IFIWAT 1: CHAPTER 4 - Good news

6.2K 83 4
                                    

CHAPTER 4

BILLY'S POV

Ilang araw na din ang nakalipas mula ng maengkwentro ko yung mga mukhang baklang mean girls na pilit yung boobs at lakad bibe para magkapwet.

Whoo! Hiningal ako dun ah!

"Anak, pwede bang ikaw na muna ang magdaan ng pagkain ng tatay mo sa paradahan sa may munisipyo?" utos sa akin ni mama.

Ha? Ayoko ngang dumadaan dun sa munisipyo dahil madalas dun nakatambay sila Tim kasama ng mga kabanda nya. Oo, nagbabanda yan. Sya yung vocalist. Kasama din sila Jhonny at Isaac.

Halos katabi lang kasi ng munisipyo yung pinagpapraktisan ng banda nila. Baka magkita pa kami no? Mahirap na baka mahampas ko pa sa kanya yung poste.

"Ma, pasensya na po. Alam nyo naman pong ayokong dumadaan dun."

"Dahil ba kay Tim, anak? Akala ko ba wala na sayo yun kasi tomboy ka na?"

Putcha naman oh! Muntik ko ng makalimutan, tomboy nga pala ako!

Ngumiti ako at kinuha yung mga pagkain na inihanda ni mama para kay papa. "Sabi ko nga ma eh. Baka lang kasi po makita ko pa yung mga mean girls dun at makasubsob lang ako ng mga mukhang bakla sa kanal. Mahirap na ma. Hehe." palusot ko.

"Iwasan mo na lang sila anak. Si Presie kasi pumunta ng barangay dahil may urgent meeting daw silang mga SK kaya hindi ko mautusan. Ang tatay mo naman ayaw kumain dito sa karinderya at sayang daw kasi madaming mga pasahero ngayon."

Kaya pala ang agang umalis ni bakla. Akala ko umaura na naman at matatadyakan ko talaga sa puson yun. Ay, wala palang puson yun! Hehehe.

Andito kasi kami ni mama sa karinderya. Usually, kaming dalawa ni Presie ang katulong ni mama dito kaso may lakad nga si baklita.

"Okay lang ma. Alis na po ako. Babalik din po ako agad para may katulong kayo dito."

---

Pabalik na ako ng karinderya. Nilalakad lang talaga namin. Malapit lang naman din, mga sampung kalsada yung layo.

=___=

Sinasabi ko na nga ba eh.

Pagminamalas ka nga naman oh! Makakasalubong mo pa talaga tong mga mukhang baklang mean girls na pilit yung boob at lakad bibe para magkapwet. Peste, hingal na naman ako!

"Look who's here." sabi ni Mitch.

I just snob them. Snobber ako eh bakit ba?

"Hoy t-boom, akala mo ba tapos na yung ginawa mo samin nung nakaraan?" sabi ni Filthy.

"Oo tapos na, dugyot nyo pa nga nun diba? Gusto nyo maulit?" banta ko sa kanila.

"How dare you!" sabi ni Mindy.

"Ah, so gusto nyo nga?" nagunat unat ako kunwari at kunwaring bubuhatin yung poste sa gilid ko. "Eh kung ihampas ko to sa pagmumukha nyong mukhang bakla? Ano bet nyo?"

Nagtakbuhan ang mga gaga! Ang shunga lang. So tingin talaga nila kaya kong buhatin yung poste?

"HAHAHAHA!"

-_____-

Sya na naman? Really? Kelangan lagi na lang sya susulpot? Sino pa ba? Edi si Tim.

"Grabe, natawa ako dun!" sabi nya.

Psh.

I just walk away. Like what I usually do.

O__O

He held my arm. Putragis! Para kong nakokuryente! I immediately pull off my arm.

"Pwede wag mo akong iwasan kahit ngayon lang?" tanong nya sakin with low voice.

I looked at him. He looked so serious. Seriously? Kanina lang tawa sya ng tawa tapos biglang seryoso? Kunsabagay, bakit pa ba ako nagtataka eh magaling na artista yan!

>__<

Naalala ko na naman tuloy yung mga pangloloko nya sakin. Naku, nagiinit na naman ang ulo ko. Hays!

I walk away once again.

"Not that fast, Billy my loves!" and he held my arm once again too.

>___<

Nagpanting yung tenga ko sa pagtawag nya sa akin!

Marahas kong binawi yung braso ko. "Pwede din ba iwasan mo ko kahit ngayon lang?"

As he looked at me, I saw pain in his eyes. Pero hindi. Hindi na ko pwedeng magpaloko pa. Noong nakita ko sa mga mata nya yung pagmamahal, niloko pa rin nya ko. Hindi malayong maloko nya ulit ako ngayon. Hindi na ako magpapadala sa mga pagacting nya!

"Sige. Kung yan yung gusto mo pero ngayon lang. Ngayon lang. Tandaan mo yan. Ingat sa pagpunta sa karinderya nyo."

I snob him. Sabi sainyo snobber ako eh! Pano nya pala nalaman na papunta akong karinderya? Ay, kunsabagay san pa ba ko pupunta?

Naglakad na ko pabalik.

"SIS!!"

"Ay kalabasang nilaga!" nagulat ako sa sumigaw eh. Pagtingin ko si Presie. Sino pa ba?

=__=

"Sis, nakita ko yon! Kawawa naman si Papa Tim! Bat mo naman ginanon?"

"Leche! Sa kanya naawa ka sa akin hindi? Eh kung pabulain ko yang bibig mo gamit asido?"

"Ouch sis, di mo na ba ako love?"

Napahawak ako sa sentido ko. "Pwede ba Presie! WAG NGAYON!"

Natakot naman si baklita. Buti naman!

"Sayang may good news pa naman ako sayo."

"Ano yun? Aber?" syempre nacurious ako eh.

Aba't! Kinindatan lang ako ng baklita at hinila pabalik ng munusipyo. Pagpasok namin doon, may pinabasa syang bulletin.

"ANOOOOOOO??"

●●●

( A/N: Hi guys! Vote and comment kung nagustuhan nyo po itong chapter kahit ang lamya! Hahaha. Kasabay po pala ng update nito yung STILL A HAPPY ENDING. Promote promote din ^_^ )

- iam072812

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon