CHAPTER 29: RED

5.5K 197 22
                                    

GLAIZA'S POV

"Bubba.." Mahinang sambit ni Rhian habang hinahawakan ang likod ng anak namin.

Pagkalabas ni Red ay agad nila siyang ipinatong sa ibabaw ni Rhian at doon ginawa ang iilang mga procedures. Pagkatapos ay ipinadapa naman nila ang anak namin sa pagitan ng mga dibdib ng asawa ko para sa unang yakap.

Hanggang ngayon parang di pa rin ako makapaniwala, nakikita na ng dalawang mga mata ko ang anak namin. I've seen how my wife gave birth to our son but everything still seems so surreal, kulang na lang kurotin ko ang sarili ko.

"Kamusta pakiramdam mo, mahal ko?" tanong ko kay Rhian.

"Sooo tired, wubb. But I'm okay and happy that Bubba's finally out." she softly answered.

I kissed Rhian's head again. I could never thank the Lord enough for giving her to me. She went through a lot at sobrang relieved ako na natapos na ang pagsisilang niya na walang nangyaring masama, na okay silang dalawa ng supling namin.

"Salamat talaga at okay kayo. Mukhang napakalakas at napakalusog niya. Mukhang uhaw na uhaw na nga eh." masayang sambit ko na nagpangiti rin kay Rhian.

Tahimik lang kaming pinagmamasdan si Red, di na kailangan sabihin dahil alam naman naming pareho ni Rhi na umaapaw ngayon ang pagmamahal sa puso namin dahil sa aming munting anghel.

After some time, nakita kong unti-unting mas lumalapit ang paggapang ni Red patungo sa isang breast ni Rhi until he finally latched on her nipple and started to suckle. Nakakatuwa at nakakagigil naman. Napakacute tignan ng baby boy namin. Napanood ko to sa mga videos, yung breast crawl. Totoo pala talaga nangyayari yun.

Naramdaman kong naiiyak na naman ako. Ganito ba talaga ang feeling pag unang beses makita ang panganganak ng asawa? Yung masaksihan ang mga ganitong bagay? Yung bang lahat ng emosyon nararamdaman mo tapos lahat parang overwhelming at amazing?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rhian, nakatingin pala siya sa akin kaya nakita niyang naluluha na naman ako.

"Talo mo pa si Bubba. You're such a cry baby, wifey" she said and weakly giggled.

Natatawa na rin na pinahiran ko ang mga luha ko.

"Pasensya naman. Masaya lang kasi ako eh. Sobra sobra." sabi ko sa kanya.

After magbreastfeed ni Rhian, lumapit na ang nurse upang panandalian kunin ang anak namin. May iilang pang procedures daw silang kailangan gawin bago tuluyang i-room in si Red.

Nakita kong tinurukan si Red kaya umiyak ito. Parang ako din yung nasaktan. Naawa ako sa anak ko, pero alam ko namang kailangan yun.

Lumapit naman ang nurse at pinakarga sa akin si Red na medyo umiiyak pa rin. Kinakabahan ako na naeexcite, it's another first na makarga ang bagong panganak na baby namin.

"Ssshh.. andito na si Momma. Tapos na baby ko.. Tahan na anak." I softly whispered, trying to comfort him. Slowly tumahan na rin si Red, marahil nasesense niya na isa ako sa mga nanay niya.

Lumapit ako kay Rhian karga karga parin ang anak namin.

"MK, tignan mo baby natin. Napakacute oh hehe." I told Rhian na pinapakita sa kanya ang baby namin.

"He's handsome, Love." Rhian smiled.

"Hello Crimson Primo. Ako si Momma Glaiza and siya naman si Mommy Rhian mo. We're so happy to see you baby. Mahal na mahal ka namin anak. For sure your Ate Scarlet's so excited to see you, pati rin mga Wowa at Wowo mo, mga Titas at Tito, madami pang iba, kaming lahat baby ko" mahinang sambit ko sa anak namin.

Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon