Kabanata 16

11 0 0
                                    

"I said, no." Matigas na boses na aniya.

"But I have some work to do. I promise, I will be back here." Sambit ko.

"No. Stay." Sambit niya at tinalikuran ako.

Napabuntong hininga ako. Simula nang maaksidente sya ay naging bossy na siya. Lahat ng gusto niya nasusunod.

Limang araw na siyang nakalabas sa hospital dahil ayaw niyang mag stay doon.

At limang araw na rin akong nakabantay sa kanya kasama dito sa kanyang condo. Ayaw niya akong paalisin at pauwiin sa sa condo ko, at hindi ko maintindihan kung bakit?!

Pumunta na lang ako sa kusina para magluto ng pagkain.

Lagi na lang ganito ang senaryo namin. Pag ginanahan sya ay maghapon kami sa kama. At pag inoopen ko naman ang topic tungkol sa trabaho ay nagagalit sya at hindi ako kakausapin.

Nang matapos ako sa pagluluto ay pinuntahan ko na sya sa taas kung nasan ang aming kwarto, dahil ayaw niya akong patulugin sa ibang kwarto.

"Hon," I called.

His cold and sharp eyes bore into mine.

Bumuntong hininga ako at nilapitan sya upang maglambing.

Nakahiga sya sa kama. Ginawang unan ang dalawang malapad na braso.

Humiga ako sa tabi niya habang nakatagilid at ipinatong ko ang aking palad sa kanyang dibdib.

Ramdam ko ang pagtigas ng kanyang katawan sa ginawa ko.

"Let's eat. We'll talk later." Malambing na sambit ko.

"About your work again? Stopt it, Aina Clarisse. Don't push it, ever again. My answer will always be no."

I rolled my eyes. "But--"

"I will call Dy to put your work here. Dont make my head ache again, Aina ."

I exhaled. "Fine. You won. Now, let's eat." Sambit ko at tumayo na para lumabas at pumunta sa kusina.

Randam ko ang presensya niya sa aking likuran habang ako'y naghahain.

Ramdam ko rin ang kanyang matalim na tingin sa akin habang nilalagyan ng pagkain ang kanyang pinggan at habang ako ay umuupo sa kanyang harapan.

Walang umi-imik sa aming dalawa. Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin at tanging mga kubyertos lamang ang lumilikha ng tunog.

Nasa aking pagkain lamang ang aking atensyon. Binibilisan maging ang pagnguya at paglunok.

Hindi ko sya tinitignan o sinusulyapan man lang. Maging nang iabot niya ang kanyang inumin sa akin na hinanda ko kanina ay wala akong ekspresyon.

Hindi ko alam kung galit ba ako o nagtatampo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa pabago bagong emosyon.

"Hon," he called while I'm doing the dishes and his behind me.

Wala akong imik. Hindi ko alam, agad ay nawala ako sa mood. Parang ayaw ko na lang syang kausapin.

Suddenly, a muscled arm wrap around my waist. Hot lips touched the skin on my neck.

"Ano ba, Archer, may ginagawa ako." Sambit ko at bahagyang inilikot ang balikat upang lumayo sya ng kaunti.

Ngunit agad niya ring ibinalik ang kanyang braso sa pagkakapulupot nito sa akin kanina.

Bumuga ako ng hangin at hindi na lang sya pinansin. Salubong ang aking kilay habang pinagpapatuloy ang ginagawa, kahit na palakas ng palakas ang pagkabog ng puso ko at ang kiliti sa kanyang halik na agad kumakalat sa buong katawan ko.

Owning Aina Colby Where stories live. Discover now