IFIWAT 1: CHAPTER 31 - Bhei

3.7K 47 12
                                    

CHAPTER 31

BILLY'S POV

After 6 years..

"Huhuhuhu! Momdy!"

"Why did you do that, baby Bhei?" tanong ko.

Binatukan ba naman niya yung kaklase niya. Ang war freak na bata!

"Because.. *sob* because... waaaaah!"

Iyak ng iyak. Ano bang nangyayari sa batang yan? Ambis tuloy na magalit ako sa ginawa niyang pananakit sa kaklase niya, naaawa ako dahil sa pagiyak niya.

"Maam, I'm sorry about that pero sa tingin ko may rason naman po kung bakit niya ginawa yun. Hayaan niyo ho at pagsasabihan ko sa bahay." sabi ko sa teacher niya.

"Sige po. Salamat. Mas mabuti po kung iuuwi niyo po muna si Bhei." sabi niya.

"Osige po, Maam."

Umuwi na kami at hanggang sa bahay, iyak lang ng iyak si Bhei. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napakaiyakin talaga niyan at mahirap patahanin.

"Shh. Baby Bhei, don't cry na, okay? Love ka ni Momdy diba? Kaya hindi na galit si Momdy sayo. Go on, tell me na why did you do that." pangaamo ko kay Bhei.

"Because.. *sob* ..James teased me that I don't have a mother. Uwaaaah!" umiiyak na sumbong niya sa akin.

Anong walang mommy? Haler, eto ako oh! "Bhei, ako mommy mo right? So, tahan na."

"Yeah, you're my mom but you look like a dad that's why."

-___-

So, that's it? Jusko naman oh. Hashtag niyo nga bataproblems!

"Bhei, galing ka kay momdy mo diba? Kaya mommy mo ako. Don't mind my looks."

"But momdy, they thought that you are my father."

Hay. Eh kasi hanggang ngayon hindi pa din ako nagbabago lalo na sa pananamit. I still wear loose shirt and jeans tapos cup. Yung haircut ko, maikli pa din.

Dumating bigla si Presie. "Naku naman sis, bakit pinapaiyak mo ang very pretty ko na pamangkin!" sabi niya saka niyakap at hinalikan sa pisngi si Bhei.

"Pano, pinapunta ako ng teacher niya kanina sa school kasi binatukan niya daw yung kaklase niyang lalaki." pagpapaliwanag ko. Hinarap ko si Bhei. "Baby, kahit na asarin ka ng kahit sino wag na wag kang mananakit. Bad yun. Hindi matutuwa si Papa Jesus sayo. Gusto mo ba nun?"

Umiling iling siya.

Kinalabit ako ni Presie. "Manang mana sayo yang anak mo."

"Che!" sabi ko sabay batok sa kanya. Haha.

"Kitam! Gawain mo kasi kaya ginagaya ka eh." Lumuhod si Presie para makapantay niya si Bhei saka kinausap. "Baby bhei, bakit mo naman binatukan yung kaklase mo? That's bad."

"Kasi po tita Presie, tinulak niya ako. Ang sabi kasi po ni momdy when someone tries to hurt us learn to defend ourselves!" katwiran ni Bhei.

-____-

Kasalanan ko pa pala ngayon? Matalino yang bata na yan at masunurin kaya lahat ng sinasabi ko sinusunod niya pero hindi ko alam na sobra naman pala ang pagsunod niya. Oo may ginawang masama sa kanya yung classmate niya pero sana nagsumbong na lang siya diba? Haler, babae kaya si Bhei tapos yung binatukan niya lalaki. Kamusta naman yun?

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon