IFIWAT 1: ♥BEST EPILOGUE IN YOUR WATTY LIFE♥

2.8K 41 24
                                    

BEST EPILOGUE IN YOUR WATTY LIFE

BILLY'S POV

Nandito ako ngayon sa ospital kung saan nagpapagaling si Tim. Matapos kong makausap si Alex, dumiretso na ako dito. Naabutan ko siyang tulog.

Hindi ko maiwasang magisip. Una, nagalit ako kay Tim dahil akala ko nakipagpustahan siya pero hindi pala. Pangalawa, nagalit na naman ako sa kanya dahil akala ko hindi niya ako pinaglaban at pinagpalit lang kay Cass pero hindi na naman pala. At pangatlo, nagalit muli ako sa kanya dahil akala ko may relasyon sila ni Cass pero hindi na namang muli. Puro akala. Puro maling akala na nagdulot ng pait, galit at hinanakit sa puso ko at sa iba pang taong kasali.

Ngayong nalaman ko na naman ang totoo? Siyempre masaya ako.

"B-Billy?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin—si Tim. He's finally awake. "Gising ka na pala."

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Billy, I'm so happy to see you here. Makinig ka, ieexplain—"

"You don't have to. Alam ko na ang lahat. Mula sa mga nangyari six years ago until dun sa condo unit mo."

"Paano?"

"Cass explained to me everything. Ahm.. Tim, I'm sorry.. I'm sorry kasi mula pala noon, hindi kita pinagkatiwalaan.. mula noon nagkalayo tayo dahil sa mali kong akala.."

"Billy, wala sa akin yun.. mahal kita at yun lang ang alam ko. Ang gusto ko lang magkaayos tayo. Maging isang masayang pamilya."

"Sabi nga pala ng doctor, pwede ka ng lumabas ngayon ng ospital." pagiiba ko ng usapan namin.

"Really? Good. Billy.. tayo? Paano na tayo?"

"Tomorrow at my restaurant. Be there at 3pm.."

---

kinabukasan..

Hindi ko pa sinabi kay Tim ang desisyon ko kahapon nung nasa ospital kami dahil gusto kong pagisipan ng mabuti ang naging desisyon ko.

Nalaman ko man ang lahat, andito pa din sa puso ko yung sakit at pait ng mga nakaraan. Pagod na ako. Pagod na akong magmahal at paulit ulit na saktan.

May mga bagay na kahit mahal niyo ang isa't isa kailangan niyong maghiwalay..

May mga bagay naman na kahit hindi mo mahal, unti unti mong minamahal dahil siya ang mas makakabuti para sayo..

May mga bagay na pinili mo dahil deserving..

May mga bagay na kahit paulit ulit kang nasaktan, sa huli siya at siya pa din..

"Hi!" sabi niya.

Ngumiti siya sa akin kaya in return, I smiled back.. A sweet smile..

Niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik.. Ang sarap.. Ang sarap sa pakiramdam.. Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko.

Magsarado man ang puso dahil sa sakit ng nakaraan..

Hindi malayong magbukas muli ito para magmahal..

---

TIM'S POV

Nandito na ako sa restaurant ni Billy para makipagkita sa kanya..

"Hi!" sabi ko.

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin pabalik..

Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik..

"Tim, you can have Bhei anytime you want. Hindi na kita pagbabawalan.. Isa pa, karapatan mo iyon. Karapatan din ni Bhei iyon. Pambawi ko na din sa ilang taon na hindi mo siya nakita. You know, kung nagtiwala lang sana ako noon sayo edi sana hindi kayo nagkahiwalay ni Bhei. But that was years ago right?"

I nodded. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

"Ang importante ay yung ngayon Tim.. Diba sabi ko sayo ngayon ko sasabihin ang desisyon ko tungkol sa relasyon natin?"

Once again, I nodded.

"We can be friends, Tim or even bestfriends.." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "I would admit, I still feel something for you but my heart's door for you is already close Tim. It can't be open anymore. Kahit na nalaman ko ang mga katotohanan, wala na eh. Nasaktan na ako. Hindi lang isa o dalawang beses pero tatlo. Oo, I was happy when I knew you fought for us pero.. wala na. Huli na ang lahat Tim. Etong puso ko.." Tapos tinuro niya pa yung parteng dibdib niya. "..etong puso ko pagod. Pagod nang mahalin ka. Hindi na kita kaya pang mahalin. This is the end of our love story Tim. Thank you for coming inside into my heart but now I am finally letting you go outside.. There's no more reason to stay here. Don't worry I really did loved you.."

Wala akong masabi. I was just silent. Hinihintay kong magprocess yung mga sinabi niya sa akin. She's letting me go? Ang sakit.. Ang sakit sakit.. Wala na.. Lahat ng pinangarap ko, wala na.. Si Billy.. wala na.. wala na..

"Hi!"

Napalingon ako sa bagong boses na narinig ko.

Nginitian niya si Billy at binigyan naman siya ng sweet na smile ni Billy..

At niyakap siya ni Billy.. Niyakap niya din ito.. Maaliwas ang mukha ni Billy habang yakap yakap siya..

"Billy, wag mo naman akong yakapin ng ganyan kinikilig ako eh.."

Pabiro siyang hinampas ni Billy sa braso. "Ayaw mo pa? Ikaw na nga tong niyayakap eh."

Ako? Nakikinig lang sa paguusap nilang dalawa..

Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Billy. At kitang kita ko naman sa mukha ni Billy kung gaano siya kasaya.. Kung gaano kagaan ang pakiramdam niya..

Mahal kita Billy at kung sa kanya ka sasaya ng lubusan, hahayaan kita kahit masakit.. kahit parang isang libong sakit yung nandito sa puso ko..

"I love you, Billy. Ito yung pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi ko akalain na hahantong tayo sa ganito. I love you so much. I would make things better even if it's good." sabi niya kay Billy.

"I know, I know Alex.. Thank you for loving me. Hindi man kita mahal ng lubusan pero salamat at tinanggap mo pa din ako.. Dito sa puso ko Alex, espesyal ka.. at wala ng mas hihigit pa dun.." sabi ni Billy.

Ngumiti ako at tumalikod saka isa isang pumatak ang mga luha ko.. kailangan kong tanggapin na yung taong mahal ko, iba ang magpapasaya.. na yong taong mahal ko, nagbago na..

But still..

I DIDN'T REGRET THAT I FELL INLOVE WITH A TOMBOY..

-END-

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon