IFIWAT 2: CHAPTER 21 - News

201 4 1
                                    

Bilen Lyn Tinamaan [POV]

"Alam mo na?" pagkumpirma ni Tim.

Tinatanong niya kung alam ko na ba ang tungkol sa pagpostpone ng kasal naming dalawa. Hindi niya alam na dahil sa pagtanong niyang iyon, parang kinumpirma na rin niya sa akin na pumapayag siya sa gustong mangyari ni Getchen. Kahit papaano ay umaasa pa din ako na ipaglalaban ni Tim ang kasal namin at gagawa siya ng ibang paraan. Pero siguro nga, kailangan niya si Gretchen at wala na siyang iba pang magagawa.

"Oo at ayos lang sa akin. Tim my loves, alam ko namang makakapaghintay ang kasal natin. Ang importante sa akin mahal mo ko. Ang totoo nga niyan, nagulat ako si ginawa ni Gretchen. At hindi ko din inaakala na magpapapunta ka pa dito ng babae porke nag away lang tayo saglit."

Hinawakan niya ang mukha ko, "Ano ka ba? Hindi ko alam ang mga nangyari pagtapos kong himatayin but one thing I'm sure of. Hindi kami nag uusap ni Gretchen 'cause she was never here in the first place."

Napakunot-noo ako, "Pero 'yun 'yung sabi niya." Biglang may pumasok sa isip ko, "H-Hindi kaya..."

"Hindi kaya gumagawa siya ng kwento?" pagtapos niya sa sasabihin ko.

Tumango ako. Ayon din ang nasa isip ko.

Nagkibit-balikat siya, "Wala eh, gwapo talaga 'yung mister mo."

Hinampas ko nga siya sa balikat, "Nakuha mo pa talagang magbiro at teka, hindi pa kita mister. Diba postpone nga?"

"Ay shit! I forgot to tell you. I have a better plan."


Kagagaling ko lang sa wedding coordinator ng kasal namin. Hindi para i-postpone ang paghahanda ng kasal kundi para sabihing may mga babaguhin. Napagdesisyonan namin ni Tim na gawing simple at maliit na kasalanan lang ang magaganap. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang namin ang imbetado. Babaguhin din namin ang lugar kung saan kami ikakasal pati ang reception. Kaya pati ang bilang ng mga bisita ay nabago din. Nabawasan. At kung tutuusin ay maganda dahil makakamura kami.

Hehe.

Nagulat ako sa sinabing plano ni Tim. Hindi ko akalain na handa siyang gumawa ng ganong plano para sa aming dalawa at para sa kasal namin. Ang plano na naisip niya ay gawing pribado ang kasal at palihim. Ibig sabihin, papalabasin niya sa lahat na pumapayag siya na i-postpone ang kasal namin pero hindi nila alam, palihim kong aasikasuhin ang lahat. Maging ang mismong araw ng kasal namin ay hindi nila malalaman.

Oo, nung una ay dismayado ako na ako lang ang nag aasikaso ng lahat pero nabago na iyon. Wala akong paki kung mula sa maliliit hanggang sa malalaking detalye ng kasal namin ay ako ang mag aasikaso. Matuloy lang ito. Matuloy lang ang pinangarap namin. Mas makakabuti nga kung pribado ang lahat para iwas gulo sa mga gustong sumira tulad ni Gretchen.

Pauwi na ako sa bahay. Nadatnan ko doon si Tim kasama ang anak namin sa kwarto. Masaya silang nag uusap. Ayaw ko sanang istorbohin ang magandang usapan nila kaso anong oras na at kailangan ng matulog ni Bhei.

"Ehem, siguro ako ang pinag ussapan niyo kaya ang ganda ng mga ngiti niyo 'no?" biro ko.

Tumaas ang dalawang kamay ni Bhei ng makita, "Momdy!"

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Si Tim naman ay hinalikan ako sa noo.

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Hindi pa, kayo?"

Tumango siya. Nagbihis muna ako bago humiga sa tabi nilang dalawa. Napapagitnaan namin si Bhei.

"Mamaya na ako kakain pagtulog niya," nakangiti kong sabi kay Tim dahil halata sa mukha niyang pinagsasabihan niya ako.

Nagkukwentuhan kaming tatlo. At as usual, may mga tanong ang anak namin na ang hirap sagutin. Minsan hindi din pala nakakatuwa na matalino ang anak.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon