AN: Sorry for the very late update
_ _ _ _ _
Glaiza's POVIto na ata ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Sana ganito nalang palagi.. masaya siya, masaya ako, masaya kami.
Wala na atang mas sasaya sa pakiramdam na mahal ako ng taong mahal ko at pinili niyang mahalin ako sa kabila ng lahat. Isang panaginip na tumawid sa riyalidad. Si Rhian, ang pangarap kong natupad.
Pagkatapos kong umamin kanina sa kanya ay nanatili kami sa rooftop. Madami kami kinailangang pag-usapan pa. Ngayon, nakaupo kami sa sahig. Nakasandal ang likod ko sa sementong harang habang ang ulo niya ay nakalean sa leeg ko banda at ang kamay niya'y nakaakap sa aking bewang.
"Sorry Glai. Promise, I'll never let anyone make you feel jealous ever again. Simula ngayon sayo lang ako, okay? I am yours, Glaiza De Castro" Sabi niya and lifted her head kaya napatingin naman ako sakanya. At wala man lang pasabi ay binigyan niya ko ng mabilis na halik sa aking pisngi pero medyo dumapo din ito sa gilid ng aking labi.
Napagusapan namin ang tungkol kay Richard kaya napaamin ako sa aking pagseselos ng di oras.
"Di mo naman kailangan humingi ng tawad dahil naiintindihan ko san ka nanggagaling ba't naisipan niyo yun ni Gee. At isa pa, unreasonable yung pagseselos ko dahil kung tutuusin naging mabuting kaibigan lang naman si Richard sayo. Kaya wag ka na magsorry, Rhi. Sa halip, gusto ko magpasalamat sayo dahil ako ang napili mong mahalin despite everything I did." Seryoso kong sagot sakanya.
"I'll choose you over anyone, anytime. And para fair let's just put it all in the past nalang, what's important is what we have now. That we love each other" Sabi niya at muli akong hinalikan pero this time sa lips na. Parang smack lang.
Pangatlo o Pang apat na ata to pero palaging parang first time.
Unti unti kong naramdaman ang muling pag init ng aking mga pisngi. Di ata ako masasanay dito.
"I love you too. Pero maiba.. ikaw ha, nakakarami ka na boss idol" medyo patawa ngunit mahina kong sambit.
Binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti kaya di ko na napigilan na yumuko at paharap na sinandal ang aking ulo sa kanyang leeg. Kinikilig ako pero labis ring nahihiya, kung makikita niya ang pamumula ng aking pisngi na parang kamatis malamang tutuksohin niya ako dahil dito.
(parang ganito. haha. pero si G yung nakasandal gaya ni R)
"Ayeee. Glai? Masyado kang kinikilig noh? Ang cute cute mo naman wubbwubb kiligin." Panunukso ni Rhian at sinundot sundot ako sa aking tagiliran kaya't napatingala ako sakanya.
Wubbwubb?
"Hey. ta-tama na.. naki-ki-kiliti ako Rhi." Pautal kong sambit, nahihirapan akong magsalita dahil sa pangingiliti niya. Tumatawang tinigil naman niya.
BINABASA MO ANG
Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]
FanficWhen it comes to love, Glaiza Del Cuestro follows 3 simple rules. First, never fall in love with a straight girl. Second, never fall for a close friend. Third, never ever fall for someone completely out of one's league. But what if someone comes al...