"Aina!" Napaangat ako ng tingin sa babaeng sumigaw.
Nanlalaki ang mga mata ng babaeng nasa counter at kita ang takot sa kanyang mukha.
Nangunot ang noo ko habang nililingon ang lugar kung saan nakatingin iyong babaeng nasa counter.
And there I saw the girl I treasures. Walking like she's not in herself.
Agad akong tumayo nang makita ang truck na papalapit sa kanya. Parang may iniisip syang malalim kaya hindi napansin ang napakalaking truck.
napakalakas ng kabog ng puso ko. Binitiwan ko ang kamay ni Keitlyn at hindi na pinansin ang sigaw ni mommy nang lumabas ako sa lugar na iyon upang puntahan si Aina.
Pabigat nang pabigat ang aking paghinga. Sobra ang takot na aking nararamdaman sa aking loob.
Rinig ko ang singhapan ng mga tao sa paligid habang pinapanood si Aina na patuloy pa ring naglalakad habang mas palapit naman ng palapit ang wala yatang alam na truck. Nililipad ng hangin ang coat ko, tila hinihila itong 'wag magpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang hangin na kumakapit sa aking balat ngunit pinagpapawisan ang aking mga kamay ng malamig habang nakakuyom.
Damn, Aina!
tatlong hakbang ko ay agad kong hinila ang mga braso ni Aina.
Tumili pa sya nang natumba kami ng sabay dahil sa pwersa ko sa kanya.
"Oh my God!" rinig ko rin ang tili at sigaw nang iba dahil agad lumagpas sa amin ang truck.
Nagpagulong gulong kami sa tabi ng hallway, pinulupot ko ang aking mga braso kay Aina.
ramdam ko rin ang maliliit na bato na matulis na nadadagan ko, masakit ngunit hindi ko inalintana.
Damn!
Tumama ang ulo ko sa sahig kaya kami ay natigil sa paggulong.
Nakapaibabaw sya sa akin, malalaki ang mata habang nakatitig sa akin.
Umigting ang panga ko ng naramdaman ang bahagyang pagkirot sa bandang tagiliran ko.
"A-Archer.." Nanginig ang boses niya habang inaangat ang kamay niyang may bakas ng dugo.
Lumipat ang kanyang mga mata sa aking ulo kung saan nakahawak ang kamay niya kanina.
"A-Archer, may s-sugat ka--" hindi ko sya pinatapos. Agad ko syang hinalikan sa labi.
I don't care, Aina!
"I'm fine." sambit ko matapos ko syang halikan at hinila patayo. "Let's go." sambit ko at hinila na sya.
"But, Archer, we need to go to the hospital, y-you're bleeding!" natatarantang aniya.
Kung tinitignan mo lang sana ang dinadaanan mo ay hindi na tayo aabot sa ganito!
bahagyang umikot ang aking paningin at kumirot din ang nasa bandang ulo ko dahilan upang ako ay mahinto sa paglalakad. Pumikit ako ng mariin at hinilot ang aking sentido.
"Archer--"
"Shut up." malamig na sambit ko habang nananatiling nakapikit.
I was about to walk again and pull her when suddenly my eyes turned darker.
"Archer!" rinig kong sigaw ni Aina habang ako ay natumba sa kanyang bisig.
~*~
"He's okay now, tumama lang siguro ang kanyang ulo sa kung saan and siguro ay napalakas kaya nagbleed. May mga gasgas din sya sa kanyang tagiliran but its fine now, nagamot na. He just need to rest, para unti unting matigil ang pagdurugo. if he awakes, just call me." ngiti ng Dra.