chapter 4: Hatid

1.5K 47 1
                                    

"Ang laki ng bahay nyo kulog.
Ay nakalimutan ko mayaman nga pala kayo.Sa Hacienda Adela ka nga pala nakatira at lolo mo si Don Ronaldo.
-Anya

"Oh nahatid mo na ako.Pwede ka ng umuwi.And please ayoko ng maulet to sa Monday. - thunder

"Ang sungit mo naman. Di mo ba ako papapasukin para magpalamig man lang - Anya

"Hindi na, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo.

Aalis na sana si anya ng may humitong kotse sa harap nila ni Thunder

"Oh apo andyan ka na pala.At may kasama kang magandang dalaga.

"Kakarating ko lang po lolo.Saka wala po akong kasamang dalaga.

"Naku apo mas malabo na ata ang mga mata mo kaysa sa akin.
Aba eh napakaganda niyang nasa tabi mo..

"Naku Don Ronaldo salamat po.
Tama po kayo medyo malabo na ang mata ng apo nyo.Sya po ata ang kailangan magsalamin.

"Hoy ikaw..umuwi ka na..saka di malabo mata ko.Malinaw na malinaw to.

"Apo bakit mo naman sya papauwiin .Pumasok muna kayo at para makapag meryenda yang bisita mo..

"Lolo di ko yan bisita.Saka aalis na nga po sya..Hoy ikaw umuwi ka na..taboy ni Thunder kay Anya

"Ano ba 'yan di lang pala malabo mata mo bingi ka pa.Di mo ba narinig sinabi ng lolo mo.Papasukin mo daw ako at pagmeryendahin.

Nang makapasok sa loob si Anya di nya maiwasang humanga sa ganda ng loob ng Mansyon nila thunder.

"Oh iha umupo ka muna.Nagpagawa na ako ng meryenda natin.Ano nga pala pangalan mo.

"Anya Rodriguez po Don Ronaldo.

"Anya kaano ano mo si Dr.Samuel Rodriguez

"Kilala nyo po ang tatay ko?

"Ah ikaw pala ang anak ni Sam.Oo iha kilala ko sya.Ang tatay mo kasi ang Doktor ng mga alagang hayop ko dito sa hacienda.

"Naku sana po magaganda ang naikwento nya sa inyo ni dadi.Nakakahiya naman po sa apo nyo pag panget.

"Haha oo naman apo.Mabait ka daw na bata.

'Naku Lolo  Mahal na mahal po talaga ako ni dadi.Totoo po mabait akong bata.

"Kaya lang daw lalaki kung kumilos ang dalaga nya..

Natawa ng malakas si Thunder na agad naman sinamaan ng tingin ni Anya kaya tumahimik eto.

"Yun lang lo may nasabi pa din.

"Lo binata na..nililigawan ako eh!

"Naku iha..ilag yang apo ko sa mga babae.Masungit palibhasa gwapo..

"Opo Lolo gwapo po talaga apo nyo masungit nga lang talaga.Wag po kayo mag-alala mahaba po ang pasensya ko.

Maya maya lang nagpaalam na rin si Anya kay Don Ronaldo at Thunder pero di pumayag ang matanda na hindi ihatid ni thunder si Anya.

"Next time ha wag mo na ako ihatid para di na kita ihatid sa inyo.

"Ang sweet nga eh.Saka destiny talaga tayo.Ramdam ko..tayo talaga magkakatuluyan bandang huli.

"Wow ha at sino naman nagsabi na magkakatuluyan tayo.Eh ni wala ka nga sa kalingkingan ng babaeng gusto ko.

"Ano ba ang mga katangian ng gusto mong babae kulog?

"Lahat ng wala sayo..

The Girl From Last Section (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon