CHAPTER 10: JEALOUS

5.4K 209 15
                                    

Glaiza's POV

"Oh Cha, susunduin kita ng 12 ha. Itetext nalang kita pagnakaalis na ko ng bahay mamaya kaya icheck mo yang phone mo. Magingat ka. Paki greet mo nalang din ako kay Rhian" Bilin ni Auntie Venus habang bumababa ako ng sasakyan.

I'm thirty minutes early for the party. Mabuti nalang at hinatid ako ni Auntie, masyadong nakakailang mag commute nang naka gown. At mabuti nalang din talaga at hindi ko pa napapamigay ang iilang gown na pinadala sakin ni mama, kundi di ko alam san manghahagilap ng susuotin kasi di naman ako mahilig pumunta sa mga ganitong klase ng party or occasion.

"Opo Auntie. Salamat po" Sagot ko bago isinara ang pinto ng kotse.

Huminga muna ko ng malalim at pinagmasdan sandali ang facade ng resort bago tuluyang pumasok sa main entrance.

H&R Alpha Tagaytay Highlands Resort, isa sa pinakamamahaling resort dito sa Tagaytay na kanina ko lang nalaman ay pagmamayari pala ng pamilya ni Rhian. Napakalawak at napakagara ng lugar at halatang de kalidad ang pagpapatayo at pamamahala nito.

Kung hindi lang talaga kaarawan ni Rhian ay di na sana ako tutuloy dito, malamang kasi mga sosyal. mayaman at mga kilalang tao ang pupunta, at wala ako sa tatlong yun. Subalit nangako na ko kay Rhian na dadalo ako kaya hindi naman pwede na basta basta ko nalang bawiin at bagohin ang sinabi ko. Tsaka isa pa, gusto ko siyang makita ngayon sa kaarawan niya, kahit saglit o kahit nga sa malayoan lang.

Nagtanong ako ng directions sa front desk at nagtungo agad sa venue. Malayo palang ay tanaw ko na ang grand round glass walled function hall na itinuro nila. Habang papalapit nang papalapit naman ako ay nakikita ko na ang ibang mga bisita na papasok doon.

Pwede ba kong magback out? mukhang ma-O-OP talaga ko doon. Yung ibang bisita ay namumukha-an ko dahil napapanood ko sila madalas sa TV, yung iba naman sa dyaryo na binabasa ni Lolo Dy. Kung walang seat arrangements ay maghahanap nalang siguro ako ng upuan sa pinakadulo o pinakasulok, atleast kung OP man eh di naman ganoon kahalata. Iisipin ko nalang na fan representative ako ng fandom.

Haaay. Kahit mabati ko man lang sana si Rhian ngayong gabi, okay na. Maiiintindihan ko naman kung busy siya mamaya sa ibang bisita at di niya ko mapapansin.

Pumasok ka na Cha, si Rhian naman pinunta mo dito at hindi ibang tao. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Kahit nagaalangan ay unti unti kong hinakban ang daan patungo sa entrance ng function hall kung saan may nagwewelcome na mga staff. Kinuha ko mula sa aking dalang purse ang invitation na binigay ni Rhian noong nakaraang araw. Subalit di ko pa man naaabot ang imbitasyon ay may babae nang lumapit sa akin.

"Hi! I believe you're Glaiza De Castro?" namumukhaan ko siya, si Gee, bestfriend ni Rhian na DJ at model.

"Ay Hello po.. Oo ako nga si Glaiza." nahihiya kong sagot sa kanya.

"It's nice to finally meet you Glaiza. I'm Gee, Rhian's bestfriend. Huwag ka na mag "po", ka age lang naman ata tayo."

"Hehe. Nice to meet you too Gee."

"Rhian told me pala to keep you company while we wait for her kaya wag ka nang mahiya. Come with me Glaiza, let's go in. I'll take you to our table." Sabi niya saakin kaya ngitian ko nalang siya at tahimik na sumunod sakanya.

Di na chineck ng mga staff ang invitation na dala ko at dirediretso na kami sa designated table.

Naupo kami sa bandang gitna ng hall.

"Glaiza, tatawagan ko lang yung ibang mga friends namin ha? I'll be back in a few." Sabi sakin ni Gee na sinagot ko naman ng tango at ngiti.

Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon