IFIWAT 1: CHAPTER 24 - Contest

4K 44 2
                                    

CHAPTER 24

BILLY'S POV

"Good evening ladies and gentlemen, tonight is the biggest event of our barangay this year. The Mr. Gandang Tomboy 2014 with T-JAIL! Here's our tomboys!" pagbati ng host sa mga manunuod.

Ngayon na ang araw ng contest. Kasalukuyan akong nasa backstage kasama ng mga kacontestants ko pati T-JAIL. Isa isa na kami tinawag para mag pakilala una si Contestant number 1 hanggang sa akin kasi ako yung pinaka huli.

"Tim my loves.. ako na ang sunod." kinakabahang sabi ko. Grabe talaga ang tibok ng puso ko. Akala mo lumipad mula sa dibdib ko hanggang baguio! Shet. Tinawag na ako. Humarap muna ako kay Tim.

"Billy my loves, i love you. Kaya mo yan."

That's it! Bumyahe na pabalik yung puso ko mula baguio pabalik ng dibdib ko. Eh kasi naman nakakawala ng kaba yung mga salita ni Tim. Lumakad na ako palabas ng backstage. Lumakad ako sa kanan saka kaliwa tapos nag pose. Lumakad na ako sa gitna at nagpakilala.

"Ako nga pala si Bilen Lyn "Billy" Tinamaan. At naniniwala ako sa kasabihang hindi ako dapat tumira sa kili kili ni Filthy dahil maliligaw lang ako."

"Ha? Hindi namin na gets." tangang sabi ng host.

"Kasi madilim na, magubat pa! Yun lamang po at salamat!" then I walked back on the backstage. Naririnig ko pa ang hiyawan ng mga tao sa akin. Infairness, ang lakas ng tili ng nanay at tatay ko. Dinig ko eh. Haha.

Yung totoo? Bigla lang talaga nag pop out sa isip ko yung kasabihang iyon dahil nakita ko sa audience si Filthy na nakasleeveless tapos nagkamot ng ulo. Sa hindi sinasadyang pangyayari, nasulyapan ko tuloy yung kilikili niyang parang dinaanan ni yolanda. Haha.

Muli kaming lumabas ng backstage at humilera sa bandang likod ng stage.

"And now that you already meet our contestants, it's time to meet their partners. The T-JAIL!"

Isa isang lumabas sina Tim, Jhonny, Alden, Isaac at Leandro. Grabe ang tilian ng mga babae. Nakakita lang ng malalaking umbok ng saging este yung mga babae parang mga unggoy kung makatili kasi para silang mga unggoy na nakakita ng saging.

"Are you ready to see the second wave of the contest?" tanong ng host. At naghiyawan na naman ang mga contestant hudyat na gusto na hindi na sila makapag antay. "Hindi ko na kayo pag aantayin pa dahil ready na ang ating mga Mr. Gandang Tomboy with T-JAIL para ipakita sainyo ang kanilang mga talento!"

Unang nagpakita ng talent ay yung contestant number 1 na kapartner ni Isaac. Ang theme nila ay hate kaya ang resulta bugbog sarado si Isaac. Nag acting kasi silang may galit daw yung tomboy kay Isaac at ayun nga binugbog niya. Ewan ko kung bakit ganun yung talent nila ha? Pag hate, bugbog agad? Psh.

Ang sumunod sa kanila ay si Alden at yung contestant number 2. Happiness naman yung theme nila. Ayun, sumayaw daw yung kapartner ni Alden tapos siya taga abot daw ng props. Haha. Ano yun?

Ang next ay si Leandro at yung contestant number 3. Halos lahat daw ng audience nakatulog dahil sa sobrang katahimikan. Eh kasi wala daw umimik sa kanila eh paano si Leandro tahimik tapos yung tomboy puyat. Ano daw? Basta nganga silang dalawa. Haha.

Ang sunod sa kanila ay yung contestant number 4 at si Jhonny. Ang resulta ng performance nila ay malakas na palakpakan ng tao. Ang galing daw kasi. Kaso ni Jhonny lang. Haha. Fear kasi yung theme. Kaya yung kapartner niya nagback out sa talent portion. Haha. Ewan ko ba!

At ang next ay.. kami na?!

"Ang susunod na magpapakita ng nakakaengganyong talento ay ang contestant number 5 at si Tim Marasigan ng T-JAIL!"

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon