after 7years..."Lolo Onald bakit di pa po tayo nagtatanghalian may bisita po ba tayong inaantay?
"Naku iho gutom ka na ba?
"Di pa naman gaano Lo makakapag antay pa..
"Oh eto na pala ang ang inaantay ko..o sige tara na apo kumain na tayo..
"Naku Lolo pasensya na medyo natagalan ako.Pero wag pi kayong mag-alala maayos na po ang lagay ni Clara pati po ang mga bisero nito.
"Oh apo bakit nakatulala ka na ? abay umupo ka na at kakain na tayo..
"Anya.!!
"Good morning po Mr.Romualdez....seryosong bati nito kay thunder na kasalukuyan pa ring nakatulala.
"Mr.Romualdez talaga Anya.Napakapormal mo naman sa akin, eh dati naman tayong magkakilala ,you even my schoolmate back in highschool..
Ngumiti lang ng pilit si Anya at nakipagkwentuhan kay Don Ronaldo tungkol sa kabayong pinaanak ni Anya.Di naman makarelate si Thunder dahil wala naman syang alam sa mga kabayo.
Natapos ang tanghalian ng hindi nakakausap ni Thunder ng solo si Anya.
"Iha salamat nga pala sa tulong mo.Ipapahatid na kita kay Thunder para makapagkwentuhan naman kayong dalawa..
"Naku Lo wag na po susunduin na po ako ni James may lakad po kami.Salamat na lang po..
"Si James Sandoval? yung President ng student council natin ..
"Oo iho siya na ang Mayor ng bayang eto at ang mapapangasawa ni Anya..
"Oh sige po lo..Mr Romualdez mauuna na po ako..
Wala ng nagawa si Thunder. Sumama na ang pakiraramdam nya sa narinig..
"Fuck..nahuli na ata ako..
"Babagal bagal ka kasi apo...yan tuloy naiwan ka sa kangkungan..natatawang sabi ng Don sa apong nakasimangot
Samantala di pa rin mapakalma ni Anya ang puso nya malakas pa rin ang pintig nito.Tulad pa rin ng dati tuwing nakikita nya si thunder.akala nya tuluyan nya na etong nakalimutan at kaya nga sinagot nya si James at ngayon nga ay ikakasal na sya dito.
Wala naman talaga silang lakad ni James sinabi nya lang yun para makaiwas na mapalapit ulet kay thunder.Dumirecho na lang sya sa clinic nya at marami pa syang gagawin.
Di nya tuloy maiwasang purihin eto sa loob ng pitong taon wala gaanong nagbago sa itsura nito.Maliban na lang sa mas lalo etong gumawapo at lumaki din ang katawan at mas tumangkad din eto.
"At sa itsura nito ngayon malamang may kasintahan na rin eto ngayon.Kung nagawa nya etong kalimutan noon ,ganun din ang gagawin nya ngayon.At isa pa may kasintahan na sya ngayon.
"Si James ang lalaking masugid at matyagang nanligaw sa akin.
Playboy eto kaya iniwasan ko pero dahil nga sa pagtitiyaga nito napasagot nya ako.At masasabi ko na nagbago na sya simula ng maging kami."At ngayon nga ay nagplaplano na kaming magpakasal.
Nangangamba lang ako sa sitwasyon namin ngayon.
Masyadong delikado ang buhay ng isang mayor pero nangako naman sya na tatapusin na lang nito ang termino nya."Hindi nya kasi pinangarap na maging first lady ng bayan nila.Simpleng buhay lang ang gusto nya.Yung mabuhay ng masaya kasama ang lalaking mahal nya.Pero hindi na mangyayari yun dahil pareho na kaming may kanya kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
The Girl From Last Section (completed)
KurzgeschichtenDi ibig sabihin na porke nasa last section ako at ikaw ay nasa first section di na ako pwedeng magka-crush sayo.. -Anya