"Oh anak andyan ka na pala.Magbihis ka muna at maya maya lang darating na dadi mo.Umakyat ka muna at magbihis tatawagin na lang kita pag kakain na tayo..
"Sige po mami..
Habang nasa hapag kainan nagtanong si Anya sa mami at dadi nya tungkol kay Don Ronaldo.
"Dadi kilala mo po pala si Don Ronaldo.
"Ha?.Oo ,ako na kasi ang nagaalaga sa mga kabayo nya sa Hacienda...bakit mo pala natanong..
"Galing po kasi ako sa kanila kanina..
"Anong ginawa mo roon.
"Oo nga anak..
"Kaibigan ko po kasi yung apo nya na si Thunder..
"Thunder? Lalaki ang apo ni Don Ronaldo Anya?
"Opo mami at ang gwapo po medyo masungit lang..
"Oo ,galing ng maynila,may problema ata yung parents nung bata kaya ang Don muna ang nagaalaga..
"Naku mukhang iba na yan ha!
Mukhang nagdadalaga na ang baby ko ah.."Mami naman dalaga na naman talaga ako ah..
"Mabuti kung ganun akala ko eh magiging" binata ka" eh..tumatawang sabj ng dadi nya
"Dadi naman..porke ba ganito ako kumilos at manamit eh tomboy na agad ang tingin nyo sa akin..
"Oh sya sorry na..dalaga na kung dalaga..
Natapos ang hapunan ng pamilya Rodriguez na masaya at puro asaran..
Araw ng lunes excited na pumasok si Anya dahil may maglalaro ng basketball si thunder.
"Naku Anya ang gwapo talaga ni Macoy no..
"Mas gwapo si thunder magaling pa maglaro..
"Kulog..hoy Kulog galingan mo ha i che-cheer kita..sigaw ni Anya kay thunder ngunit sinimangutan lang sya nito..
"Ang sungit naman,pero hayaan mo na basta pinansin nya ako..
"Ang sungit talaga ng Thunder mo no..buti pa si Macoy super friendly.Parang di sila magpinsan..
Nagumpisa at natapos ang laro na boses lang ni Anya ang maririnig mo.Naiinis tuloy si Thunder dahil puro kantyaw ang inabot nya sa mga classmate nya pagkatapos ng laro..
"Naku bro ayan na yung gf mong maton..ha ha ha..
"Di ko sya gf..nakasimangot na sagot ni Thunder sa classmate na si tony.
"Ang galing mo talaga kulog.Narinig mo ba akong magcheer sayo kanina.
"Oo and its annoying..
"Naku bro bakit ka naman ganyan sa gf mo? kung ganyan kasuportive gf ko aba amtutuwa ako..
"I would do that also but sad to say she's not my gf..
"Magiging gf nya pa lang ako..
"In your dreams Anya..
Sasagot pa sana si Anya ng dumating si Sherie ang muse ng basketball team nila thunder at classmate din nito.Magiliw etong kinausap ni thunder.Habang si Anya nakasimangot.
"Sis tingnan mo kung kausapin ni thunder si sherie ang lawak ng ngiti.Tapos may pahampas hampas pa sa braso.
"Ikwento pa talaga eh kitang kita ko naman.Ikaw hampasin ko dyan eh..
"Lets go guys! meryenda tayo treat ko...aya ni thunder sa mga kateam nya habang nakahawak sa braso nito si Sherie at iniwang nakatulala lang si Anya kasama ang dalawa nitong kaibigan
"Anya tara na..grabe si thunder no di man lang nagpasalamat sayo..eh halos lumuwa na ang dila mo kakasigaw tapos ni ha ni ho wala..
"Tapos etong si Sherie kararating lang, yun pa ang inayang magmeryenda ni thunder..
"Durog na ako joy please wag mo na ulitin sakin narinig ko..tara na nga umuwi na lang tayo at ihahanda ko na yung pangkulam ko..
"Mabuti pa nga sige maghahanap na ako ng iaalay natin para epektib ang kulam mo..sabay tawa ni Elena na parang witch..
BINABASA MO ANG
The Girl From Last Section (completed)
Cerita PendekDi ibig sabihin na porke nasa last section ako at ikaw ay nasa first section di na ako pwedeng magka-crush sayo.. -Anya