IFIWAT 1: CHAPTER 26 - Slap

3.9K 42 0
                                    

CHAPTER 26

TIM'S POV

"WHAT!?" Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ng kinuha kong private investigator.

"Yes sir. She's Cass Fuentes. The one who plan to take a video of you and show it to the public."

She really must be crazy! "How can she do that?"

"Nagbayad siya ng tao para kuhanan kayo ng video at ipakita ito sa publiko."

She is so evil. I know why she's doing these things. Because of that bullshit arranged marriage. I have to talk to Billy. Kailangan kong masabi sa kanya ang mga ito. Kailangan ko na din masabi sa kanya ang tungkol sa arriange marriage.

Sumakay na ako ng kotse ko. Pinaandar ko ito ng mabilis. Pagdating ko sa bahay nila Billy. I saw my mom.

*PAAAAAAAAAAAAAKKKKKKK*

"MOM!"

She slapped Billy. Why?

---

BILLY'S POV

Nakakulong lang ako dito sa kwarto ko mula kagabi. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi sa contest. Pakiramdam ko isa akong salot. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang lahat. Nang dahil sa pagpapanggap ko, nangyayari lahat ito. Kumalat na kasi sa lugar namin na mukha daw akong pera dahil ito daw ang dahilan ng pangpapanggap ko.

tok.. tok.. tok..

Sino naman kaya ang pupunta dito sa bahay ng ganito kaaga? Imposible namang si mama at papa kasi nasa kanya kanyang trabaho na sila, kailangan daw nilang magtrabaho para sa pangaraw araw namin pero binilinan nila si Presie na bantayan ako. Kaya sino ang pupunta sa amin? Baka si Tim. Agad akong lumabas ng kwarto at dirediretsong pumunta sa sala para buksan ang pinto.

O__O

A woman. Who is she? She's beautiful at parang maykahawig siya. I cannot identify who. Maybe she's in her late 40's but still look good.

"H-hi. Sino po sila?" tanong ko. Medyo nakakailang siya, bukod sa taglay niyang pagiging elegante, halata mo na mayaman siya pero bakit parang nakakaintimidate ata yung tingin niya? Yung tipong minamata ako. Ganun.

Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip lumakad siya paloob ng bahay namin, mga tatlong hakbang saka huminto tapos pinasadahan ang buong bahay namin ng tingin. Yung tipong ineinspeksyon niya ang loob ng bahay.

"Kaya pala." komento niya.

Anong kaya pala? Teka sino ba talaga kasi ito? "Sorry po. Pero sino ho ba ka-"

"Hindi na ako magtataka kung bakit ka nagpanggap na tomboy for just a piece of money."

O.O

Hanla. "Ano po bang sinasabi niyo?"

"Bahay niyo ba to? Too small. Do you know that this is just our comfort room? How pathethic you are."

O__O

Sino ba ito? Wala siyang karapatang lait laitin ako o kahit na anong bagay na pagaari ko at ng pamilya ko. "Excuse miss pero hindi ko ho kayo kilala."

"You don't know me? Ako lang naman ang ina ng lalaking nilalandi mo."

"ANO?"

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon