Kabanata 5
"Can you at least just say anything?"
"ha?"
Napa face palm siya. "Well, at least you talked."
Napanganga ako. Kanina pa kase siya nagsasalita at ako naman ay nakikinig lang, hindi naman ako makapag salita dahil sa gulat at hiya.
Gulat dahil sa ideyang alam niya na ako ang nakatalik niya kagabi at hiya dahil ni hindi ko siya nakilala agad.
Humakbang siya palapit sa akin kaya naman napaatras ako.
Humakbang pa siya nang humakbang at umatras naman ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko na ang malapad na pader sa aking likuran.
Inilapat niya ang kanyang dalawang palad sa pader upang ikulong ako. He moved closer. Ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga labi. At ang kanyang mga mata ay nakapako sa aking labi na ngayon ay nanginginig.
Napalunok ako at tinitigan ko rin ang kanyang mga labi. Bumalik sa alaala ko ang nagyari kagabi, ang lasa ng kanyang mga labi na napakatamis, at parang hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya na nakalapat sa aking labi.
Damn! I want to kiss him but I hold myself. Like what I said last night, I don't want to look like a hungry dog to his kisses, especially now na matino ako at hindi nakainom.
But hell! His lips are teasing me. I want to kiss him all the time!
What the hell?!
Napalunok na ako nang lumapit pa ang kanyang mukha sa akin. I can now smell his fresh at minty breath.
Mukhang alam ko na susunod na mangyayare.
Pumikit ako at hinayaan siyang halikan ako. Wala naman sigurong masama diba?
Masama ang tinatanggihan ang grasya, dapat winiwelcome iyon, with open arms.
At isa pa, mahirap tanggihan ang mga labi ni Sir Archer, masyado siyang yummy.
Lumipas ang ilang segundo at wala pa ring nangyayare, kaya iminulat ko na ang aking mga mata.
Nakita ko siya na nakangisi habang nakatitig sa akin. Mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan at isa iyong kahihiyan para sa akin.
"I want to kiss you," aniya.
Eh bakit 'di mo gawin?!
"But I want you to be punish," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Nananatiling malapit ang aming mga mukha. "because of leaving me in my place without telling me and without even telling me your name." napalunok naman ako sa lamig ng kanyang boses. His brown and beautiful eyes turned into a dark brown and it's so scary! "Be ready, baby. Because I will think first about your punishment, and you can't do anything about it." aniya at iniwan ako na laglag ang panga.
Hindi ako nakagalaw. Nanatili akong nakasandal sa pader habang nakanganga.
Nakakatakot sya! Ibang iba sa umungol at humalik sa akin kagabi!
"Aina, what time is my meeting with Lincoln?"
"Uh...mamayang 2:30 pa po, Sir."
"Okay, you can take your lunch now." ani Sir at inunahan na ako sa pag alis.
Lunch time na at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyare kanina.
Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
At parang kailangan ko ngang maghanda talaga para sa aking parusa.
Parusa...
Ano kaya ang ipaparusa sa akin ng isang Archer Reagon? Masarap kaya iyon? Masaya? Mahirap? O masakit?
Damn! Naeexcite ako!
What the hell? At kailan pa ako na- excite na maparusahan?! The last time I check, naiihi pa ako sa salawal t'wing pinagagalitan ako nina mommy... But that was my childhood times.
T'wing pinarurusahan ako ngayon o pinagagalitan ay umiiwas ako o kaya naman ay tahimik lang ako... Nakakahiya naman kase kung hanggang ngayon e, naiihi pa ako sa salawal, 'di ba?
"Earth to Aina!" napabalikwas ako nang sumigaw ang isang pamilyar na boses sa aking tabi.
"A-Ano?" utal na tanong ko. Nandito na pala ako sa restaurant na madalas naming kinakainan nina Camille.
"Ano bang problema? Kanina ka pa namin kinakausap dito, hindi ka naman nakikinig, umayos ka nga." ani Danish habang naka krus ang mga braso.
"uhh.." tumikhim ako. "N-napagod lang, puyat din kase ako, e."
Camille grimaced. "If I know, I heard that Mr. Archer Reagon come out at your office, Ms. Aina Clarisse Colby. Now, what we wanna know is... What you two did inside of the office?" mataman niya akong tinitigan habang ako'y napapalunok.
Napakurap kurap ako at nag iwas ng tingin. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanila. They are my friends and they are the only friends I have and and they are the only one I can trust.
So, I dont have any choice but to share them what's bothering inside me.
~°•°~
Vote and comments. For more update. Thankyy.