"Nakakainis ang hilig-hilig,
walang kasawa sawa.Halos ayaw akong paalisin dito sa kwarto namin.Di tuloy ako makapunta sa clinic ko.Isang linggo na pala ako dito di ko manlang namalayan.Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya...ayaw naman ako pansinin.."Kulog!! hoy ano ba! bingi ka ba?" kainis ka talaga, deadma na naman ako.
"Panga malambing kung tawag sa kanya".At ang magaling na lalaki lumingon agad"Bakit panga may kailangan ka ba?" "Bwesit!! kanina pa kita tinatawag di mo ako pinapansin".
"Kailan mo ba ako pababalikin sa work ko?"
"Bakit di ka ba masaya na kasama mo ang panga mo?
Di naman kita ginugutom dito.."Hindi nga panga, pero pinapagod mo naman ako".nakasimangot kung sagot.."dali na kasi naboboring na ako dito..kasi lagi ka naman busy.Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo?"
"Bukas ka nalang pumasok.
Ihahatid kita sa clinic mo.Tapos kukuhain natin yung mga gamit mo sa bahay nyo..saka wag ka mag-alala panga kung nakikita mong busy ako..I have a surprise for you""Wait lang ...bakit naman natin kukuhain ang mga gamit ko sa bahay namin!?"..nagtataka kung tanong
"Kasi dito ka na titira sa bahay natin magmula ngayon..
"Ayoko nga..nakakahiya.Di naman tayo mag-asawa para dito ako tumira..at siguruhin mo na masusurprise ako dyan sa pinagkakaabalahan mo."
Lumapit eto sa akin at hinalikan ako sa labi."Im sure of this panga" tapos nginitian nya ako..at kinilig naman talaga ako..
"May gusto ko bang kainin na ulam or dessert panga?
ipapahanda ko.."Ah..gusto ko ng inihaw na bangus yung maraming kamatis at sibuyas..panga..malambing kung sabi sa kanya na kinangiti nya ng husto lalo na ng tinawag ko syang panga..
Secret weapon ko yung salitang panga.Pag may kailangan ako or kailangan ko ng attention nya..sasabihin ko lang ang magic word at makukuha ko na agad agad..no sweat..di ba ang arte..
"Iniiba mo ang usapan..ang sabi ko bakit dito ako titira eh di naman tayo mag-asawa.!?".
masungit kong sabi pero tinalikuran lang ako nito at lumabas ng pinto.Nakakainis kanina busy sa kakatext tapos ngayon iniwanan lang ako dito..bwesit..
"Hoy kulog!! saan ka pupunta kinakausap pa kita.!?" agad ko etong hinabol at sinundan pero pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakikita ko ngayon sa maluwang naming sala.
Naroon ang mga magulang ko.May nakita akong babaeng may edad,kamukha eto ni thunder eto siguro ang mommy nya at yung lalaki naman kamukha nya yung babaeng nakita ko noon sa mall na kasama ni thunder.Mas maganda nga eto sa malapitan.At talagang pangmodel nga ang itsura nito.
Nakakatakot lang eto,mukha kasi etong masungit.Halos di rin ako makahinga ng makita ko si James may kasama etong dalawang lalaki.
Di ko alam kung anong nangyayari.Nakita ko din si Don Ronaldo kasama ang asong si Kapitan.Pati yata lahat ng katulong at drivers nanduin din.
Nahiya tuloy akong bigla sa itsura ko ngayon.Nakakainis talaga etong si kulog.Lagi na lang akong binibigla.
Pagbaba ko ng hagdan mas kinabahan na ako nakita kong parang naluluha na si thunder..sari-saring emosyon na ang nararamdaman ko.Nanlalamig na rin ang mga kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ano to..bakit nandito silang lahat thunder?Anong meron..
![](https://img.wattpad.com/cover/111982908-288-k752317.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl From Last Section (completed)
Short StoryDi ibig sabihin na porke nasa last section ako at ikaw ay nasa first section di na ako pwedeng magka-crush sayo.. -Anya