IFIWAT 1: CHAPTER 6 - Audition

5.9K 73 5
                                    

CHAPTER 6

PRESIE'S POV

Aketch is bright talaga. Reaksyon pa lang ni Billy nung nakita nya yung bulletin about dun sa contest, alam na alam ko ng hindi sasali yun. At dahil ako ang kanyang fairy godmother, ako na ang nagregister sa kanya.

Ngayon nga yung audition nya. Hindi na ako magugulat dahil nakapasa sya. Very talented talaga yang sis ko. Love na love ko yan. Akala nyo ba brutal yan sa akin? Medyo. Ganyan lang yan pero love ako nyan.

Lampang bakla kasi ako dati at sya ang nagtatanggol sa akin. Matagal na kasing natsugi ang parents ko kaya sa kanila na ako tumira. Mababait naman sila. Tinuring nila ako as one of their family. Pero gusto kong makatulong sa kanila kaya nag SK ako dahil may allowance yun. 5 000 kada bwan. Medyo busy lang maging SK pero may time pa rin akong tumulong sa karinderya ni madir lalo na't bakasyon ngayon.

"Lahat ng nakapasa for audition, maiwan dahil magbubunutan kayo kung sino ang magiging partner nyo among T-JAIL." sabi ng coordinator.

At dahil SK ako, isa ako sa mga assistant. Nagvolunteer talaga ako na maassign as assistant coordinator for my sis! I'll play cupid.

Kinuha ko na yung bunutan. Syempre dinaya ko na yun. Una kasing bubunot yung apat na kalaban ni Billy, kaya ang ginawa ko hindi ko nilagay yung name ni Tim sa bunutan. Nung turn na niya, pasimple kong nilagay yung tinago kong papel which is yung name ni Tim.

"Sabay sabay ng buksan." sabi ulit ng coordinator.

"Si Isaac partner ko." sabi nung contestant number one.

Binuksan nung pangalawa yung kanya. "Alden."

"Mine is Leonardo." walang ganang sabi nung pangatlo.

"Jhonny, yung sakin." sabi nung contestant number 4.

"So, it means si Tim sakin?" gulat na gulat na sabi ni Billy.

I smiled at her. Natatawa kasi ako kaso kelangan kong pigilan.

"See it for yourself. Hindi mo pa nga nabubuksan." nangaasar pang sabi ko.

"Sana lang magkamilagro no?" sagot nya.

Binuksan nya at nilukot tapos pinandilatan nya ko ng mata.

"Come back tomorrow for meet up with your partner." sabi ng coordinator then umalis na.

"Okay, good luck for tomorrow. Maari na kayong magsiuwi." paalam ko sa mga candidates. Syempre nagpaiwan ako pati si Billy.

"Baklita! Umamin kang sinadya mo yun no? Takte naman Presieng bakla kong pinsan, ano bang nasa kukote mo?" inis na inis na sabi nya.

I walked towards the door. "It's either you quit or no. But remember the 50k!" then I open it. Pabalabag kong sinira yung pinto.

"BAKLLAAAAAAAAAAA!!"

---

BILLY'S POV

tok.. tok..

"Pwede wait? Nagbibihis pa diba?" sabi ko sa kung sino mang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Nagaayos kasi ako dahil ngayon ang meet up naming mga natanggap sa audition. Di ko nga malaman kung alin bang susuotin ko! Etong blue or red? Ano kayang pants ko? Straight cut na black with white lining or khaki pants?

tok.. tok..

Ano ba yan! Istorbo talaga. Bahala man sya kung sino sya. Sigurado naman akong si Presie yan eh.

Sukat.

Hubad.

Sukat.

Hubad.

Hindi ko talaga alam!

tok.. tok..

Lumakad na ako sa pinto. "Pucha naman oh! Di makapagantay? Tong baklita na to!"

Binuksan ko yung pinto..

O__O

"MA?"

Pumasok sya sa loob ng kwarto ko.

"Ba't ang daming mga nagkalat na damit, anak? Di ka pa ba aalis at baka mahuli ka sa meet up nyo. Wag ka na magpaganda masyado para kay Tim, anak. Dahil pogi ka na."

O__O

Damn!

"Si mama talaga. Eh bakit po andito ka pa ma? Di ka pa pupunta ng karinderya?" pagiiba ko ng usapan.

"Masakit ang likod ko anak eh. Bukas na lang siguro uli ako magbubukas. Kung satin lang sana ang pwesto, maaari tayong maghanap ng makakatulong kahit bayaran pa natin."

Kawawa naman ang mama ko.

T.T

Kaya dapat akong magpursigi para mabili namin ang pwesto ng karinderya ni mama. Kelangan kong galingan.

Tumayo na sya at lumakad palabas pero sumilip muna sya sakin.

"Anak, bakit parang masyado mong pinaghahandaan ang meet up? Para ba kay Tim?"

O//O

"MAAA!"

Lumabas na sya habang tawa ng tawa.

Si mama mapangasar alam naman nyang tomboy na ako eh. Tibo na ako. Babae ang hanap pero tukso pa din ng tukso sa kumag na Tim na yun. Hindi nya din naman kasi alam kung bakit kami naghiwalay ni Tim. Basta ang alam nya, ayaw ko na.

Teka, ano nga ba susuotin ko?

Arrgh!

Bat ko nga ba kasi masyadong pinagpapansin yung suot ko?

Aww.

Badtrip!

●●●

A/N: Dedicated ulit sa cousin ko. Hahah. Dumadami votes dahil sa kanya! Di muna ulit ako mag aupdate sa STILL A HAPPY ENDING. Pati sa KARA MARIE. Sorry I'm kinda busy po ehhhhhh.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon