Glaiza's POV
"Wubbwubb huwag ka nang malungkot. Na push back lang naman yung pag-uwi ng mom mo pero after a month andito na naman siya diba? Smile ka na baby pleaaaase. It's your birthday pa naman tapos you're sad. What can I do to make you happy?" sabi ni Rhian at yumuko upang i-back hug ako at ipatong sa aking shoulder ang kanyang baba.
Tumawag si Mama noong isang araw at sinabing kinailangan i-move ang pag-uwi niya dahil may papeles pa siyang dapat ayusin.
Humarap ako kay Rhi at yinapos ang kanyang bewang. Nakaupo kasi ako sa silya, siya nama'y nakatayo na.
"Nanghihinayang lang kasi ako. Alam mo naman kung gaano ako ka excited na ipakilala ka kay Mama tapos syempre makasama siya sa birthday ko. Minsan lang sana eh. Pero nako MK, la kang dapat gawin. Kung tutuusin, ikaw lagi ang nagpapasaya sakin eh.
Haaay. Erase na nga tong lungkot. Panira to eh. Mabuti talaga may girlfriend ako na mahal ako na mahal na mahal ko rin" Sabi ko at nanggigil na sinubsob ang mukha ko sa tiyan niya habang patuloy paring naka-akap sakanya.
May kung anong inaabot siya sa likuran ko banda.
"I love you too... Happy Birthday again, my love." Sabi niya at umusog palayo sakin kaya napatingala ako sakanya.
"And tadaa!!!! Here's my monthsary/Christmas/New Year/ Birthday gift. Kaya bawal tanggihan" Aniya at ibinigay sakin ang hawak niya nang regalo. Sinalubong kasi namin dalawa ang birthday ko dito sa resthouse nila.
Dahan-dahan kong tinanggal ang gift wrapper nito. Malaki na mata ko pero parang mas lumaki ata. haha
"Polaroid Camera! Red pa talaga! Wooooow! Sobrang thank you MK!
Grabe, gusto ka pa sana bumili nito pero naunahan mo ko.. Teka, pano mo nalaman na gusto ko nito?""Kate. Good thing talaga I asked her. hehe." Simpleng sagot niya.
"Of course sino pa nga ba. Yung pinsan kong yun talaga. Daldal. haha."
"Let's capture more happy memories with this wubb, okay? Ayoko nakikita malungkot baby wubbwubb ko eh."
"I love you. hehe. Sige. Simulan na'tin ngayon?"
Kumuha kami ng iilang pictures. Puro wacky maliban sa isa ;) Medyo di na ko ganon ka camera shy. Si Rhian din kasi eh, mahilig kumuha ng mga litrato kaya nasasanay na ko kahit papano.
"Uhm MK, Sa time na aamin na ko o tayo pala kina Mama.. If di nila tayo matanggap, or nagkanda leche-leche, lam mo na ha, itakas mo na ko ha. hahaha"
"Of course wubb haha. Itatanan kita kahit di mo sabihin. Palagi namang maraming clothes sa car ko, isang size lang naman tayo, ready na anytime. hahaha."
"Ako rin naman, ready na kong itanan ka. Hahaha. Para talaga tayong ewan minsan.. malamang di naman natin kakailanganin tumakas, alam kong matatanggap nila tayo MK. Basta kahit anong mangyari, mahal na mahal kita at di kita iiwan. "
* * *
Dumating na si Mama kahapon. Balak na namin ni Rhian umamin kina Mama ngayon kaya nagpaalam muna ko na pupunta kina Rhian para sunduin siya dahil kakarating niya lang galing commercial shoot.Pagbalik namin sa bahay, di pa man kami nakakapasok ay may narinig kaming kung anong paguusap sa sala.
"Ate, aminin mo nalang kay Cha ang katotohanan ngayon tungkol sa kanyang ama. Baka mas di niya matanggap kung bigla nalang magpapakita ang tatay niya."
"Kahit kelan, gulo ang dala ng lalaking yan!" Rinig kong singhal ni Lolo Dy.
Ramdam ni Rhian na natigilan ako kaya kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito.
BINABASA MO ANG
Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]
FanfictionWhen it comes to love, Glaiza Del Cuestro follows 3 simple rules. First, never fall in love with a straight girl. Second, never fall for a close friend. Third, never ever fall for someone completely out of one's league. But what if someone comes al...