Chapter 15: Bagyo

1.5K 51 0
                                    


Mukhang nagkamali ata ako ng pinag stay ko si Thunder.Di ako makapag concentrate sa trabaho ko.

"Panga kain na tayo.Kanina ka pa dyan.Pag mag-asawa na tayo di ka na magtratrabaho ha sa bahay ka nalang aalagaan mo nalang ang mga anak natin..

"Hoy lalake !!!ano yang mga pinagsasasabi mo dyan..tigilan mo na nga ako at umuwi ka na nga lang.

"Ayoko ngang umuwi , aantayin kitang matapos ,dahil ako ang maghahatid sayo pauwi...kung gusto mo naman di na kita iuuwi pabulong na sabi thunder.

"O di wag mo ako kulitin para matapos na ako dito ng makauwi na tayo.Dyan ka lang sa tabi..masungit na sabi ni Anya

Sinunod naman ni thunder si Anya.Pero maya maya lang nakita ni Anya na mahimbing na etong natutulog sofa bed nya.

"Mas lalo kang naging gwapo.Kung sabagay gwapo ka na talaga kahit dati pa.Kung noon napakasungit mo ngayon naman napaka-kulet mo .

"Pinagnanasaan mo ko panga no!!Sinasabi ko na nga ba,may hidden desire ka talaga sa akin,kunwari ka pang masungit ha!!If I know until now,patay na patay ka pa din sa akin.

"Tse !! tumahimik ka!! ang dami mong alam..e kung patayin kaya kita ngayon..saka di kita pinagnanasaan.Gigisingin lang kita kasi tumutulo na laway mo naghihilik ka pa..

"Pero aminin mo ang gwapo ko pa din kahit natutulog ako di ba..

"Ewan ko sayo.Tara na nga at parang uulan pa yata..

Habang nasa biyahe kami wala kaming imikan.Saka di rin kami magkakarinigan dahil ang lakas ng ulan.May bagyo pa ata.

"May bagyo ba panga ang lakas ng ulan baha na rin ang ibang kalsada..

"Di ko alam..pero makakauwi naman tayo di ba?

"Di ko sure ,mukhang malayo layo pa tayo..pero kung gusto mo may alam akong pwede tayo mag-stay.
Mas malapit yun kaysa uuwi pa tayo sa bahay mo.Doon muna tayo habang malakas pa ang ulan.

"Okay sige ikaw ang bahala..baka maaksidente pa tayo sa biyahe.Kung susuungin pa natin ang malakas na ulan.

Pumasok ang sasakyan nya sa isang malaking gate.Sa loob nito ay may dalawang palapag na bahay.Malawak ang harapang bahagi nito na napapaligiran ng bermuda grass.May malaking swimming pool sa gilid pero wala pang tubig.

Pagpasok mo sa loob ng bahay ay mga mamahaling gamit ang makikita mo sa bawat paligid.Plain white lang ang pintura nito.At kung pagbabasehan mo ang mga nakikita ko ngayon mukhang ginastusan eto ng bongga.

"Umakyat ka muna sa kwarto ko sa bandang gitna at magbihis  nabasa ka kasi ng ulan baka magkasakit ka pa.Gagawa lang ako ng makakain natin.

Pagpasok ni Anya sa sinasabing kwarto ni Thunder namangha sya sa kanyang nakita..

"Mukhang masyado naman atang malaki eto para sa kanya.
Pero infairness ang ganda at ang laki ng kama.Wow !! at ang ganda ng banyo.Pagganito ka bongga ang banyo ko malamang maya't maya ako maligo.

Nang matapos maligo pumasok sya sa walk-in closet ni thunder

"Ang dami naman damit ng babae dito may mga tag price pa.Ilang babae  na kaya ang nadala nya dito.Hay!! naku etong white t-shirt nya na nga lang ang isusuot ko.Baka magalit pa yun pagginamit ko ang mga damit ng mga babae nya..makababa na nga at gutom na ako..

Natulala si thunder ng makita nyang pababa si Anya sa hagdan suot ang damit nya nag-mukha etong dress sa laki..

"Panga bakit yan ang suot mo?Ang dami namang damit doon.Saka mga bago lahat yun.

"Ayoko ngang isuot ang mga damit ng mga babae mo magalit ka pa..

"Panga  di yun para sa mga babae ko kasi wala naman akong ibang babae na dinala dito kahit mommy ko at ate ko,saka mga bigay ni ate storm sayo lahat yun.Binigay ng mga sponsor nya.Di ko ba nasabi  sayo na model si Ate Storm.

"S-sa a-akin talaga..bakit ako kilala ng Ate mo?

"H-ha kasi nakwento kita dati sa kanya..nahihiyang sagot ni thunder kay Anya na di makatingin ng derecho.

"Kulog siguraduhin mo lang na magaganda ang mga sinabi mo ha!! kung hindi lagot ka sa akin..

The Girl From Last Section (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon