IFIWAT 1: CHAPTER 40: Emergency

3.4K 32 8
                                    

CHAPTER 40:

BILLY'S POV

"KAYO NA NAMAN?????"

Hanggang dito ba naman sa bahay nakasunod tong mga to— si Alex at Tim? Takte naman!

Napahawak ako sa sintido ko. "GUSTO KONG MAPAGISA KAYA PWEDE BA MAG SIUWI NA MUNA KAYO?!"

"BILLY, SORRY PO!"

"BILLY, SORRY PO!"

Sabay na paghingi ng tawad nung dalawa habang nagchichay moves tapos nagbigayan ng masamang tingin sa isa't isa.

"Fuck! Bakit ba ginagaya mo ko?" asar na sabi ni Tim kay Alex.

"Ikaw kaya yung—"

Lumabas bigla ng bahay si mama at nagulat siya ng makita si Tim at Alex.

"May mga bisita pala kami. Tara pasok!" yaya ni mama sa dalawa.

Napasimangot tuloy ako. "Ma, sakit lang sa ulo yang dalawa na yan eh."

"Anak, ganyan talaga pag maganda. Tsaka ngayon ko lang nakita uli itong si Tim matapos ang mahabang panahon. Ito namang si Alex, hindi ko pa napapasalamatan sa mga pasalubong niya." sabi ni mama.

Wala na tuloy akong nagawa.

Pumasok na sila sa bahay at naupo sa sala set. Ako naman dumiretso ng kwarto at nagpalit ng damit.

Tinignan ko yung oras. 2:45pm na pala. Ako na lang ang susundo kay Bhei. Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong nagbabangayan na naman yung dalawa. Hay jusko!

"Tim, ako na lang ang susundo kay Bhei. Maiwan ko na muna kayo jan." sabi ko tutal gusto ko muna makapagpahinga sa anino ng dalawang iyon kahit saglit lang.

"Samahan na kita Billy!" sabi sa akin ni Alex.

=__=

Ano ba yan!

"Ahm, Billy ako na lang sasama sayo tutal ako naman dapat ang susundo kay Bhei diba?"

=__=

Isa pa to!

"Tss. Dun ka nga!" sabi ni Alex.

"Daddy ako ni Bhei kaya ako ang dapat sumundo sa kanya!" sabi naman ni Tim.

"Eh ano? Walang nagtatanong!"

"KUNG KAYO NA LANG KAYA SUMUNDO?!" sigaw ko na naman. "Hala sige, magsilabas na kayo at sunduin niyo na si Bhei! Chupi! Daliii!"

"PERO BILLY.."

"PERO BILLY.."

-__-

---

TIM'S POV

Andito ako ngayon sa condo ko. Kagagaling ko lang sa mall kung saan kami nagkita ni Billy para sunduin niya si Bhei sa akin. Pinasyal ko kasi sa park si Bhei tapos dumiretso kami ng mall para ipamili siya. Kumain kami sa Jollibey ika nga ni Bhei kaso hindi ko inaasahan na may makikita akong kasama ni Billy—si Alex.

"Hmm.. aalis daw sila bukas ng magkasama? Tsk. Tsk." pagkausap ko sa sarili ko. I have to do something.

kriiiiiiiiiiiiinnnnngggg!

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon