Kabanata 19

6 0 1
                                    

I'm pregnant.

May dinadala ako.

'Yan lang ang pinaka tumatak sa isip ko. I'm spacing out. Hindi na pumapasok sa isipan ako ang iba pang sinabi ng Doctor, hinayaan kong si Archer na ang sumagot sa mga tanong o sinabi nya.

Wala ako sa sarili buong oras sa byahe, maging ang paghinto nya sa covenient store para bumili ng mga bilin ng doctor na dapat bilihin ay hindi ko namalayan.

"Honey," hinawakan nya ang kamay ko. 

Andito kami sa aming kwarto, hindi ko alam kung paano na ako nakarating dito nang hindi ko namamalayan. "Kanina ka pa tahimik, what's wrong?" 

Tumingin ako sa kanya. Concern and worry is all on his face now. I don't know why and for what?

"What's wrong?" I saw pain and afraid on his eyes, hindi ko alam kung guni guni ko nga lang ba iyon o hindi dahil agad din iyong nawala nang sya ay kumurap.

"I'm sorry," panimula ko. Nanginig ang mga labi ko at nangilid ang luha sa 'king mga mata. 

"S-sorry for what, Honey?" 

"H-hindi ako nag- ingat. I-I didn't noticed na hindi pala ako dinatnan last month. Sorry, it's my fault." I covered my face with my palm.

"W-what? No. Don't be sorry, Honey. It's a blessing. It's a blessing for us. Don't be sorry, in fact, we should be thankful." aniya habang pinupulupot ang mga braso sa akin. "Shhh" pagtahan nya.

"No, diba sabi mo noon, you'll not impregnate me? Wala sa agreement 'to!" sambit ko.

"Shh. I know, pero wala akong magagawa, be happy." aniya.

Hindi na ako umimik. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Yes, nasa tamang gulang na ako para dito, pero hindi ko naman inaasahan  na sa ganitong sitwasyon pa! 

Ngayon pa na nagdududa na ako kay Archer!

What should I do?

Umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig nya hanggang sa napagod na lang ako at nakatulog na.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, pero nang makita ko ang orasan sa tabi ng higaan ay nakita kong  six fourty five na ng hapon. Lumingon ako sa bintana, nakalaglag na ang kurtina ngunit kita ko sa labas na madilim na. 

Pagod akong tumayo ng kama at dumiretso sa banyo. Naligo ako at hinayaan na umagos ang tubig sa buo kong katawan. Wala ako sa sarili at tulala ako habang ang malamig na tubig ay umaagos pababa sa aking katawan.

Nag isip ako kung anong dapat kong gawin. Hayaan ko si Archer na akuin ang responsibilidad? O takasan ko na lang sya at akuin na lamang ang responsibilidad at palakihin mag-isa ang anak ko?

Huminga ako ng malalim at hinaplos ko ang aking tiyan.

I'm sorry anak, ilalayo kita sa ama mo. Sana mapatawad mo 'ko.

 Isang butil ng luha ang tumulo mula sa aking pisngi, kahit na nababasa ng tubig ang aking buong katawan ay ramdam ko na nangilid ng luha ang mga mata ko at umagos ito sa aking pisngi.

Matapos ang mahabang pag iisip sa banyo ay napagpasyahan ko nang lumabas at magbihis. Kailangan ko nang kumain, para sa anak ko.

I went downstairs, wala si Archer sa kwarto kaya siguro ay nandito sya sa sala. 

May narinig akong boses na nagsasalita sa baba, I walk slowly para makita ang kung sino mang nag- uusap.

And I saw Archer and his mom, talking seriously. Kahit wala akong ideya sa pinag- uusapan nila ay nakinig pa rin ako. Pissed is written all over his face, nakakunot ang kanyang noo at tila galit na galit sa kung sino. 

Owning Aina Colby Where stories live. Discover now