CHAPTER 16: LIGHTS

5.5K 167 18
                                    

Glaiza's POV

Sa mga sumunod na araw ay inayos namin agad ni Rhian ang mga kinailangan upang makaalis ng bansa. Through our parents' help and connections, na ngayon ko lang napagtanto ay ganun ka intense at influential, ay mas mapapabilis ang pagkuha ng visa ko. Rhian's a British citizen din kaya di na niya kailangan ng visa to travel around Europe.

"Wubbwubb, I'm so excited na to see the northern lights in Iceland and all the other places we'll go to. Though yung iba napuntahan ko na pero syempre I'll see it with you kaya mas exciting. I'm also just happy to finally get a break from everything, minsan nagpapagulo talaga ng buhay ang showbiz eh." Sabi ni Rhian na patagilid na naka-kandong sa lap ko. Nakayakap naman ang mga bisig ko sa kanya.

About sa gusot nila ng Auntie niya, ayun di na nga siya minamanage nito personally at pinasa sa lower management team na under parin ng RAMC. Di naman kasi maaaring alisin si Rhi dahil half parin nun ay pagmamay-ari nila Tito Ian. At gaya ng sabi ni Rhian, mukhang wala namang ibang nakakaalam sa totoong nangyayari kaya walang lumalabas na issue. Kahit strikto daw ito ay paniguradong ayaw niyang may kumalat na kung anong balita lalo na kung makakasira ito sa reputasyon ng pamilya nila. Kung may lalabas man na issue or rumors tungkol samin, for sure di ito manggagaling sa tiyahin niya at marahil kaya pinayagan siya agad magbakasyon para narin humupa ang kahit anong pagdududa ng mga tao.

Medyo linuwagan naman ni Rhian ang akap ko sa kanya at humarap sakin upang titigan ako. May sasabihin to eh, alam ko yung tingin niya pag may gusto siyang sabihin or irequest. Bago pa man siya magsalita ay binigyan ko ng munting mga halik ang kanyang labi na tinutugon naman niya. Di naman siguro masamanang panggigilan ang sarili kong girlfriend diba? ang cute cute kasi.

"Wubb, Uhmm.. Before we go to Iceland, what if we'll go to Paris as well? Sobrang ganda dun and romantic." Aniya at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

Yung napagplanohan namin nung una, Barcelona tsaka London lang. Noong nakaraang araw lang sinuggest ni Rhi na pumunta kami ng Iceland, nagaalangan man ako sa budget ay pinagbigyan ko dahil gusto niya talagang makita ang aurora borealis pero ngayon heto na naman at may gustong idagdag.

"MK, diba sabi ko last addition na yung Iceland, alanganin na kasi if pupunta pa tayo sa Paris, lagpas na yun sa alloted budget ko. Mahal pa naman dun."

"Wubb, ako naman yung nag-aya mag-travel kaya ako na bahala sa expenses dun.. if pumayag ka nga lang, ako na magbabayad sa lahat but ayaw mo rin. And diba, Dad and Tito Aga will cover some of our expenses. Payag ka na please" she said and held both of my cheeks and kissed the left one.

Palagi naman siyang sweet and malambing pero nagiging extra lambing siya pag alam niyang di ko sasang-ayunan ang isang bagay.

"MK, alam mo naman na ayaw kong umaasa sa iba diba? Napilit niyo na nga ko na pumayag sa offer nila. Kung ayaw kong umasa sa iba mas ayokong umasa sayo... ayoko lang maging pabigat. Napagusapan na natin to eh na ayaw kong ginagastosan mo ko."

"Haaay. I know pero wubb minsan lang naman to eh and di ka naman pabigat. Hindi ka naman ibang tao, you're my girlfriend. Just think of it as an early Christmas gift. I know you're very independent and I'm so proud of you because of that pero wubb, I want to spoil you naman kahit minsan. Also, first trip natin to together outside the country and ito na yung longest vacation ko bago ako maging busy ulit, gusto kong sulitin ang time with you. Kaya please wubb.. Payag ka na. Pretty please" She said with her puppy dog eyes and pouted.

She's my strength and my weakness. Di naman ako si Superman pero siya yung kryptonite ko.

"Haaay. Minsan ankulit mo rin talaga MK eh. Pero sige na nga. Ayokong pagsimulan pa to ng tampuhan. Tsaka oo na, gusto ko rin namang makita ang buong mundo kasama ka. Pero sa isang kondisyon, hindi ako papayag na ikaw ang gagastos sa lahat. Kukuha nalang ako sa savings ko. And yung sa offer nga family natin, last na yun. Gusto ko naman kasi na makita nila na kaya kong mabuhay na di umaasa sa iba.. na maipakita ko sa family mo na nakakatayo ako sa sarili kong mga paa at mga kakayahan"

Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon