IFIWAT 2: CHAPTER 19 - Contract

1.2K 31 15
                                    

CHAPTER 19

BILLY'S POV

"Tangina! Sasabay ka pa talaga ng ganyan? Off kung off! PAGOD NA AKO!" Sigaw ni Tim saka lumabas.

At talagang pumayag siya? Sinundan ko siya sa labas ng bahay at nakita kong naglalakad siya papunta ng kotse niya. "TIM!" Pero parang wala siyang narinig. Tumakbo na ako palapit sa kanya at pinigilan siya. "Ano ba Tim?! Papalakihin mo pa 'tong gulo na 'to?"

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. "Ako pa ang nagpalaki? Sino ba ang ayaw ituloy ang kasal? Ikaw diba? Shit!"

"I was just mad! Napapagod din naman kasi ako!"

"Napapagod? Ask me if I'm not? 'Cause I'm so tired! Tsaka na tayo magusap." Yun lang at tuluyan na siyang sumakay sa kanyang sasakyan.

Tumulo ang luha ko na parang gripo sa pag agos. "TIM!!!!" Sigaw ko kahit alam ko namang hindi na niya ako maririnig. "TIM!!" Sigaw ko ulit ng tuluyan na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.

Nanlulumo akong pumasok sa bahay habang tuloy pa din ang pagiyak. Umupo ako sa sala at sinubukang contact-in si Tim. Sa unang pag dial ko, nag riring pa pero pintay. Second attemp, unattended na. Ano bang gagawin ko?

"Anak, ano na naman bang nangyayari sa inyo ni Tim?" Tanong ni mama.

Napayakap ako sa kanya at mas napahagulgol. "M-Ma.."

"Shh.. Anak.."

"Ma.. ayaw na ituloy ni Tim yung k-kasal namin.. *sniff* ..P-Paano na po yan? M-Ma.. *sniff*"

"Pareho lang mainit ang mga ulo niyo. Mag palamig muna kayo at magisip isip saka kayo mag usap."

"P-Pero m-ma.."

"Maniwala ka sa akin, anak."

---

TIM'S POV

Pagdating ko sa condo, hinagis ko ang cellphone ko na kanina pa tinatawagan ni Billy. I can't believe her. Does she really love me? How could she back off to our wedding that easily? Tapos ako pa ang sisisihin niya na nagpapalaki ng gulo? Siya nga 'tong nag suggest na 'wag ituloy ang kasal. Lalo tuloy nag init ang ulo ko! Tangina!

Bakit ba nagsabay sabay lahat ng problema ko? Sa lahat ng plans for our wedding, I really tried my best na makapunta pero laging nananadya itong si Gretchen na until now ayaw pa ding pumirma. Nung una, I keep my patience. Hinabaan ko ang pasensya ko. I know that Billy understand my situation kaya sinakripisyo ko ang preperasyon para sa aming kasal pero sa nang yari kanina sa office..

*FLASHBACK*

"Sir, nagpatawag po ng urgent meeting si Ms. Bautista." Balita sa akin ng aking sekretarya.

Mukhang kung saan saan na naman niya ako dadalhin. She's always like that. Tumatawag siya na may urgent meeting, yun pala magpapasama lang sa resto. "Saan na naman daw?" Walang ganang tanong ko.

"Eh sir, kasama daw ang board of directors ng company natin."

What? "Bakit daw?"

"Hindi niya po nabanggit, sir."

Hm, mukhang pipirma na siya. Hindi siya magpapatawag ng meeting with my board of directors kung wala lang. "Okay. Report that to all directors. Now!"

Hindi nagtagal, nagpunta na kaming lahat sa conference room maging si Gretchen.

"Hi everyone!" Bati niya sa lahat. "As you can see, I can invest on your company sa kahit na anong porsyento. I'm a multi-millionaire business woman. Pag nag invest ako sa company niyo, ma-a-aprubahan na ng C&E Corp. ang inyong deal. Tama ba ako?"

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon