IFIWAT 1: CHAPTER 18 - Forevermore

4.5K 54 6
                                    

CHAPTER 18

BILLY'S POV

Time has passed so fast. May anak na kami ni Tim. Mga isang dosena lang naman.

Joke!

Tangines. Ayaw ko pa no! Hindi pa nga ako nananalo sa Mr. Gandang Tomboy eh.

In less than one month, magaganap na ang contest. Mabilis lang talaga ang panahon. At ang dami na ding nangyari. Nakapag pasex change na nga si Presie eh.

Chos. Joke ulit.

Pero madami na ngang nangyari sa mga nakaraang araw. Natapos na namin ang practice sa contest pati yung talent portion namin ni Tim. Clean up na lang ang kelangan para sa contest kaya every other day na lang ang practice. Tuwing tumutulong naman ako sa karinderya, nandun si Tim para tumulong. Ginagawa niya yun para magkasama kami parati. Sobrang pasasalamat nga ni mama at naging magkaibigan daw kami. Hay, kung alam niya lang.

Naging kaibigan na din namin ni Presie ang iba pang miyembro ng T-JAIL sina Jhonny, Alden, Isaac at Leandro. Mabait naman pala sila at sobrang kukulit! Lagi silang nagkakagulo nila Presie. Haha. Lagi ka talagang matatawa sa kanila. Pero hindi pa din nila alam na kami na talaga ni Tim.

Kami naman ni Tim kahit patago ang relasyon, nararaos pa din. Haha. Nararaos talaga? Pag may practice, naggagala kami. Pag wala naman, sa karinderya kami pero minsan nagdedate kami. Hihi. Tapos pag may gig ang T-JAIL sumasama kami ni bakla. At si Tim? Kung sobra sobra ang kasweetan, tumriple pa ngayon.

May cellphone na din pala ako. Binili ako ni Tim. Samsung S4. Kabog diba? Pagtinatanong ako nila mama kung saan daw galing yun, sinasabi ko na pinahiram lang sa akin ni Tim. Ayoko sanang tanggapin pero magtatampo daw siya pag hindi ko tinanggap. Wala na akong nagawa. Kesa naman magtampo siya diba?

kriiiiiinnnnnnggggg!

May tumutunog. Ano kaya yun? May sunog ba? Pulis? O wang wang lang talaga? At bakit may nanginginig sa bulsa ko? Kinikilig ba ako?

"Sis, tutunganga ka na lang jan?" tanong ni Presie.

Paki niya ba? "So?"

"Yung cp mo tumutunog. May tumatawag! Shunga!"

O.O

Akin pala yun? "Bawal magsorry? Shutang inerns. Nakalimutan kong may cellphone na pala ako."

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Eto pala yung nagbavibrate kanina? Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

♥TIM MY LOVES♥ calling..

"Tim my loves?"

[ "Bakit ang tagal mo sagutin yung tawag ko?" ]

Hehe. "Hindi ko naman alam na cellphone ko yung nagriring eh. Bakit napatawag ka?"

"Prepare ka na Billy my loves."

"Bakit?"

"May gig kami ngayon. Sama ka ha. Sunduin kita mga 7pm. I love you. Bye na, Billy my loves.. may practice pa kami eh para mamaya. Miss na kita."

^_^

Makikita ko na naman siyang kumakanta. Yes! "Sure Tim my loves.. I love you. Mas miss kaya kita!"

"I love you too. Baba mo na po."

"Ikaw muna."

"No. You first!" sabi niya. Ayaw talaga patalo

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon