IFIWAT 1: CHAPTER 5 - T-JAIL

6.1K 73 3
                                    

CHAPTER 5

BILLY'S POV

Yaa! Badtrip! Ampupu. Masasayang ba lahat ng pagpapanggap ko? Ginawa ko nga to para makasali sa Pageant ng mga tomboy sa june. Mas naging eager tuloy ako sumali dahil sa tumataginting na 50 000 php para sa mananalo pero mukhang magiging bula lahat.

"Anak, andito na kami." tawag sakin ni mama.

Dali dali akong lumabas ng kwarto para puntahan sila sa sala. Nagmano ako kay papa at mama.

"Buti napaaga po uwi nyo ngayon." sabi ko.

Galing karinderya si mama, hindi ko na nga sya nabalikan kanina dahil nabadtrip ako sa nabasa ko. Nagdahilan na lang akong masakit ang tyan. Si Presie na lang ang pinatulong ko kay mama.

"Mabuti nga't maaga naubos ang mga ulam. Sakto namang sinundo na din ako ng tatay mo para umuwi. Namimiss na agad ako, hindi lang kami nagkasabay kumain ng tanghali."

"Aysus, eto talagang nanay mo pakipot pa. Nagtext naman sakin na bilisan ko sa pagsundo dahil gusto na nya ako kasama. Hahaha"

Napangiti ako. Hindi man ako swerte sa buhay pagibig atleast nabigyan ako ng masayang pamilya. Mga magulang na kahit matagal ng nagsasama hanggang ngayon kita mo pa rin ang pagmamahalan sa isat isa.

"Ay, anak. Tignan mo ito. Pwede kang sumali dito." sabi ni papa. May binigay syang flyer sakin.

>____<

Mr. Gandang Tomboy 2014 with T-JAIL!

The winner will take home 50 000

Only 5 contestants will be able to join the contest.

Registration for audition starts on April 17, 2013 until April 18, 2013.

Requirements:

Must be MagandangTomboy (18-25 yrs old)

Resident of Brgy. Sumulpot

Ganyang ganyan yung nakalagay sa bulletin. Pwedeng pwede naman akong sumali katulad ng sabi ni papa.

Magandang tomboy ✔

Maganda naman talaga ako no! Sabi ni mama eh. Haha char. Marami talagang nagsasabi. Yung iba nga nanghihinayang dahil naging tomboy daw ako. Hahaha well, no comment ako.

Resident of Brgy. Sumulpot ✔

Infact, 18 years na akong nakatira dito no! Angal pa? Kutos na talaga!

"Sayang din naman ito anak. Ikaw kaya ang pinakagwapong tomboy dito sa barangay natin."

Sasali ba ko?

Hanla. "Ah.. eh.. pa.. ano po.."

Waa. Nagdadalawang isip ako. Wala namang problema sa pagsali kung simpleng beauty pageant lang yan ng mga tomboy. Ang kaso may twist ang pesteng contest! Twist din sa buhay ko!

Tomboy may partner na lalaki? What the. At ang T-JAIL pa talaga. Yan yung banda nila Tim. Nananadya ba ang tadhana?

T-JAIL stands for

TIM

JHONNY

ALDEN

ISAAC

LEANDRO

How could I join that contest if Tim could be my partner? Darn.

"Sasali ka ba anak?"

Pag sumali ako, para ko na ring nilagay yung katahimikan ko sa araw araw na gulo. Pag hindi naman ako sumali, sayang effort ko sa pagpapanggap. Pero ayos na rin atleast napatunayan ko kay Tim na tomboy ako at hindi sya nagtagumpay sa pustahan.

Paktay mukhang gusto ako pasalihin ni papa. Pero my answer is no. "Pa h--"

"Oh yes, padir! Sasali yang sis ko! Actually, eto na yung waiver nya oh. Nagparegister na kasi yan kanina padir." putol ni Presie na baklita sa sasabihin ko.

-__-

Kelangan lagi na lang sumusulpot yang si bakla? At ano tong pinagsasabi ni Presie na nagparegister na ako? At may waiver na talaga ha!

"Ganun ba anak? Mabuti yan para sayo." masayang sabi ni papa.

I smiled fakely. "O-opo pa. Sasabihin ko na nga po sana sainyo kanina kaso naunahan nyo po ako."

"Kelan ang audition mo anak?" tanong ni mama.

"Bukas na din po, madir!" masiglang sagot ni Presie.

O__O

What? Bukas na agad? Langyang Presie yan! Naturingang SK, nilaglag ang pinsan.

"Bukas na pala agad anak. Tara na sa hapag ng makakain na at makapagpahinga ka para bukas."

Naglakad na kami papuntang dining.

Pinanlakihan ko ng mata si Presie. "Peste kang baklita ka! Humanda ka sakin mamaya!"

"Anong sabi mo sis? Peste ako?" nangaasar na sabi ni Presie. Nilakasan nya pa talaga para marinig nila mama.

"Ano yang peste peste na yan?" tanong ni papa.

O.O

"Wala po pa. Ang sabi ko dito kay Presie gusto ko ng pasta. Pasta po hindi peste. Hindi po kasi marunong maglinis ng tenga yang si Presie kaya bingi!"

"Hayaan mo bukas na bukas, paglulutuan kita ng carbonara. Icelebrate natin yang pagsali mo." suhestisyon ni mama.

"Ma naman! Audition pa lang po yun. Hindi pa sigurado kung makakapasok ako."

"Aba sigurado naman na tayo jan, anak!" nagthumbs up pa si papa.

-____-

Pagtapos namin kumain dumiretso na ko sa kwarto at naglinis ng katawan. Paglabas ko ng cr..

=__=

"Anong ginagawa mo ditong bakla ka?"

Humiga si Presie sa kama ko. "Edi paguusan natin yung contest!"

"I'm not joining. Bading!"

"Pero nasabi na natin kela papa."

It's okay. "Maiintindihan nila pag ayaw ko!"

Pinapatuyo ko na yung buhok gamit yung twalya.

"How about the 50 thousand aber?"

"Pera lang yan!"

"How about the karinderya of our mother?" sabay taas baba ng kilay.

Hala, nakalimutan ko yun ah!

Tinadyakan ko sya. "Tabi jan, matutulog na ko para sa audtion bukas!"

●●●

A/N: Hindi po muna ako magaupdate sa STILL A HAPPY ENDING. Sorry guys! But don't worry nagupdate po ako ngayon sa KARA MARIE and maya maya po pag SINIPAG ako, magaupdate po ako ulit ako sa Kara Marie. Thank you!

This chapter is dedicated to my cousin. Iyah! Thank you for reading my stories.

- iam072812

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon