Ang Ating Kalayaan

210 9 12
                                    

Kapag naririnig natin ang kalayaan,
Ang palagi nating naiisip ay kasaysayan.
Ngunit alam nga ba natin ang nakaraan?
Alam ba natin ang dating nagdaan?

Maaaring ang sagot mo ay oo o hindi
Ngunit ang sagot talaga ay: Unti
Bakit mismong tayong mga Pilipino,
Ay hindi natin kilala ang kapwa Pilipino?

Dahil ba sa edad, sa lugar o sa pangkabuhayan?
Dahil ba sa karanasan, sa kasarian o sa kalalagyan?
Maaari ang ilan dito ay ang kasagutan
Ngunit isa lang ang sagot na may katotohanan

At iyon ay: dahil hindi natin mahal ang isa't-isa,
Hindi natin pinagkakatiwalaan ang isa't-isa
Oo, hindi lahat ng Pilipino ay ganito
Ngunit mayroon pa rin natitirang ganito

Noon pa man ay ito na ang malaking problema ng Pilipinas,
Ang malubhang sakit ng isang bansa na wala pang lunas
Na kahit anong gawin ay hindi maiiwasan
Na kahit mayaman na bansa pa iyan

Ang pagkakaisa ay napakahalaga,
sapagkat ito ay napakahiwaga.
Ito ang dahilan ng pagkamit ng ating kalayaan
Sa kamay ng mga kalaban, sa kamay ng kasamaan

Kaya sa araw na ito, magkaisa at ipagdiwang natin
Ang pinaglaban at pinagkaisa ng mga bayani natin
Ang araw kung saan ang Pilipinas ay tunay na malaya,
Malaya na kung saan ang munting nadarama ay saya

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN MGA KABABAYAN! Sana naalala pa ninyo ang ating kalayaan dahil kung hindi.... BABATUKAN TALAGA KITA DI BIRO LANG :D IPAGDIWANG NATIN! SABAY-SABAY NATING PASALAMATAN ANG MGA BAYANI NATIN! MABUHAY ANG PILIPINAS!

((Dapat noon pa ito na-publish kaso po na-late ako hahaha. So... ito na po hehehe sori po sa wrong grammar 😅))

Ask or/and Dare the Master of Kalokohan! (Hetalia OC!Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon