IFIWAT 1: CHAPTER 19 - Cheeks

4.2K 47 2
                                    

CHAPTER 19

BILLY'S POV

Kakatapos lang kumanta ng T-JAIL pero eto pa din ako nakanganga't tulala. All through out ng pagkanta ni Tim sa akin lang siya nakatingin. At kung naging kandila ako, paniguradong tunaw na ako.

Bawat pagbigkas niya ng mga lyrics ng kanta, tagos sa puso. Yung mga mata ko parang nakamacro, sa kanya lang nakagfocus. Lahat ng taong naghihiyawan, mga kabandmate ni Tim at maging si Presie parang biglang naglaho na parang bula. Yung kaming dalawa lang ang tao ni Tim sa loob ng bar. Akala ko sa panaginip lang nangyayari ang mga ito.

"Ayos ba pagtugtog namin?" tanong ni Isaac.

Tumango lang ako. Hindi ko man lang namalayan a dumating na pala sila dahil sa sobrang pagkatulala ko.

"Brad, para kanino ba yung kanta na yun? Fuck. Nagulat kami sa sinabi mo!" tanong ni Alden.

"Baka para kay Billy? Haha. Diba naging kayo?" tanong ni Jhonny.

O.O

Patay. Tinignan ko si Tim para humingi ng tulong pero ang lokong lalaki pashot shot lang? Pucha. Palibhasa gusto niya malaman ng lahat na kami talaga.

Eto na naman ako, si deny! "Tanginamo Jhonny! Makakatikim ka na sa akin!" sabi ko.

"Ako na lang Billy! Gusto ko makatikim sayo! Haha." biro na naman ni Isaac.

O__O

What the hell itong si Isaac! Ano ba-

"FUCK YOU LEE! DO YOU REALLY WANNA DIE HUH?"

O.O

Mukhang di ko na kelangan pang sabihin kung sino yun dahil alam niyo naman ang ganyan kaharsh kapag nagalit. Walang iba kundi si Tim!

Hindi ko alam irereact ko. Kanina pa siya ganyan kay Isaac tuwing niloloko ako. Eto naman kasing si Isaac pahamak. Pano yan? Tangina pagnakahalata talaga sila ipapatikim ko kung ano ang ibig sabihin ng bugbog dito kay Isaac.

"Chill!" for the first time nagsalita din si Leandro kahit one word lang.

"Parang ang init ng ulo mo ngayon brad?" tanong ni Jhonny.

Tumingin sa akin si Tim. Pinanlakihan ko siya ng mata senyales na wag siyang magkakamali na magsalita tungkol sa relasyon namin at jombag talaga siya!

Bumuntong hininga na lang siya. "Wala mga brad. Bad mood lang talaga ako at si Isaac ang napagbuntungan ko."

"Haha. Akala ko pa naman nagseselos ka kay Isaac!" asar ni Jhonny.

O.O

"Punyeta kang Jhonny ka. Kutos ka na sa akin!"

"We? Kung talagang wala kayong relasyon kiss mo nga sa cheeks si Isaac?" dagdag ni Jhonny.

O.O

Puta! Anong sabi niya? Kiss ko daw si Isaac?

Sa pagkakataong ito, ako naman ngayon ang tumingin kay Tim. Kaso sa iba siya nakatingin, kay Jhonny. At yung tingin na binigay niya, parang papatay! Tangina. Anong gagawin ko? Pag hindi ko ginawa yun, iisipin talaga nilang may relasyon kami at pano na ang contest? Ang karinderya?

Tama. Sa cheeks lang naman kaya wala lang yon diba? Pero pano si Tim? Mahal niya ako at may tiwala siya sa akin. Alam kong maiintindihan niya ako.

"Sis, wag na wag mong gagawin yun." pigil sa akin ni Presie. Kabisado na kasi ako niyan. Alam niya kung paano ako magdesisyon.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon