Kabanata 6
"OKAY, meeting adjourned." Sir Dy announced.
As usual, katatapos lang ng meeting with the stockholders. Ang iba ay nagsilabasan na at ang iba naman ay nakipagkamayan kay Sir Dy, congratulating his almost perfect presentation.
"Aina," Sir Dy called me after talking to the stockholders.
"Sir?"
"Send this to Reagon group of companies, privately." sambit niya habang iniaabot ang makapal na mga papeles.
Napalunok ako at tila natulos sa aking kinatatayuan sa narinig. Dalawang araw na itong hindi nagpapakita sa akin. At hindi naman ako nagrereklamo doon.
Ngunit ang marinig ang apelyido niya ay isang hindi makapaniwalang pangyayare, lalo na at pupuntahan ko pa ito sa sarili niyang opisina. Sobra talagang imposible.
Sus, just admit that you missed him. Anang maliit na boses sa aking utak. But so what if I missed him? I don't give a fuck. What the hell?! Did I just say that I missed that God-like handsome man?! What the fuck?! He's not handsome! Damn it!
"Aina," tumayo ako ng maayos nang marinig ang boses ni Sir Dy.
"Y-yes Sir?"
"Are you listening?"
"A-ahm... Ano po ulit?" alanganin kong tanong.
Huminga ng malalim si Sir.
"I said, you can use my car, because for sure, you didn't bring yours." napakagat ako sa aking labi. Marahil ay hindi na nakalimutan ni Sir noong time na nalasing ako at naiwan ko ang aking kotse sa bar dahil hinatid lang ako nina Camille.
"Okay, Sir. I will."
"And don't forget to call me if you already send it." I just nod at what Sir said.
Magaan ang mga paa ko nang magtungo sa elevator pababa sa basement.
Sumakay ako sa driver seat at inilagay ko ang mga papeles sa passenger seat and then I drove away.
——
Bumuga ako muli ng malakas na hangin at muling nag angat ng tingin sa gusali ng Reagon group of companies.
Mga limang minuto na ako dito sa loob ng kotse, bumubuga ng hangin
at muling titingala sa mataas na gusali. Sa gitna ay may nakasulat na 'Reagon, group of companies.'Pinagpapawisan ako ng malamig at nanlalamig din ang aking mga palad.
Ang isiping makakaharap ko siya ngayon matapos ang dalawang araw na hindi namin pagkikita o pag iiwasan ay nakakapanlamig.
Bakit ganito? Pakiramdam ko mapapahiya ako sa oras na humarap ako sa kanya.
Tumingin ako sa rearview mirror at tinignan ang sarili kung maayos ba.
Fuck this, ngayon lang ako nag ayos pagdating sa lalaki. Damn.
Huminga pa akong muli at saka lakas loob na lumabas sa kotse at pinasok ang gusali.
I stop at the front desk to ask.
I saw a beautiful woman standing in the front desk. Tall girl, she has a long and brown wavy hair, medyo mahaba ang pilik mata, pero mas mahaba ang akin. She also has a simple blush on and a super red lips.
"Excuse me, where is the office of Archer Reagon?"
The beautiful lady faced me."Uh.. Kayo po ba si Miss Aina Colby?"
Nagsalubong ang kilay ko. "Yeah, I am."
I saw her grimaced after checking me from head to toe. "Uhm, 18th floor po ang office ni Sir, Ma'am. Akyat na lang po kayo doon." sabi ng babae sa front desk at iginiya ako patungo sa elevator.