nabalitaan nya na lang na girlfriend na neto si Sherie.Pero di sya naniniwala  gusto nyang kay thunder mismo nya marinig ang lahat.

Kaya hinanap nya si Thunder para kausapin eto.Sakto may nakapagsabi sa kanya na nasa garden daw eto ng school sa may dulong bahagi.

Pero nagulat sya ng makita nyang nakayakap si Sherie at aktong hahalikan si Thunder kaya agaw syang sumigaw na agad naman kinagulat ng dalawa..

"Mga taksil kayo..kulog ano to? bakit  ka nya hahalikan?

"Excuse me lang no sino ka ba ha!! ? Saka anong sinasabi mo na taksil kami eh boyfriend ko na si Thunder..

"Talaga lang ha!! ilusyonada kang malandi ka.Hoy babae  alam mong akin si kulog ko inaagaw mo pa..

"Ikaw ang ilusyonada at hindi ako.Sabihin mo nga sa kanya babe kung sino ako.

"Wag mo syang tawagin "babe" di sya baboy..

"Stop it Anya.Umalis ka na.!!

"Kulog totoo ba ang sinasabi ng babaeng malandi na yan na girlfriend mo daw sya..

"Hindi sya malandi at hindi rin ako  nagtaksil sayo dahil totoong girlfriend ko na sya..kaya please lang tigilan mo na ako.Tigilan mo na kami.

"Pero kulog ,alam mo naman na gusto kita .Una pa lang sinabi ko na sayo,pinakita at pinaramdam ko naman sayo,kulang pa ba?

Actually di na lang simoleng crush tong nararamdaman ko sayo..mahal na kita..tapos ngayon sasabihin mo sa akin may gf ka na.

"Matagal ko ng sinasabi sayo na hindi kita gusto.Iniwasan na nga kita at tinataguan.Ayaw mo pa rn akong tantanan.Kaya ngayon sinasabi ko na sayo.Hindi talaga kita gusto.Look at you ,look at Sherie...

"Okay fine..sige!! sya na lahat..
Aalis na sana si Anya pero bumalik sya at sinapak nya sa pisngi si thunder ,napaupo eto at dumugo ang gilid ng labi..

"Kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon..

Naiwang nakatulala si Thunder hawak ang dumudugong labi..

Paguwi ni Anya sa bahay.Nagkulong sya sa kwarto nya at nanood ng"Saw" inisip nya nalang na ganito ang gagawin nya sa babaeng umagaw kay kulog nya sa kanya.

Kinabukasan di sya nakapasok naglagay kasi sya ng sibuyas sa kili-kili kaya nilagnat sya.Di rin nya iniinom yun gamot na binibigay ng mami nya kaya isang linggo syang di na ka pasok.

Nung dumalaw ang mga kaibigan nya wala syang sinabi.Binalita ng mga eto na may gf na daw si Thunder at Sherie nga.Nakita rin daw nilang pumapasok etong may band aid sa gilid ng labi.

Balak nya pa sanang magpalipat ng school para makaiwas na kay Thunder pero naisip nya na di papayag ang mga magulang nya dahil gra-graduate na sya next year.

The Girl From Last Section (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon