Glaiza's POV
"Andito na po ako." anunsyo ko pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.
Naabutan ko sa living room sila Lola My at Lolo Dy na nanonood ng TV kaya linapitan ko sila at nagmano. Marahil wala pa sila Auntie Venus, Kate at Paopao, sabagay 8:30 pa lang naman.
"Kaawaan ka ng Diyos apo" Sabi nila Lolo at Lola sa akin.
"Kamusta pala lakad mo? mabuti at nakauwi ka ng maaga." tanong ni Lola My.
"Okay naman po kaso natapunan ako ng juice. Mabuti na lang at may nagpahiram po sa akin ng damit. Hinatid pa nga po ko dito sa bahay eh" Pagkwewento ko naman sa kanila.
"Pagpalain nawa siya ng Diyos. Salamat sa kanyang mabuti at matulongin na puso" saad ni Lola.
"Mabuti kung ganon ngunit sa susunod Cha huwag ka basta't basta kung kani-kanino sumasama Delikado na ang panahon ngayon, lalo na sa mga babae kaya dapat mas mag.ingat ka sa mga nakakahalubilo mo" pagpapaalala naman saakin ni Lolo.
"Opo Lolo Dy. Sa katunayan ho ay medyo kakilala ko yung humatid sa'kin tsaka taga dito lang din siya sa Alta Estates kaya sumabay na ako. Pero opo sa susunod mas magiingat ako" pagpapaliwanag ko.
"Ah ganon ba apo? Osya dumiretso ka na sa hapagkainan at kumain ka na ng hapunan" ani ni Lolo.
"Meron diyang Lechon Paksiw at Chopsuey apo, ipainit mo na lang kay Manang Arlene mo" sabi naman sa'kin ni Lola.
"Di na po La. Di na po ako kakain ng dinner dahil kakakain ko lang po tsaka sobrang busog na busog pa po ako. Una nalang po ako sa taas, matutulog na po ako kasi nakakapagod din ang mahabang biyahe. Goodnight nalang po" sabi ko sabay beso sa kanila.
"Ganon ba apo? sige mauna ka nang matulog. Goodnight din". "Good night apo" Sagot nila Lola at Lolo.
Umakyat na ko sa taas at dumiretso sa aking kwarto. Agad naman akong nagpalit at nagsipilyo bago tuluyang humilata sa kama.
Nakadantay ang aking kamay sa aking ulo habang napapatulala ako sa kisame ng aking silid.
It's been a long day. Grabe. Andami talagang nangyari sa araw na 'to. Kung tutuusin nakakabaliw ang lahat ng kaganapan ngayong araw. A rollercoaster of emotions ika nga.
Una, lungkot at panghihinayang dahil... Haaay ayoko na ngang isipin si Kylie!
"Erase. erase" parang timang na sambit ko sa hangin.
Sunod naman ay gulat, hiya, tuwa at kilig. Parang hindi pa rin talaga ako lubos makapaniwala na kanina lang ay nakita ko si Rhian Ramos. At hindi lang yun, nakasama ko pa siya! Seryoso? Si Rhian Ramos talaga yon??? Sana di talaga ito isang panaginip o isang guni-guni.
Kinuha ko sa paanan ng aking kama ang hoodie na binigay niya.
"Totoo ka naman diba? Galing ka talaga kay idol diba?" parang tila isang baliw na kinausap ko ang hoodie.
"Mmmm.. Ang bango bango kahit parang amoy lalaki" nasabi ko pagkatapos kong inamoy ito. Syempre si idol nagmamayari eh.
Inakap ko naman ito ng mahigpit. Oo, fangirl mode on. =D
* * *
Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang akap-akap ang hoodie ni Rhian. Nagising lang ako nang biglang nag-alarm ang cellphone ko sa kalagitnaaan ng mahimbing kong pagtulog.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It's 1:15 am. Haynako! marahil na set to ni Paopao nang pinahiram ko sakanya ang cellphone ko noong isang araw.
BINABASA MO ANG
Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]
FanficWhen it comes to love, Glaiza Del Cuestro follows 3 simple rules. First, never fall in love with a straight girl. Second, never fall for a close friend. Third, never ever fall for someone completely out of one's league. But what if someone comes al...