IFIWAT 1: CHAPTER 22 - Pool

4K 43 4
                                    

CHAPTER 22

BILLY'S POV

"Okay, guys! That's all for today. We will be having a practice tomorrow since one week left na lang at contest na. Goodbye." sabi ni Maam Beth at lumabas na ng studio.

Kanya kanya kaming upo dahil sa sobrang pagod. Bugbog na kasi kami sa practice ngayon dahil palapit na ng palapit yung contest.

Lumapit si Cass kay Tim. Wag na kayong magtaka dahil for the past days parang aso na yang si Tim tapos buntot niya si Cass. Tss.

"Tim water oh!" sabi ni Cass tapos may inabot siyang bottled water sabay punas ng pawis ni Tim. "See you are so pawis. Buti na lang andito me for you."

Wag na din kayong magtaka dahil sa mga nakalipas na araw, sobra ang paglandi niya kay Tim.

Kinuha ni Tim yung bottled water na bigay ni Cass tapos inabot sa akin. "Drink this Billy. I know you didn't bring your water."

Kinuha ko naman. Syempre bigay ni Tim yun eh and partly para inisin si Cass. "Thanks!" sabi ko kay Tim tapos nginitian ko ng mapangasar na ngiti si Cass.

Ang sama ng tingin sa akin ng loka! Asar! Haha. Hindi makapagtaray si Cass kasi andyan si Tim pero pagwala akala mo Leon na nakawala sa kulungan eh. Ayoko naman sabihin kay Tim hanggat hindi niya ako sinasaktan ng pisikal.

Mayroon pang natirang tubig kaya inabot ko kay Tim. "Tim oh." Tinanggap naman niya at ininom.

O__O itsura ni Cass.

"Why did you drink that Tim?" gulat na tanong ni Cass. "That's indirect kiss!"

"It's okay." sagot ni Tim.

Ano ka ngayon? Haha. Pakilamanners kasi! I have an idea.

"Tim, tirhan mo ko ha? Nauuhaw pa kasi ako eh." request ko tapos inirapan ko si Cass. Haha.

Inabot na sa akin ni Tim yung natirang tubig tapos ininom ko agad habang nakatingin kay Cass. Dinaladilaan ko pa yung bibig nung bote. Haha! Mamatay siya sa inis o kaya palaki muna siya ng boobs!

"Mga brad, mamaya sa bahay ah? Pool party." paalala sa amin ni Alden.

Oo nga pala, birthday niya ngayon. Ayos na sila Jhonny, Isaac at Tim. Naiintindihan naman daw nung magpinsan yung rason ni Tim kung bakit niya nagawa yun. Kaya ngayon happy na ang lahat. Ang resulta ending na. Chos.

---

At Alden Villaflor's residence..

Medyo kanina pa kami dito kanila Alden. Kumpleto kaming lahat kaso nadagdagan ng asungot. Si Cass. Kami kami lang bisita ni Alden kasi ayaw daw niya ng magulo, he wanted his party to be exclusive for his friends only.

Ang daming handa kaya puro food trip lang kami ni Presie habang sila Tim, umiinom. Nagkukwentuhan lang kami. By the way, nakaboard shorts lang pala ang mga boys kaya itong si Presie kanina pa busog ang mga mata..

"Hoy bakla, lahat na paglawayan mo pero wag lang si Tim ah? Kutos ka sakin." bulong ko.

"Oo na. Sa akin nasasabi mo yan pero yung flatty girl na

yun, hindi mo masita." sabi ni Presie. Ang tinutukoy niyang flatty girl ay si Cass. Kasi nga diba flat lahat. Alam mo yung papel? Iside view mo, ganun yung katawan niya. Walang kahit na anong umbok diba? Haha.

Tama nga naman si Presie, paano kanina pa himas ng himas sa braso ni Tim si Cass.

O//O

Biglang may sumandal sa balikat ko. Pagtingin ko si Tim. Mukhang hilo na eh. Ang dami na kasing nainom.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon