Kabanata 4
"Sir Dy, Mr. Reagon is here."
"Let him in." sambit ni Sir habang nakatingin pa rin sa kanyang loptap.
Gumilid ako upang makapasok siya.
"You may come in, Sir." sambit ko nang makitang hindi pa rin siya gumagalaw.
Mataman niya akong pinagmasdan na para bang sinusuri.
Nakakailang.
Tumitig ako sa kanya dahil parang pamilyar siya.
Saan ko ba siya nakita? Sigurado akong nakita ko na siya, hindi lang malinaw sa aking alaala.
"Reagon," may halong pagbabanta sa tono ng boses ni Sir Dy. "Not my secretary."
Ngumisi si Sir Reagon, nananatiling nakatingin sa akin.
"Why not?" lumingon naman siya kay Sir Dy. "You know my type, Dy."
Umiling si Sir Dy at bumaling sa akin. "You may go to your office, Aina."
Yumuko ako bago umalis.
Bumalik ako sa aking opisina. 'Di talaga mawala sa isip ko si Sir Reagon, alam kong nakita ko na siya... Di ko lang talaga matandaan kung saan at kailan.
Tss, 'di bale na. Nagkasalubong lang siguro kami.
I started to work at hindi na inabala pa sila Sir Dy, tatawag naman iyon 'pag may kailangan.
"My god, Aina," Tili ni Danish habang papalapit sa lamesa kung nasaan ako. It's already break time, at t'wing break time ay dito kami sa cafeteria nagkikita kita.
Camille gave me my purse as they sit in front of me.
"So, where did you go with Sir Archer Reagon last night?"
"Reagon?" takang tanong ko.
"Yes, Reagon. Oh my god, don't tell me you didn't know who danced with you last night?" nanliliit ang mga mata ni Danish habang pinagmamasdan ako.
At muli, bumalik sa aking alaala ang nangyare kagabi, the gorgeous black hair, the equal eyebrows and deep and light brown eyes. At ang ilong na napakatangos at labing napakasarap kung humalik!
Oh. My. Gad!
Wala sa sariling natutop ko ang aking bibig nang may mapagtanto.
So si Sir Archer Reagon ang nakatalik ko kagabi?!
Shit!
This is really so embarrasing!
Now that I already know that it was him... How can I face him like nothing happened?
Ugh! I hate it!
"I-I didn't...know." I muttered out of nowhere.
Camille grimaced and Danish rolled her eyes.
"Of course you didn't." si Camille ang sumagot habang namimili ng oorderin. "Ang balita, e, kahapon lang daw umuwi si Sir Archer galing Canada for bussiness. Nang pumunta ka kase dito, two weeks nang umalis siya, kaya malamang na 'di mo siya kilala, and take note, kakikilala mo pa lang... You already tasted the yummy Archer." they both chuckled.
Tumindig ang balahibo ko sa huling sinabi ni Camille, sounds like they know what happened between us with that Sir Archer.
"Y-you...knew?" mahinang tanong ko, sapat lang para marinig nila.
"Of course, we saw you two kissing... On the daancefloor." tinignan ako ng dalawa habang may mapanuksong mga tingin.
Nag init ang pisnge ko at nag iwas ng tingin.
"K-kumain na nga lang tayo." sambit ko.
Nanliit naman ang mga mata ng dalawa. Napalunok naman ako.
Balisa ako habang kumakain, hindi ko sila matingnan ng maayos sa mga mata kahit puro tsismis lang ang pinag uusapan nila, hindi naman sa gusto kong itago sa kanila ang nangyare sa amin ni Sir Archer, sadyang 'di pa lang talaga kaya, siguro ay hahanap muna ako ng tamang tiyempo.
~°•°~
"S-Sir?" I muttered when I saw Sir Archer standing inside my office.
Humarap siya sa akin. "What took you so late?"
Napakurap kurap naman ako sa tanong niya. Hinihintay niya ba ako? Pero bakit? Alam niya bang ako ang katalik niya kagabi?!
Oh my gad!
He sighed. "Kanina pa kita hinihintay."
Oh my gad!
Nagsalubong ang mga kilay niya, maya maya pa ay nanliit ang mga mata niya. "Do you remember me?"
Nalaglag ang panga ko
Oh my gad!
Ngumisi siya at pumamulsa. "Well, I'm sorry, I forgot to tell you yesterday because of your pursuading body. " tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "I know you already know my name, but fine, I'm Archer Reagon, beautiful lady, C.E.O of the Reagon group of companies."
Oh. My. Gad!