IFIWAT 1: CHAPTER 2 - Bitter

8.2K 91 20
                                    

CHAPTER 2

"Takte, Presie! Inlove, inlove nya mukha nya!" sabi ko sa pinsan ko.

"Bitter bitteran? Huy, wag kang shunga! Tomboy ka na ngayon. Marinig ka jan ng nanay mo, mayari ka pa na nagpapanggap ka lang!"

-_________-

At dahil madaldal tong bakla kong pinsan, naisiwalat na naman nya ang talambuhay ko. Sa pangalawang pagkakataon, tama na naman kayo ng dinig. Nagpapanggap lang ako na tomboy. Ang tanging nakakaalam lang nito ay si Presie.

Narinig ko kasing naguusap si mama at papa sa sala na gusto nilang magkaroon ng sariling pwesto ng karinderya si mama sa bayan. Mas malaki daw sana ang kikitain namin kung amin yung tindahan. Lugi kami sa renta. Lalo na sa panahon ngayon, wala na talagang mura.

Si papa naman may sariling tricycle at sya din ang tumatayong driver kaya mas malaki ang kita ni papa. Kaso hindi nya maibibili ang pwesto sa bayan dahil ang ipon nilang pera ay nakalaan sa pag aaral namin ni Presie sa susunod na pasukan.

Nagkataon naman na magkakaroon ng Beauty pageant ng mga tomboy dito sa lugar namin sa june. April pa lang pero alam ko na agad no? Kasi SK si Presie dito samin, kaya bakla man sya sa inyong paningin, wag nyo syang iismolin! At dahil hindi lang kami magpinsan kundi magbestfriend at parang magkapatid na rin, chinika nya lahat sa akin. Ang mananalo ay tatanggap ng 50 000! Ganyan kalaki! Kaya naingganyo ako sumali.

Kaso ako ay..

..girl!

Kaya napilitan akong magpanggap na tomboy para makatulong kanila mama. Hindi naman naging mahirap sa akin ang magpanggap since halos lahat ng taga dito sa amin, inaakalang tomboy ako.

Aminado akong boyish ako pero hindi ibig sabihin nun, ibang kasarian na ako. Ayoko lang talaga ng mga kolorete sa mukha at katawan. Gusto ko yung kumportable ako! Kung manamit ako, maluwag na t shirt. Hindi nga ko nagsasando kahit sa bahay! Hindi din ako nag iskinny jeans, just straight cut na pants. Mahaba din ang buhok ko pero hanggang balikat lang naman at lagi pang nakaponytail but since nagpanggap ako na tibo, nagpagupit na ko ng panglalaki. Pabor naman sakin kasi summer ngayon, mainit! Kilos lalaki din ako. Nakikipagbangasan ako pag binangasan ako. Matapang ako palibhasa nagtetaekwando ako. Not to mention black belter.

^____^

Yabang alert.

Pero sa kabila ng lahat, babae talaga ako. Hindi lang dahil matambok ang pempem ko, pero kasi pusong babae din ako. Lalaki ang gusto. Naiinis nga ko paginaasar akong tomboy pero ngayon kelangan ko tanggapin ang lahat dahil gusto ko to.

Ako nga pala si Bilen Lyn Tinamaan. Kung anong ganda ko, sya ding panget ng pangalan ko no? Billy for short. Lalo tuloy akong parang lalaki sa palayaw ko eh. Pero ayos lang, kesa naman Bilen! Sagwa! Second year college na ako sa pasukan, culinary course ko kaya malaki talaga ang tuition fee.

Napagpasyahan kong palabasin na tomboy ako para sa darating na pageant sa june. Kinuntsaba ko din si Presie para mas mapaniwala ang lahat. Maging si mama at papa hindi alam na nagpapanggap lang ako pero sabi nila tanggap nila ako kahit ano pa ang aking kasarian.

Hays. Nakakakonsensya tuloy pero para din naman sa kanila to.

"Balita ko Bils, napamanny pacquiao ikaw sa mga mean girls ah?" pangiisyoso sa akin ni Presie.

Umupo ako sa sofa. "Ewan ko ba sa mga shungang yun, tomboy na ko inis pa din!

"Eh kasi pretty ka sis! Ang gwapo mong tomboy tuloy! Naiinlove na ako sayo. Pakiss nga." sabi ni Presie sabay nguso sakin.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon