IFIWAT 1: CHAPTER 17 - Tagaytay's Extreme

4.7K 56 2
                                    

CHAPTER 17

BILLY'S POV

Nasa loob pa din kami ng kotse ni Tim na nakaparada sa harap ng bahay namin. Hinatid niya ako pauwi galing sa practice kanina. Medyo late na din kasi.

Sumandal ako. "Nakakapagod no? Kahit puro rampa lang ginawa natin."

"Yeah. Nakakapagod nga tapos kinotongan mo pa ako at sinipa." nagdadramang sabi ni Tim.

Nagpapalambing yan. "Aysus! Sorry na Tim my loves. Ikaw naman kasi eh, lumapit lapit ka pa sa akin. Baka lang kasi makahalata sila."

"Yun na yun?"

Ano daw?! "Ha?! Anong yun na yun?"

"Tss. Wala man lang kiss?"

=_=

Sinasabi ko na nga ba eh. Kiss ang gusto. "Grabe lang ha? Kahapon lang tayo nagkabalikan pero nakakadami ka na."

"Binabawi ko lang yung ilang buwan na nagkahiwalay tayo." sabi niya.

Tinampal ko siya ng pabiro. "Sabihin mo, gusto mo lang ng kis asdfghjkl-"

O//O

Bigla akong sinunggaban ni Tim ng halik. Wala na akong nagawa kundi ang tugunin ang halik niya. Habang tumatagal, mas lumalalim. Napakapit ako bigla sa likod ng leeg niya. Ewan ko ba pero kusang kumilos ang mga kamay ko.

"OH MY GAAAAAD! BAKIT NIYO AKO INIINGGIT?!"

O.O

"PREEEEEEEESSIIEEEEEEE! GAGA KA TALAGANG BAKLA KA!"

---

TIM'S POV

Nagmamaneho na ako pauwi. Kakahatid ko lang kay Billy. Grabe sobrang saya ng araw na ito. Bukas nga pala may lakad kami ni Billy. I asked her on a date. Wala din naman kaming practice bukas. I am going to bring her to a place where she would definitely love..

Kinabukasan..

Andito ako sa sala ng bahay nila. Siyempre sinundo ko siya. At dahil maaga pa masyado, naabutan ko pa ang mama't papa niya.

"Naku, Tim paki antay na lang jan si Billy. Huwag kang magalala nagising ko na yun at malamang nagbibihis na. Mauna na kami." sabi ni tita.

"Sige po, tita, tito. Thank you po."

"Naku iho, buti na lang talaga at nagkaayos kayo kahit bilang magkaibigan lang. Maging kami nagulat ng malaman naming tomboy na siya pero wala namang kaso sa amin yun."

Dahil sikreto nga ang tunay na kasarian ni Billy, hindi namin pinaalam sa mga magulang niya na kami na. We told them we're just friends.

"Iho, ingat sa pagmaneho." sabi ni tito.

"Opo. Ingat din po kayo." paalam ko sa kanila.

At umalis na sila. Maya maya lumabas na si Billy mula sa kwarto niya. She's wearing her favorite loose jeans and shirt. But damn. She is gaddamn beautiful.

Nakangiti niya akong binati. "Good morning, Tim my loves. Tara na?"

"I love you, Billy my loves. Let's go!" I said as I kissed her.

Haha. Nakaisa na naman ako!

---

BILLY'S POV

"Teka, saan ba tayo papunta? Ang layo naman ata." nagtataka kong tanong. Kanina pa kami bumabyahe eh. Almost two hours na. "Saan nga tayo pupunta?"

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon